Chapter 10

40 2 0
                                    

APPLE JUICE

BLISS

Malapit na ang birthday ni Leonardo! Oh My God! I canʼt wait! Iʼm so excited! Wait... Bakit mas excited pa ako kay Leonardo? Well, dahil nga malapit na ang birthday niya, I should buy him a gift.

Ngayon lang kami naging close as friends... Actually hindi pa nga gaanong close. Parang 30% pa lang ang closeness namin dahil mabilis siyang mainis. E ako, napakaingay ko pa naman at napakadaldal. Naiinis na nga siya sa akin e. Well, if only I was born as quiet as a tree, hindi na sana magkakaproblema sa pagkakaibigan namin.

“Anong gusto mo, Bliss?” tanong ni Andy sa akin. Siyempre nilingon ko siya.

Of all the persons I have met, siya ʼyung pinakamabait na lalaking nakilala ko. Maliban sa mga Scottsdales siyempre. Mabait din naman sina Adrian, Calvin at Leonardo pero hindi kasing bait ni Andy. Kung ako nga ang tatanungin, kung may pag-asa bang magkagusto ako sa kaniya? Siyempre ʼno! Why not?

“Ililibre mo ʼko, Andy?” pang-aasar ko sa kaniya. Napahagikhik naman ako.

I was so showy when it comes to my emotions. Mabilis mabasa ang ugali ko. Baka nga sa unang tingin mo lang ay kilala mo na agad ang lahat ng ugali ko. Pero parang si Calvin pa lang ang nakakagawa nʼon sa akin.

Natawa siya, “Why not?” tanong nito.

Awtomatikong kumurba ang labi ko saka nagliwanag ang mata ko. Nakakaganda talaga ng araw kapag may nanglilibre sa akin.

“Sige, kung ano na lang ang bibilhin mo, ganoʼn na lang din sa ʼkin.” simpleng sagot ko. Aba! Ako na nga ang ililibre, magde-demand pa ako?

“Sure?” klaro niya. Mabilis akong tumango. “How about you, Leonardo?” baling ni Andy sa katabi niyang si Leonardo.

ʼDi ko namalayang nandito pa rin pala siya. Akala ko umalis na kasi alam kong ayaw naman niya akong nakakasama dahil sa kaingayan ko.

“Apple juice lang sa akin.” saad niya. Ang lamig ng pakikitungo niya ngayon. Ganoon ba talaga siya o talagang ayaw niya lang talagang nakikita ako?

“Dagdagan mo ʼyung kaniya Andy, ako na magbabayad.” utos ko kay Andy. Ngumiti lang ako.

Pumila na si Andy tapos kaming dalawa ni Leonardo, naghanap ng puwesto. Magkaharap ang upuan namin. Naiilang na ako ngayong humarap sa kaniya, pati kausapin siya ay ʼdi ko magawa.

“Ms. Lopez,” sambit niya. Nagsitayuan ang balahibo ko!

“Y-yes?” mabagal akong lumingon sa kaniya.

“Bakit mo ginawa ʼyon?” walang emosyong tanong niya.

“B-Bakit mo tinatanong?” mas nautal ako ngayon. Argh! Ano ba kasing iniisip ko at ginawa ko ʼyon?! Nakakainis!

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at mas lalong hindi ako naging komportable!

“Bakit ʼdi mo na lang sagutin ʼyung tanong ko?” tumaas ʼyung kilay niya.

“Sinubukan ko lang na kunin ang atensyon mo baka kasi naiinis ka sa kaingayan ko kaya ayaw mong nakakasama ako...” napayuko ako sa kahihiyan. Sobrang hirap niyang kausapin.

Ayaw kong sabihin kung ano talagaang dahilan ko pero pagdating sa kaniya nailalabas ko ang tinatago kong damdamin.

“Aray!” napasigaw na lang ako sa sakit! Pati na rin sa gulat! Pinitik niya ʼyung noo ko...gamit ang daliri niya! Daliri lang ang pinangpitik niya sa akin pero grabe ʼyung sakit. “Ano bang klaseng daliri ang meron ka? Ang sakit!”

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon