Chapter 40

25 0 0
                                    

BAKIT IKAW PA

“You failed, Mr. Leonardo.” the professor said to me as I stood up emotionless in front of her desk.

I was too anxious to speak so Bliss took place, “What do you mean, Miss? Iʼm sure Leonardo did his best.” she said.

“Nagulat nga rin ako na sobrang baba ng scores ni Mr. Leonardo sa exams.” the professor stated. “As his professor for a long time, I am aware of his intelligence. Pero ngayon, talagang nagtaka ako.” dagdag pa niya saka bumaling sa akin sabay nagtanong, “What happened, Leonardo?”

I couldnʼt just stand here with nothing to say. I opened my mouth and let the words come out naturally but I avoided to tell other unnecessary things. “Hindi po ako nakapag-review Miss. Nagkaroon po ng problema sa mansyon namin.”

Bliss held my hand gently to ease it from shaking. I tend to her and she looked so worried. “Magiging ayos din ang lahat.” bulong niya sa akin.

Her presence was enough to ease my nervousness. If I was ill, sheʼll be my cure. She makes me feel better than everyone.

“Wala na ho bang magagawa para mabawi ang scores niya, Miss?” nag-aalalang tanong ni Bliss.

“Kakausapin ko pa muna ang ibang professors niya kung anong pwedeng gawin nila regarding this. Iʼll let you know as soon as makausap ko na sila.” the professor said.

Pagkatapos niyon ay iginiya na niya kami papalabas ng faculty. Nanatiling nakahawak sa kamay ko si Lorraine. Kahit pa paano ay nababawasan ang kaba at panginginig ko.

“Leonardo,” she cupped my face with her right hand as she uttered my name, “Mababawi mo rin ʼyung exam mo. I will help you.”

“Lorraine, hindi mo naman ʼto kailangang gawin.” sabi ko. Sa wakas ay may nasabi na rin ako. “Kasalanan ko kung bakit nagkaganoon ang exams ko.”

“Kumalma ka... Johann.” her voice was soothing as ever. Napakalma ako nito sa pagbigkas lang ng pangalan ko.

Nang pabalik na ako sa classroom, kasama ko pa rin siya. Nakasalubong namin ang mga kapatid ko. Baka pauwi na rin sila. Kinuha ko ang gamit ko sa loob habang si Lorraine ay tahimik na hinintay ako sa labas.

Nang makuha ko lahat ng gamit ko ay lumabas na ako. Si Adrian at Calvin ay sumabay sa amin ni Lorraine na maglakad papunta sa parking lot. Doon din naman sila pupunta.

Nang makarating kami sa parking lot, nagtaka ako kung bakit hindi pumunta ang dalawang kapatid ko sa sariling mga sasakyan. Pinauna ko na si Lorraine sa loob ng sasakyan ko, sinabi ko na ako na ang maghahatid sa kaniya pauwi. Nang tuluyan siyang makapasok sa loob, alam ko na agad na gusto akong kausapin ng mga kapatid ko.

“Kinausap mo ʼyung prof natin, Leonardo?” tanong ni Adrian. Tumango ako sabay napansin ang isa ko pang kapatid na sumandal sa sasakyan.

Bumaling ulit ako kay Adrian nang akma siyang magtatanong ulit. “For sure you passed the test.” saad niya.

Bahagya akong napayuko at napuno ng pagsisisi ang mukha.

“By the look on your face,” Calvin started, “I could tell you failed the test.”

“Yeah and so what...?” I was damn nervous that it appeared to them as if Iʼm mad about it. “Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Dad.”

“Kaming bahala sa ʼyo.” ani Calvin.

Sana nga ay hindi ako malagutan. Ngayon lang ito nangyari sa akin pero ang kaba ko ay abot langit na ang taas. Wala rin naman akong kasiguraduhan na magagalit si Dad o ano pa man.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon