Chapter 46

1.8K 57 2
                                    



Chapter 46





"HON I'm done." Untag ni Noah sa kasintahan nang matapos niyang kainin ang breakfast na inihanda sa kanya ng binata. Tapos na itong mag breakfast, hinihintay nalang sila.

Today is their first day of school— 2nd semester. Kaya heto siya't napilitang gumising nang maaga kahit gustong-gusto pa niyang matulog ulit. Kahit halos orientation lang naman ang ginagawa sa first day, ayaw pa rin ni Noah na may miss siya sa klase.

Ang bilis lumipas ng mga araw, parang isang iglap lang ang semestral break nila, bitin na bitin pa siya. Para sa kanya kulang pa ang mga araw na iyon kapag kasama niya ang kasintahan, kung pwede lang patigilin ang oras habang kasama niya si Callen ay hindi magdadalwang isip si Noah na gawin iyon.

Good thing during their semestral break Callen also took a break from his work and spend all of his time with him. They actually went to a nearly places where they could spend their time together just like what Gab suggested to him. Unfortunately they only had a few days but Noah enjoyed every single time with his hon though.

Tumayo siya at liligpitin na sana ang pinagkainan niya pero naunahan na siya ni Callen. Masyado talaga siyang ini-spoiled nito, ni hindi nga siya pinapagawa ng mga gawaing bahay kahit gustong-gusto niyang tulungan ito. Kaya ba itong katamaran niya mas lalong lumalala.

"I'll do it baby, just wait for me at the living room." Anang kasintahan.

Sinunod nalang niya ito para hindi humaba ang usapan, pumunta siya sa living room at umupo sa couch. Habang hinihintay si Callen, ni-review niya nalang ang mga schedule niya para hindi na siya maguluhan kapag nagsimula na ang klase lalo na't madali pa naman siyang makalimot pagdating sa mga schedule. Mabuti nga't hindi na masyadong umaatake ang pagiging makakalimutin niya. Nakakagulat nga na hindi siya nagka amnesia noong nabagok siya gawa ng pagakaka-aksidente niya.

Ngayon araw din pala ay sabay sila ni Callen papasok sa school, may aasikasuhin daw ito roon. Hindi na nagtanong pa si Noah kung ano iyon dahil sigurado siyang hindi rin naman siya makaka relate.

Sobrang aga pa naman kaya wala siyang dapat ipag-alala na mali-late sila, baka nga pagdating nila sa school ay wala pang masyadong estudyate.

At tama naman siya, hindi nga nagkamali si Noah dahil pagdating nila ay wala pa ngang halos estudyate, ni wala ngang nakapansin sa pagdating nila ni Callen. It's just six thirty in the morning and usually classes start at eight, they really just made it so early.

Mabuti na rin siguro ito para iwas atensyon mamaya. Malamang pagtitinginan na naman sila ng mga estudyate kapag nakita silang magkasama ni Callen. Ang pagpasok pa nga lang ng kasintahan sa school ay big deal na sa mga ito, hindi niya alam kung ano ang reaksyon ng mga ito kapag nakita silang magkasama.

Bigla tuloy na curious si Noah, after all ang gang lang naman nila at si Gab ang nakakaalam sa relasyon nila ni Callen.

At dahil may mahigit isang oras pa bago magsimula ang klase niya sumama nalang muna siya kay Callen sa office nito sa SSC office. Doon na muna siya magpapalipas ng oras, sa pagkakaalam niya ay may sariling pribadong silid ang kasintahan doon.

Gaya nga ng inaasahan ni Noah hindi talaga siya maka relate sa mga ginagawa ni Callen kaya pinanood nalang niya ito nang makarating sila sa SSC office at magsimula itong gawin ang dapat nitong gawin. Hindi niya alam kung ano o para saan ang mga papel na pinagkakaabalahan ng kasintahan at wala siyang balak alamin.

Napahinga nang malalim si Noah. "Why can't I be like you, hon?" He asked out of nowhere.

Bakit hindi siya kasing sipag at talino ni Callen, matalino naman siya pero hindi kasing talino nito. He's strong but not as strong as his hon.

NOT A RIVALRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon