✈️47

17 4 0
                                    


Chapter Forty seven

Pumasok ang highschool student na si Killani sa isang coffee shop sapagkat gusto niya sanang bumili ng kape bago bumalik sa loob ng campus dahil mag re-resume na ang kaniyang afternoon class, hindi na siya nagpasama sa mga kaibigan sapagkat madali lang naman siya.

Habang tinitignan ang menu sa harap ay biglang nabaling ang kaniyang atensyon sa narinig na tawa sa bintana banda ng coffee shop, she saw a beautiful woman with a man whose back is facing at her. Although nakatalikod ang lalaki, mukhang kilala niya ito sapagkat kabisadong kabisado niya ang pigura ng lalaking 'yun.

Crush niya 'yun e.

To make sure, Killani left her lane and approached the man, mukhang napansin rin ng babae na papalapit siya sapagkat tinaasan siya ng kilay nito.

"Didrik?" She said, and the man did not disappoint because it was no doubt, he was Didrik. Ngumiti siya sa binata na mukhang nagulat rin na nandun siya.

Bago pa siya makasalita ay sumulpot na ang babae. "Excuse me? But who are you to interrupt me and my boyfriend?"

Bahagyang umawang ang labi ni Killani. "Boyfriend?" She repeated the word because she can't seem to believe.

"Yes. Didrik is my boyfriend. Ikaw? Kaano ano ka ng BOYFRIEND ko?"

Ang gulat ni Killani ay napalitan ng galit, nakakainis kasi, palagi nitong ine-exaggerate ang salitang "Boyfriend".

At ganiyan lang, biglang nagising ang pagiging kontrabida niya.

"Unli ka gurl? In case your vocabulary is limited, boyfriend has a lot of synonyms. Example, partner, significant partner, significant other, lover. If gusto mo medyo poetic then you can use 'my constant, my constant love' syempre hindi mo 'yan alam kasi hindi ka matalino e. For your peace of mind, I am Killani Vison, your BOYFRIEND'S sister, I am not a threat, sa mental health mo siguro, oo."

Nagulat siguro ang babae kasi hindi na ito nakasagot pa, si Didrik ay ganun rin. Tumingin siya sa binata saka ngumiti. "Kuya, please lang, if pipili ka ng girlfriend, hindi naman sana yung may squammy attitude. It's just---- not so classy."

Just like that, Killani went back to the counter with a smile of victory on her face. She may be silent, but making people silent is also her favorite thing to do. Hindi niya lang talaga gusto na parang minamaliit siya ng tao. Yes, she's young, and some people may have more experiences than her, but she doesn't care, she'll just add another list to their experiences and that is their experience with her.

Hanggang sa pagkuha ng kape niya at pagbalik sa paaralan ay hindi parin maalis alis ang ngiti sa mukha niya. That made her day for sure.

Pero pag uwi, ay nawala rin ang kaniyang ngiti dahil tinawag siya ng ina sa kwarto nito.

Killani smiled innocently. "Yes, ma? Ba't mo ako pinatawag?"

Napabuntong hininga naman ang ina nito. "Hay nako. Your brother told me something."

"He's not my brother." Nakasimangot na sabi niya.

"He's your brother and anyway, totoo bang nakipag sagutan ka sa babaeng kasama niya kanina?"

Moment of realization hit her, unting unti siyang tumango. "Ahh, yung naka brazilian blow out at halatang petroleum jelly ang ginamit na pampatangos sa ilong?"

"Killani!"

"What? Totoo naman a, saka hindi naman ako aakto ng ganun kapag wala namang dahilan diba? You know me, ma. Kasalanan niya 'yun, wala siyang manners, she interrupted me while talking to Didrik. She always exaggerates the word 'boyfriend' na para bang aagawin ko sakaniya si Didrik."

Irrepressible FixationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon