Chapter 1

96 6 0
                                    

HER BLUE DRESS

“Leonardo, anak,” Napalingon ako ng tawagin ako ni Dad. Mukhang mayroon siyang ipapagawa at siguradong mahalaga iyon dahil laging nangyayari ʼyon sa akin. Lalo na sa mga kapatid ko. “Can you go to the Lopezʼs residence?”

Nagtaka naman ako dahil sa lahat ng lugar na sinabi niya sa ʼkin na puntahan ko, naiiba ang lugar na sinabi niya ngayon lang. Hindi ako pamilyar. At sa mga Lopez? Hindi ko sila kilala. Pero parang narinig ko na ang pangalan na ʼyon.


“Saan ʼyon dad?” kumunot ang noo ko.

Seryoso siyang tumingin sa akin at nakipag eye contact. I wonder what heʼs trying to tell me. Tinapat niya ang kaniyang kamay na may hawak na sobre. Isang itim na sobre na katamtamang laki at mayroong nakatatak na letrang S.

Mukhang delikado ang buhay ng makakatanggap nito. Bibihira lang ang pamilya naming mamigay ng ganitong uri ng sobre, lalo na sa mga nakikipag-partner kay Dad at sa buong pamilya. Once na may ginawa silang hindi namin magugustuhan, mabibigyan sila ng ganʼto. It means, you need to pay for what you have done.

If you donʼt pay, then say hello to death.

Sa tradisyon ng pamilya namin, ito ang isa sa lagi naming ginagawa. Una akong nagbigay ng ganong uri ng sobre ay sa taong nanakit sa nanay ko. Nag-iba ang emosyon ko at napalitan ng galit. Binigay ko iyon sa kaniya bilang pagbabanta na hinding-hindi na siya muling sisikatan ng araw kapag nagpakita siya sa akin.

“Nandyan na ang address.” saad niya. “Take their payment, donʼt go home without it, tell them if they canʼt afford the full payment, maybe half of it.” huling habilin nito bago lisanin ang paningin ko. Napaka-formal niya, lagi naman.

Nagtungo ako sa aking kwarto nang makapagpalit ako ng formal attire. Laging ipinapaalala ni dad iyon para naman daw maipakita namin na tunay kaming Scottsdale at kagalang-galang. Kahit hindi naman niya sabihin ay ganoʼn naman talaga ako manuot kapag ganoʼng uri ng tao ang bibisitahin ko. Tsaka kahit anong suotin ko, gwapo akong tignan.

Pagtapos kong ayusan ang aking sarili sa kwarto, agad kong dinampot ang nahulog na itim na sobreng binigay ni dad. Binuksan ko iyon upang magka-ideya ako sa lokasyon ng pagbibigyan ko. Hmm, malayo sa mansyon namin.

Pero sa bilis nang sasakyan ko, hindi malabong marating ko iyon ng hindi man lang aabutin ng kalahating oras. Kung gusto ko nga lang gamitin ang chopper ni Dad ay mas mapapabilis pero sapat na ang sasakyan ko. Minsan lang din magpagamit si Dad.

Nang matunton ko ang garahe ng aming mansyon, nasalubong ko si Calvin at Adrian na magkasama. Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila upang mangamusta.

“Saan ang punta niyo?” agad kong naitanong. Papasok na kasi dapat si Adrian sa loob ng kotse kaso nang magtama ang tingin namin, nanatili siya sa tabi ni Calvin na nakatayo sa harap.

“Itʼs none of your business.” pagsusungit ng kapatid ko. “I heard na may pinapagawa sayo si dad.” dagdag pa niya. Isa ʼyon sa mga paraan ni Calvin para hindi na ako magtanong ng magtanong sa kaniya.

Napatango na lang ako sa kaniya, “Sabi ko nga e. Sige mauna na ako.”

Narinig ko naman ang pagbulong ni Calvin nang tumalikod ako. Abaʼt! Talaga lang ha! Pinaparinggan pa ata ako nitong kapatid ko?

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon