LUCKY GIRL
BLISS
“Bliss?” tanong ni Andy sa akin. His face sat on his palm while attentively staring at my face. I turned to him with a smiling face. “Bakit kayo magkasama ni Leonardo?”
The smile on my face faded. “Bakit mo natanong?” I nervously chuckled.
“Wala lang. Naninibago lang ako.”
“Heʼs my friend. Nagpatulong siya sa isang project nila.”
“Hmm. Okay.” he left a cute and soft smirk on his lips.
Is he jealous on HIM? Does it seem really new to him? Eh madalas naman akong hinahatid ni Leonardo. Hindi naman na iyon dapat bago sa kaniya. Nakikita naman niya kaming madalas magkasama lalo na kapah break time. Why does it seem to be new?
May tinatago kaya siya sa ʼkin?
I wasnʼt attentive on the subject now. Physics. Ang hirap at hindi ko nakukuha ang mga sinasabi ng professor. Nagsasalit ang tingin ko sa pisara, sa bintana sa kanan ko at kay Andy na nasa kaliwa ko naman. I wasnʼt paying much attention. Magpapaturo na lang ako kay Andy mamaya after class o kaya naman ay pupunta ako ng library.
Dumating ang sunod na klase at kailangan pumunta na si Andy sa Dance class niya. Sinama niya ako papunta roon at agad din naman akong bumalik sa classroom nang makapasok na siyang tuluyan sa classroom nila.
“Hi...!”
Napalingon ako nang may kumalabit sa balikat ko mula sa likod. Kakapasok ko lang ng silid namin. Napatingin agad ako at nakita ang kaklase ko. Ngumiti ako sa kaniya, “Hello!” bati ko.
“Ako nga pala si Veronica Paredes.” sambit niya. Naglahad siya ng kamay. Agad kong kinamayan siya. “Vera na lang for short.” dugtong pa niya.
“Ako si Bliss Lopez.” tugon ko rito. Iginiya ko siya sa upuan ni Andy. Doon ko muna siya pinaupo since wala naman si Andy ngayon dito. “Ngayon lang kita nakita,” nahihiya na sabi ko. “Bago ka lang ba?”
Tumango siya. “Ah oo, kakapasok ko lang ngayong araw.” aniya. “By the way, boyfriend mo ba ʼyung nakaupo rito kanina?”
“Ah oo.” ngumiti ako kasabay ng pagtango. Hindi naman sa nahihiya ako pero nakakapanibago na may nagtatanong sa akin tungkol sa boyfriend ko. Itʼs kinda obvious that no one even bothered asking me.
“Bagay kayo.” she said. “Pwede ba tayong magsabay kumain mamayang break time?”
“Oo naman!” may halong sabik ang pagsabi ko niyon.
Tumingin ako sa buong mukha niya saka napanganga. “Ang cute mo!” ani ko, kinurot ko ʼyung pisngi niya. Totoo! Ang cute niya talaga!
Hindi ko agad napansin na namula ang pisngi niya. Napansin ko lang noʼng nabitawan ko na. Nakasalamin siya at mahaba ang kaniyang itim na buhok.
“S-salamat...” Ngayon, nahihiya na siya dahil sa ginawa kong pagkurot sa magkabilang pisngi niya. Ang chubby kasi eh at mamula-mula pa.
“Dito ka na lang muna umupo habang wala si Andy.” I insisted.
Kumunot naman ang noo niya. “Andy ba ang pangalan ng boyfriend mo?” tanong niya. Mabilis akong tumango.
Nagsimula na ang klase ulit at nanatili siya sa inuupuan niya ngayon—sa tabi ko. Tahimik lang siya habang nakikinig sa professor. Tahimik din naman si Andy pero mas tahimik si Vera. Ang ganda naman ng pangalan niya... It means faith.
I wish I can introduce her to Liana and Crystal. Maybe later on break time.
— TSTY —
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022