✈ 5

82 13 0
                                    

Chapter Five

"BILISAN mo, babe." Napairap si Killani dahil sa sinabi ng kaibigang si Gleisey.

Alam niyang mabagal siya at nahuhuli na sila sa appointment na pupuntahan pero wala itong pake, first of all; she feels too lazy to get up but Gleisey forced her. Second, she feels nauseous and she doesn't want to leave the house. But she must because she has an appointment with her ob-gyne, Killani needs a proof to slap on that jerk's face.

"Babe naman, don't rush me." Nakangusong sabi niya sa kaibigang inirapan din siya.

"Anong don't rush me rush me ka diyan, late na tayo ineng. Hindi ka VIP para pag hintayin si doctora." Napasimangot si Killani dahil sa sinabi nito.

"Bakit ba ang aga aga ng appointment ko?" Tanong nito, inirapan siya ulit ni Gleisey.

"Tignan mo ng maayos ang orasan, maaga ba ang 1 pm sayo?"

"Wala na akong sinabi, tapos na ako." Inangat pa nito ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Humarap ka nga sa akin." Kumunot ang noo ni Killani bago humarap kay Gleisey.

"Ang ganda mo namang buntis!" Her heart melted when her friend stared at her with admiration, Killani twirled while holding the hem of her dress. Napatawa naman si Gleisey sa ginawa nito.

"Tama na 'yan PNB, baka mahilo ka." Kumunot ulit ang noo ni Killani dahil sa sinabi ng kaibigan, bagong pet name na naman ba?

"PNB?" Nagtatakang tanong niya.

"Pokpok na buntis." Bale walang sagot nito, napa-iling iling naman siya.

"Ewan ko sayo, alis na nga tayo." Napatawa si Gleisey dahil sa sinabi nito, kaagad niyang sinundan ang kaibigan sa loob ng sasakyan.

"Kailan natin ipapa-alam sa mga pokpok?" Tanong ng dalaga habang nagmamaneho, huminga ng malalim si Killani bago tumingin sa labas ng bintana.

"I don't know, masyadong madami ang iniisip ko ngayon. Next time nalang pag okay na ako." Her thoughts went to her mother again, even if she's worried; confusion is still there, deep in her heart. Killani doesn't know what happened to the money she gave them, imposibleng walang extra na natira sa binigay niya.

"Okay, if that's what you want." Sagot ni Gleisey na abala sa pagmaneho.

"Ikaw, wala ka bang photoshoot? Runway? Anything?" Balik na tanong niya.

"Oh, I almost forgot. Pupunta ako bukas sa Guimaras, may swimwear photoshoot ako doon." Biglang pumasok sa utak niya ang imahe ng mangga, parang tutulo ang laway nito.

"Pwede mo ba akong dalhan ng mangga?" Malambing na sabi niya at yumakap pa sa kaibigan.

"Sweet kalang pag may kailangan e, ayaw mo ba ng customized Channel baby onesie? Para sa inaanak ko." Sumimangot si Killani dahil sa sinabi nito, buntis lang ako; ipinagpalit na ako.

"Nakakain ba iyan? Ayaw ko nga, gusto ko ng mangga!" Demanda niya, biglang bumigat ang nararamdaman ng dalaga. Gusto talaga nitong makakain ng mangga.

"M-Mangga lang naman e." Naiiyak na sabi niya.

"Oo na, oo na. Wag ka nang umiyak diyan, kahit isang sako pa ang bibilhin ko." Ngumiti siya kaagad sa sinabi nito.

"Yehey! Thank you, pokpok!" Masayang sabi ni Killani, umiling nalang si Gleisey habang nakangiti.

"Ako ang paglihian mo ha? Para maganda o gwapo si baby." Mabilis siyang umiling sa sinabi nito.

Irrepressible FixationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon