Chapter 27

40 2 0
                                    

FAILED STEPS

“Dad, aalis ka?” tanong ni Adrian.

I sat down beside Calvin at Dadʼs office. He held a meeting for our family only—including mom.

Tumango si Dad, “Yes, may problema sa resort ng mom niyo, kailangan niya ako roʼn.” simpleng aniya.

Wala akong gana makinig sa usapan nila. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito ngayon, hindi naman ako involve sa kung ano mang problema nila sa Pangasinan.

“Leonardo, you seem to be preoccupied.” napansin ni Dad.

Napalingon ako kay Dad. Mukhang tama nga siya. Wala akong iniisip sa mga oras na ito pero kung makatulala ako tila problemadong problemado. Hindi ko nga halos alam kung anong problema ang pwede kong isipin.

“Nilalagnat ʼyan.” biglang singit ni Calvin sa usapan. Yeah, I caught a cold.

Lumapit si Mom na nakatayo sa tabi ni Dad sa akin. Nilagay niya ang palad sa noo ko at leeg. She was checking my temperature. “Oo nga. May lagnat nga. Johann, ang bunso ko...” Mom pouted while squishing my cheeks.

“Uminom ka na ba ng gamot?” tanong ni Mom. Umiling ako. Iʼm still the honest Leonardo they knew. “Iʼll ask Isabel to give you medicines later after our family meeting, okay?” she asked, pertaining to the nurse that takes care of me and my brothers when weʼre sick. Only when the sickness is normally caused by the weather.

“Leonardo, if youʼre bothered about the deal... donʼt be. Iʼll give you another two weeks.” Dad said with a straight face. I was surprised to hear that!

“Talaga po?” I doubted at first but when he nodded calmly, thatʼs when I realized he wasnʼt lying and he was absolutely fine with that.

“Your brothers told me you were having a hard time balancing studies and that deal. Basta anak, isipin mo muna ang pag-aaral mo at tsaka mo isipin ang kasunduan pagkatapos.” payo ni Dad.

Napangiti naman akong bahagya. “Thank you Dad.”

“No worries.” he chuckled. “But Iʼm hopeful youʼve done your part before or on the day I come back here.” he added.

“Yes, Dad!” I said, cheerfully.

After that small meeting held, me and my brothers went for some fresh air. Since weʼre done talking with our parents. Nagtungo kami sa balkonahe.

Tahimik kaming tumayo lamang habang nakapatong ang bisig sa railings ng balkonahe. Naramdaman ko naman ang malamig na simoy ng hangin. Maaga pa kasi kaya talagang malamig ang hangin. Pinagitnaan ko si Adrian at Calvin.

Huminga akong maluwag. Nakakagaan ng loob na wala muna akong proproblemahin sa mga susunod na araw. Itʼs a good thing that Dad will be out for two weeks.

“You both did that?” hindi pa rin ako makapaniwala.

“Yes, of course.” ani Calvin.

Kumunot ang noo ko at napatingin sa langit at pabalik sa mga kapatid ko. “Pero sinabihan ko na kayo na ako na ang bahala sa problemang ʼto.” saad ko.

Inakbayan nila akong pareho. “May konsensya pa naman kami.” ani Adrian.

“Yeah.” sumang-ayon naman si Calvin. “Kapag nagkataong hindi nabayaran ang utang nila, malalagutan tayong lahat. Alam mo kung paano magalit si Dad, Leonardo.” dugtong pa niya.

Dahil sa pagpapaalala niya sa akin tungkol sa ugali ni Dad, mas kinabahan ako.

“So you both care about me?” I assumed.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon