Chapter 3

48 2 0
                                    

AWKWARD

“Oh, anong nangyari sa inyo?” tanong ko sa dalawang kapatid nang makarating na sila sa mansyon. Inantay ko sila buong hapon sa fountain sa harap ng mansyon.

“Ah ayon. Pumayag naman.” saad ni Adrian.

“Magaling kasi kayo mang-bribe.” sabi ko saka pinagkrus ang braso.

Bumaba ang tingin nila sa braso ko at talagang pinuna nila ʼyon. “Donʼt you dare cross your arms on us. Utang na loob mo sa ʼmin na pupunta si Bliss sa birthday mo.”

“Paano ko naging utang na loob ʼyon?” tanong ko. “E kusa kayong pumunta roʼn para imbitahan siya. Kayo ba may birthday? Ha? At hindi ko rin naman ginustong papuntahin siya rito.” saad ko. Natulala lang sila sa akin. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na natawa ng malakas. Tss, idiots.

Kahit hindi siya pumunta, ayos lang. Hindi naman siya kawalan para kailangan imbitahan sa kaarawan ko. Hindi naman kami close at lalong hindi kami nag-uusap. Wala kaming koneksyon. Hinding hindi ko gagamitin ang plano kong mapasakin siya para lang magpunta siya rito. I donʼt give a damn about her.

Sumunod na araw, pumasok ako sa SDA nang mag-isa. Ginamit ko ang sariling sasakyan at hindi na nakisabay kay Kuya Adrian. Baka kung saan na naman ako dalhin. Napansin ko rin na magkasama sila ni Calvin kaninang bago umalis kaya nasisiguro kong nasa isang sasakyan lang sila. No, I wonʼt join their ride unless I have no choice left in me.

Mabuti na lang talaga at hindi ko kaklase si Bliss Lopez. Kung nasa isang classroom lang kami, mas lalo akong tinukso ng mga kapatid ko, at ayaw ko ng ganoʼn. At mabuti na ring hindi ko katabi sa upuan ang kahit sino sa dalawa kong kuya.

Habang nagkaklase hindi ko maiwasang tignan si Crystal. Malayo na ang inuupuan niya kay Calvin. Simula nuʼng bumalik siya, lagi siya nabu-bully ng mga schoolmates namin. They call her a slut, a whore, a flirt dahil parehong kapatid ko ang nagkagusto sa kaniya—naghabol si Adrian sa kaniya, umiyak si Calvin sa classroom dahil naghiwalay sila ni Crystal. Sinasabi ng mga tao na pinaglalaruan silang dalawa ni Crystal. Dahil kasali sa issue ang dalawa kong kapatid, siyempre damay ako—lalo na at magkapareho kaming sumasali sa singing contests at nagduduet pa kami. Akala nga ng mga tao rito ay may gusto na rin ako sa kaniya.

Nang dumating ang breaktime, sinundan ko siya sa cafeteria. Nakagawian ko na ang ganoʼn sa bawat araw na papasok siya. Itʼs really awkward if one of my brothers does this. Umuupo ako lagi sa table na bakante, ʼyung pinakamalapit sa kaniya. Iʼm guarding her on behalf of my brothers and of course as her friend.

Iʼve once saw Liana fought through words. She was very capable at it so I have faith that she can protect Crystal from the others. Itʼs not that I donʼt trust Liana being with her at this kind of time, Iʼm just not sure if they could handle the bullies. Baka sa sobrang pagkamuhi ng mga ʼyon sa kanila ay hindi lang panglalait ang gawin nila. Mas magandang sigurado akong lagi siyang maayos.

Ngayong araw, muli kong nakita si Ms. Bliss Lopez. Alam kong kaibigan siya nina Crystal at Liana. Halata rin naman dahil lagi silang magkakasamang tatlo.

“You and your friend deserve an Oscar award. Ang gagaling niyong um-acting!” ani isang babae na nasa tapat na ng lamesa nila Liana, Crystal, at Bliss.

“Napaikot niyo ang mga Scottsdales! Mga malandi kayo!” bulyaw ng kasama nitong babae.

Kinalma ko ang sarili dahil kusang kumuyom ang kamao ko at uminit ang ulo ko. Hahayaan ko muna si Liana na maunang umakto, kapag hindi niya kinaya, doon lang ako aakto.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon