Chapter 14

32 2 0
                                    

WARM AND SOFT

“Last na ʼto.” sabi ni Cyrus. Medyo hinihingal siya kaya inabutan siya ni Adrian ng bote ng tubig. Agad naman niya iyong ininom. Halos nangalahati rin ang tubig sa bote.

Uminom din ako at sinabayan ako ni Andy. Andy and I are starting to get close. Akala ko ang aces ay kaibigan lang ni Adrian, ʼdi ko naman inaakalang magiging kaibigan ko rin ang isa sa kanila.

Pero hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Bliss and Andy were headed somewhere. Pinagpaalam pa niya si Bliss kay Mr. Lopez. Where could theyʼve been yesterday?

Today is November 15 and itʼs already my birthday. While Calvin were in charge in the little venue we have here in the mansion, me and the three aces were back at dancing again. Dalawang minuto lang kaming nagpahinga, sapat na iyon para makaipon ng lakas sa katawan.

Laking pasalamat ko at hindi umabot ang mga napagtalunan namin ni Adrian sa mga kaibigan niya. Tsismoso pa naman ʼyang si Adrian parang si Calvin. At laking pasasalamat ko rin talaga dahil may nagturo sa aking sumayaw. Buti na lang nakakasunod naman ako.

Nang matapos kami, agad kaming naupo sa sahig. Humiga pa ako sa sahig. Nakakapagtaka nga dahil kung sino pa ʼyung may kaunting steps na sasayawin siya pa ʼyung pagod na pagod. At ako pala ʼyon. Birthday ko ngayon tas mapapagod ako. Well, kung tinuloy na namin kasi kahapon edi sana tapos na.

“Time check, itʼs 10:37 am.” Andy uttered.

“Can we go home now?” asked Cyrus.

Automatically, theyʼre invited on my birthday party because they will be performing with me later. So might as well—as for my thanks, Iʼd like them present on my party.

“Sure. Para makapag-ayos na kayo ng susuotin ninyo.” sagot ko sa kaniya. Ngumiti sila ni Andy at tumango tapos ay umalis na.

Sinabayan ako ni Adrian sa hallway habang patungo kami sa sarili naming kwarto sa second floor. “Happy birthday, Leonardo.” bati niya sa akin.

Mahina akong natawa. Buti ʼdi ko pinahalata na tinatawanan ko siya.

“Kaninang madaling araw mo pa ako binati.” I replied. “Panglima mo na ʼyan.” I added.

“Weh?” hindi siya makapaniwala. Lutang ba siya ngayon? Parang kanina pa siya ʼdi mapalagay. Hindi kaya dahil sa nangyari sa amin kahapon?

“Oo.” natawa ulit ako. “Ayos ka lang? Parang wala ka sa sarili mo ngayon...” sinabi ko lang kung ano ang napansin ko. Iʼve meant no offense.

“Oo, ayos lang naman. Ganito lang talaga ako kadalasan kapag general rehearsal.” aniya.

Bakit hindi ko napapansin ʼyon sa kaniya? He doesnʼt seem that way. I know, personally—that the way he acts on his usual practice days and as well as general rehearsals are the same. I wonder what happened to him. Hindi ko rin naman masisiguro dahil these past few weeks, si Calvin ang kasama niya. Baka naman ay nag-iba siya ng routine?

“But Leonardo...” he blew out a deep breath.

“Hmm?”

“Will Calvin be okay later?” humihina ang boses niya. Is it because he was shy upon asking me that?

Thatʼs it! Thatʼs what Iʼm trying to figure out. I knew there was something bothering him that he canʼt speak off instantly.

He sighed and said, “You invited Crystal here.”

“Calvin would be fine.” saad ko. Nang tignan ko kung nagbago ba ang ekspresyon sa mukha niya, akala ko kakalma na siya, mas lalo pa yatang nag-alala. “Pupunta rito si Crystal dahil birthday ko. Thatʼs all.”

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon