✈33

50 8 0
                                    

Chapter Thirty three

"GANITO kasi 'yun—"

"Bili tayo ng pizza." Kaagad na sinamaan ng tingin ni Killani ang kaibigang nito na si Airelle.

Kasalukuyang nasa salas sila ng bahay ni Killani, inaya niya kasi ang mga 'to na uminom. Madami siyang i-chi-chika sa mga kaibigan, kaagad din naman silang nagsidatingan. Maliban nalang kay Sunshine na on the way pa lang.

"Sige sige, ilan ang ambagan?" Tanong ni Gabrielle habang kinukuha ang wallet nito sa bag.

"Sa Roberto's tayo mag o-order, sa inyo 100. Singkwenta lang ang mayroon ako dito." Sulpot ni Gleisey saka nag kibit balikat.

"Tara't isangla ang relo mo, poks." Sabi naman ni Gabrielle.

Napailing iling nalang si Killani habang pinapanood ang mga kaibigan nitong nag-iisip kung saan kukuha ng perang pangbili ng pizza, e libo libo naman ang laman ng wallet ng mga 'to.

"Hoy, Gabriella the Godzilla. Ang dami mo nang ninakaw! Bayaran mo ang mga 'yun!" Nakasimangot na sabi ni Gleisey. "Hindi mo na iyon matatawag na nakaw pag binayaran ko, poks!" Depensa naman ni Gabrielle.

"Alam niyo, bagay talaga kayo. Ang dalawang G, pag pinag-combine; gaga! Ganun kayo! Gaga!" Singit ni Airelle na ikinatawa niya.

"Alam mo din, Airelle ang pangalan mo; pero mukha kang shokoy!" Ganti naman ni Gleisey.

"Walang personalan, hoy! Ibigay mo nga sakin ang wallet mo." Sabi ni Airelle saka inagaw ang wallet ni Gleisey na kaagad naman nitong inagaw ulit. "Wag! Wag! Pang Shoppee ko pa 'yan! Naka place order na ako!" Ngumuso ito pagkatapos sinabi 'yun.

Maslalo nalang napatawa si Killani, nakangiwi naman si Gabrielle habang pinapanood ang dalawa. Mula pa noon, sila talaga ang nag-aasaran.

Gabrielle chuckled before standing up, and taking out something from her bag. "Hahaluin ko lang 'to." Sabi nito at pinakita sakanila ang dalawang botilya ng The bar pink.

"Oh ito, Tang." Sabi naman ni Airelle sabay tapon ng sachets dito.

Basta sa inuman, instant girlscout talaga.

"Bakit Tang?"

Airelle blankly stared at Gleisey. "Kasi tang-ina mo ka."

Kaagad naman siya nitong sinamaan ng tingin. "I-deep throat kita ng lumpia diyan e."

"Ugh, fucking please." Pinatirik tirik pa ni Airelle ang mata.

"Woman whore." Nakasimangot na sabi ni Gleisey bago bumaling sakaniya.  "Pahingi namang kinse o."

Napakamot si Killani sa batok. "Ewan ko sainyo, nandito tayo para chumika e."

Napatango tango naman si Gleisey. "Oo nga pala, ano ang balita sa inyo? Getting there na ba?"

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "So ganun nga—wala paring bago, palagi niya akong sini-sisterzone. At alam niyo kung ano ang hindi ko matanggap?" Sinadya niya talagang tumigil muna para hintayin ang sasabihin ng mga kaibigan.

Airelle, and Gleisey eagerly nodded their heads. "Ano ang hindi mo matanggap tanggap? Dali! Pabitin pa e!"

Killani shrugged her shoulders before answering. "May girlfriend siya."

"LUH?!"

Tumango tango siya. "Tapos flight attendant niya pa." She did some hand gestures. "Like—what the hell? He's going to suffer once his rivals know. It'll be his downfall! At.. At tanga din si ate mo ghorl! Ah basta tanga silang dalawa!"

Irrepressible FixationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon