✈ 7

72 11 2
                                    

Chapter Seven

NAKANGUSO ang dalagang si Killani habang nanonood ng TV sa sala, umalis na si Gleisey kanina kaya mag-isa nalang ito. Lumuto na siya ng hapunan, nakakain, na inom niya narin ang bitamina at gatas ngunit wala parin si Didrik. Gabi na subalit hindi parin umuuwi ang binata, it's not that late in the evening so she's still free to do whatever she wants. She's so bored, bakit ayaw kasi ni Didrik na palabasin ito. Dapat naghahanap na siya ng trabaho diyan sa gilid gilid e.

Kamusta na kaya si mama? Iyan ang pumapasok sa utak niya, imposible talaga e. Baka kasya pa ang pinadala niya para sa opera ng ina, bumuntong hininga si Killani bago tumayo at lumabas sa likod ng penthouse. Namilog ang mata niya nung makita ang swimming pool, hindi nito alam na may ganun pala sa penthouse ng binata. Excited siyang bumalik sa loob para magbihis, mabuti naman at kasama na sa paper bag ang mga damit na binili sakaniya ni Didrik. Kasama na doon ang swimsuit kaya malaya siyang makaligo sa swimming pool.

Hindi maiwasan ni Killani na ngumiti habang nilulubog ang sarili sa tubig, kahit malamig ay masaya parin siya. She sighed in contentment while savoring the coldness of the water, her nerves are relaxed. She opened her eyes and looked at the plants, Killani can't help but to think about what future holds for them, never in her life she expected to get pregnant this early. But it is God's plan, this little baby inside her is a blessing. Ang hirap tanggapin nung una, pero dapat niyang panindigan ito.

Mrs. Gustavsson, she wishes that as time goes by; they will learn how to love each other. She wants to give her child parents who love each other, pero parang imposible ata yun. The man built a wall around his heart, at mahirap sirain iyon. A knot formed on her forehead, why is she even thinking that? About him falling in love with her? Napaka-imposible nun, that will never happen.

"Asa lang, Killani. Sige pa, kaya mo 'yan." Sabi niya sa sarili habang nilalaruan ang tubig gamit ang kamay, she swam from her place to the other side of the pool. The cold water relaxes her mind, ang laki ng gusaling 'to. Kaya malapad ang penthouse ni didrik, tumayo siya at pumunta sa railings bago dumungaw sa baba.

City is really different from province. Killani stared at the busy sight below, behind the pollution; is where beauty hides. You just need to look deeper and appreciate it, multiple shades of light complimented the dark night. Beside the highway is where a crowd of people walks back and forth, starting their night life. She stared at the sky, the familiar blinking light from an airplane welcomed her.

A sad smile appeared on Killani's lips, she can no longer work together with the cabin crew. Travelling for 12 hours or longer will put her baby's life at risk, and she doesn't want to do that. Maybe it's safer this way, hahanap nalang siya ng panibagong trabaho para sa anak niya. Hindi naman pwede na de-depende ito kay Didrik, dahil hindi pera ang habol niya.

She shivered when a gust of wind hit her skin, she's still wet from the pool. Lumakad siya pabalik sa loob nung marinig na tumunog ang cellphone nito, she checked the dialer's name. It's her father, she heaved a deep sigh before answering.

"Hello, pa." Bati niya sa kabilang linya.

[Anak, kailangan na ng mama mo magpa-opera.] Sinasabi na nga ba.

"Binili niyo po ba ang gamot ni mama mula sa reseta?" Tanong niya, maslalong kumunot ang noo ni Killani nung hindi sumagot ang ama.

"Pa!" Inis na sabi niya, may tinatago talaga ito sa kaniya. At malalaman niya rin iyon, nakasalalay ang buhay ng ina nito kaya ayaw niyang may tinatago ang ama.

[O-Oo naman anak.]

"Bakit ka nauutal, pa? May tinatago ka ba?" Narinig niyang tumikhim ang ginoo.

[Wala anak, syempre. Tumawag lang ako sayo para sabihin 'yun.]

Irrepressible FixationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon