Chapter 32

32 2 0
                                    

BINIBINI

“Leonardo?” si Bliss.

Oh no. They caught me!

Nagsalubong ang tingin namin. Pati si Andy ay nakatingin na rin sa akin. Lumapit na lamang ako sa kanila para hindi halatang kinakabahan ako.

“Oh, hi.” napaka-awkard ko naman makipag-usap. Amp. This is so embarrassing. Sinabayan ko na lamang ng pagkaway ang pagbati ko sa kanila kahit sobrang kabado ako.

“Uuwi ka na?” tanong ni Lorraine. Sa dinami dami ng tanong, bakit ʼyon pa ang tinatanong niya sa akin. Itʼs kinda awkward here.

“Oo. Hehe...” malakas ang loob ko lagi pero ngayon, nanghihina ako. Tangina naman kasi. Bakit kailangan kasama niya si Andy sa tuwing magkikita kami.

Mabuti na lang at ʼyung kamay ko ay nasa likod ko. Napakamot ako sa sariling palad dahil hindi ako komportableng kaharap silang dalawa.

“Pupunta ako sa inyo sa Thursday.” sabi niya. Bahagya akong napaatras. Ano?! Pupunta siya sa amin? Sa mansyon?

Napalingon ako kay Andy upang makita ang reaksyon niya. Bakit parang wala lang sa kaniya ʼyon?! Girlfriend niya ʼyon tapos hahayaan niya lang na pumunta sa ibang lugar nang hindi siya kasama? Lalaki ako at babae si Lorraine. Hindi ba niya iniisip kung anong maari naming gawin dahil kaming dalawa lang ang magkasama?

“Bakit?” nautal ako. Muntik pa ngang pumiyok amp. Ang palad ko, umiinit. Pakiramdam ko namumula na ito at unting kamot na lang ay magsusugat na. Grabe ʼyung tensyon.

“Masama bang pumunta ako roʼn?” tanong naman niya. Ine-expect kong tatawa siya o ngingisi pero nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha niya.

She has been cold to me for a while.

“Andy.” bungisngis ko nang lingunin ko siya.

Nagulat naman siya nang balingan ko siya. Really?! Ganoon na ba ako kagwapo para magulat sila sa isang tingin ko lang? Or is it because Scottsdales are scary—in some way. Iʼm not scary like Calvin and Dad! In fact, I am the kindest.

“What?” si Andy. Parang wala sa sarili. Nakakainis amp.

“Youʼre going to let your girlfriend come to our mansion?” I frowned.

“Yeah. Why not?” he shrugged, he wasnʼt even showing any sign that he was also tensed like me. What a piece of shit.

I rolled my eyes. He was such an eyesore for me. “Anong why not?” I kept on frowning. Whatʼs wrong with me?

“Youʼre friends. Walang mali kung magkasama kayo.” nanatili siyang kalmado.

“Paano kung may iba kaming gawin?” tanong ko. May ibang gawin amp. Ano bang pinagsasabi ko?

Utang na loob, self, tumigil ka na.

Stop embarrassing yourself, Leonardo.

Natawa na lang si Andy sa akin. Si Lorraine naman, nakatayo lang sa gilid niya. Ang bobo mo naman kasi, Leonardo. Shouldnʼt I be thankful that her boyfriend is allowing us to be together? I like her and of course I want to be with her. Pero bakit naman kasi sa dinami-daming araw at pagkakataon, ngayon pa.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon