✈ 4

89 13 0
                                    


Chapter Four

NAPAILING ILING si Killani habang pinupunasan ang baba gamit ang face towel sa loob ng banyo, nakapikit ito dahil sa hilo na nararamdaman. She's been vomiting these days and she doesn't know why, baka may nakain lang siyang panis na pagkain. It's been a month since her layover together with the cabin crew ended, himala at hindi ito pinahanap ng may nagmamay-ari ng kotse; unti unti niya nang nakakalimutan ang nangyari. Nababawasan tuloy ang konsensiya na nararamdaman niya.

She sighed before sitting on the bed, wala siyang trabaho ngayon kaya malaya itong gawin ang kung ano mang gusto. Killani is also meeting up with Gleisey because they both have a free time to do so, her friend has been busy like her. Hindi magka-tugma ang schedule ng dalawa kaya hindi sila nakakapag-meet up, ngayon lang ulit sila magkikita. Killani can't help but to feel happy for Sunshine, buntis kasi ito and anytime soon; magpapakasal na sila ng kasintahan. Hindi lang nila alam kung kailan dahil may pina-plano ito na hindi dapat malaman ng kaibigan.

Parang ito pa ang na stre-stress sa kaibigan, bigla kasing sumabog ang laboratory ng kasintahan nito at nawala. Akala ni Sunshine ay patay na ang binata kaya ayun, umiyak ng ilang balde. Mabuti nga at nalaman na nila kung sino ang nasa likod ng lahat na nangyari, they filed a case against that culprit. Pinairal kasi ang inggit ayan tuloy, sa korte ang bagsak.

Inggit pa more.

Pero bago ito makikipag-kita sa kaibigan ay pupunta muna siya sa kompanya ng airline, pinapatawag daw nito ng boss nila. At kung ano man ang dahilan, siguradong hindi iyon maganda. Napatingin si Killani sa cellphone nito nung mag-ring 'yun, she squinted her eyes. Her father is calling.

"Hello, pa?" A knot formed on her forehead when no one answered her back. Ano kaya ang nangyayari sa ama nito?

"Pa, ano po yun? Okay lang po ba kayo diyan? Si mama, kamusta siya?" Sunod sunod na tanong niya.

[Anak...ang nanay mo.]

Nanlamig si Killani sa pwesto nito, lahat na posibleng bagay ay pumasok sa isipan niya. Ayaw nitong mag isip ng kung ano ano kaso hindi niya mapigilan.

"Anong nangyari kay nanay?" Mahinahon na tanong ng dalaga, pilit nitong pinapa-kalma ang sarili.

[Nak, kailangan nang ma-operahan ang mama mo. Lumalala na ang kalagayan niya, wala na akong pera nak.]

Killani heaved a deep sigh, her breathing hitched when his father said that. Her mother is suffering from Coronary Heart Disease, sooner or later; if her condition worsened. Her mother might need a heart transplant, and she couldn't afford that. But she also couldn't afford to see her mother die.

"Pa, nagpadala na ako ng pera diyan diba? Malaki ang sahod na kinikita ko sa Gustavsson Airlines, kahit bayaran ko ang kuryente, tubig, groceries, renovation. Malaki parin ang matitira, at alam ko na tinatago niyo ang extra. Gamitin mo muna please, kahit sa gamot lang ni mama."

[Anak ano k-kasi e....wala ng extra.] Napahilamos sa mukha si Killani, hindi niya na alam ang gagawin. Nagpadala na ito sa probinsya, next month na naman ang sahod.

"Saan iyon napunta pa?" She asked, Killani doesn't know what to feel when her father stayed silent.

"May tinatago ka ba sakin, pa?" Pagpatuloy niya.

[W-Wala anak...] Kumunot ang noo ng dalaga, bakit ito nauutal?

"Bumili ka nalang muna ng gamot ni mama, wala pa akong sapat na pera para sa operasyon. May naipon naman kayo diba, pa? Nagpadala na ako diyan last week." Pinatay niya na kaagad ang tawag at nag-ayos, pupunta pa siya sa kompanya ng Gustavsson Airlines.

Irrepressible FixationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon