Chapter 13

33 2 0
                                    

INCONSIDERATE

LEONARDO

“What is he doing here?” Bliss hissed to her father as she glared at me. That cheeky noisy cub...

“Hindi mo sinasagot ang tawag ko.” I said.

Hindi niya dapat itanggi ʼyon dahil iyon ang totoo. Hindi naman talaga niya sinasagot ang tawag ko.

Hindi ko alam kung bakit ganoon siya makatingin sa akin. Parang lagi na lang akong may gagawing masama sa kaniya.

Serysoso akong tumingin sa mag-ama. Mr. Lopez smirked at me! Where did he get the audacity to do that to me?!

Bumaling si Bliss sa kaniyang Papa. “Kumain na po ba kayo ng almusal, Papa?”

“Not yet. I was waiting for you para sana sabay na tayong mag-agahan.” her old man said.

“Well then. Letʼs eat.” Mr. Lopez said. Iginiya niya ang anak papunta sa hapag kainan at iniwan akong bisita sa kusina. Thatʼs rude.

I can say... Their relationship as father and daughter was good—unlike our father and my brothers. We have a good relationship, but it wasnʼt that good like what Bliss and Mr. Lopez shares. Kahit ang kumain ng sabay-sabay sa hapag, bilang lang sa daliri ko kung ilang beses namin iyon naranasan.

“Maʼam Bliss, may naghahanap—” hingal na hingal ang isang babae na nagmadaling pumunta sa kung nasaan ako. Natigil siya sa sinasabi niya nang makita ako. “Ah, sir, nasaan po si Maʼam Bliss?”

Ang hirap maging gwapo, nakakaagaw masyado ng atensyon.

Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa ulo. “Isnʼt it your job to search for her?” sarkastikong tanong ko. Tinaasan ko pa ng kilay.

“Okay po sir, salamat na lang po.” aniya saka yumuko at nagpatuloy nang muli sa paglalakad.

Hmm... “Mr. Lopez never fail to piss me off. Even his people pisses me off too.” I let out a sigh.

Nagtungo na ako sa hapag kainan kung nasaan na sila Bliss ngayon. No, I wonʼt be joining them for breakfast. Itʼs already 9:40 in the morning. Masyado nang late para sa akin ang mag-agahan ng ganoong oras. Dahil nga hindi naman ako makikisalo sa kanila, uupo lang ako.

No one told me to observe but thatʼs what I need to do right now. Kung ʼdi ko oobserbahan si Mr. Lopez, hindi ko makukuha ang anak niya. Pero sinabi naman niya kanina na hindi niya ipagbabawal na maging kami ng anak niya. Ibig sabihin, si Bliss na lang ang poproblemahin ko. Thereʼs no barrier ahead of me anymore.

Narinig kong nagsalita si Mr. Lopez nang malapit na ako sa dining area.

“Hindi ka ba muna kakain, Andy?” tanong ni Mr. Lopez.

Si Andy? Nandito? Iyon siguro ang dapat na sasabihin ng maid kanina kaso hindi lang niya nasabi ng buo dahil nagwapuhan siya sa akin.

I didnʼt stop from walking, kahit pa isipin nilang nakikisali ako kung hindi naman ako kabilang sa kanila. I donʼt care. Dumiretso lang ako at naupo sa tabi ni Bliss na katapat na ni Andy.

Bakas sa mukha ni Andy ang gulat nang magsalubong ang mata namin.

“Andy,” tawag ko. Tinignan ko siya mula sa upuan niya. “hindi ko alam na close kayo ni Mr. Lopez.” dugtong ko.

“Weʼve only met for a while.” ani Andy. Wow. Ganoon din naman kami ni Mr. Lopez, pero ʼdi naman kami close. Mainit nga ata ang dugo niya sa akin. Well, kung ganoon siya sa akin, dapat ganoon din ako sa kaniya. Hindi man kami close, pareho naman kaming naiinis sa isaʼt-isa.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon