Chapter Thirty six
"MA'AM Killani." Tawag sakaniya ng guwardiya nila.
Kaagad namang napatingin ang lumuluto ng agahan na dalaga sakaniya, Killani set the stove on low heat before speaking. Lumuluto kasi ito ng fried rice para sa agahan, at sa mga hindi nakaka-alam; sinabihan nalang nito ang kaibigan na i-deliver sa bahay niya ang buhangin saka ang salt water next week which is this week.
Para sabay nalang dadating kasama ng binili niya sa internet na star fish, at shells. Sabi ng seller ay na ship na daw ito sa nearest facility na nasa location niya, ang dali ng shipping dahil malaki din naman ang binayad nito.
And that package consists of alive animals, hindi naman pwede na matagalan sa plastic; o kung saan man ito linagay ng seller. Much to her satisfaction, hindi naman naka-associate ang shop sa black market. Mahirap nang bumili sa internet, magugulat ka nalang na ina-aresto ka dahil ang laman ng package mo ay droga.
Kapag nangyari 'yun, sigurado hindi na siya ma-i-pa-panalo ni Azal, e sa may ebidensya na. Bakit ngaba siya ipaglalaban ng isang Atty. Arkhez McHal Kraftvoll, e hindi naman siya si Gleisey.
Speaking of Gleisey, malapit na pala ang birthday nun; and that girl will be home anytime without even them knowing. After they leave Boracay, which is the place where they are going to celebrate their friend's birthday; the day after that is her flight headed to Sweden.
Syempre hindi niya sinabihan si Didrik, parang wala naman 'yun pakialam sakaniya. Wala din naman silang process, same thing happens everytime; their eyes will meet ang quickly look away. Iniiwasan niya parin ang binata, but that doesn't affect her.
For Pete's sake, she's been doing that since she was 17 when the Gustavssons entered her life. The reason why she was more distant, is because everytime she would beg for his attention; bina-balewala lang siya nito, and that's what she regret the most.
Begging for attention, and affection.
Pero parati niya paring ginagawa 'yun. Yes, baka martyr nga siya; but we all have been there right? Loving a man that you have no chance with.
Yung tipong, okay lang na masaktan ka basta masaya lang siya.
Maybe love is really like that, upon loving someone; you must sacrifice. It's scary, you want to risk but your fear of getting hurt is stopping you. But with the right person, you're just going to be shocked that you already took the risk without even knowing.
At magugulat ka nalang na nasasaktan ka na pala.
"Yes po, manong?" Nagtatakang tanong niya sa ginoo.
"Ma'am, may deliver po kayo sa labas. Pinapasok ko na po dahil baka mapagod kayo sa kakalakad pag lumabas ka pa sa gate."
Killani warmly smiled. "Sige po, salamat. Kain po muna kayo."
Ngumiti din ang ginoo. "Tapos na po akong kumain, ma'am. Sige, babalik na ako doon."
Ngumiti lang siya saka tumango pagkatapos ay lumabas. Kaagad namang bumungad sakaniya ang isang truck, may delivery man ring nasa labas habang may hawak hawak na styrofoam box.
"Delivery for Ma'am Killani?"
"Yes." Simpleng sagot niya, linahad naman ng lalaki ang box na kaagad niyang kinuha.
"Pa-sign nalang po ako dito, ma'am." Sabi ng lalaki bago binigay sakaniya ang papel, at ballpen. Linapag muna ni Killani ang dala dala sa sahig saka kinuha 'yun at pinermahan.
"Salamat, ingat kayo." Sabi niya bago pumasok sa bahay, hindi nagtagal ay narinig din nito ang pag-andar ng sasakyan.
Killani carried the box to her room, and opened the package.
BINABASA MO ANG
Irrepressible Fixation
RomanceWhen Killani Vison boards a plane as a stewardess instead of a passenger, she realizes she has achieved her ambition. However, she is unaware of the greater opportunity that lies ahead of her-becoming the wife of an airline owner, for one. Will she...