Chapter 18

23 2 0
                                    

NANGHIHINA AKO

“Andy?!” napasigaw ako habang nasa garahe ako dahil sa nakita ko. Bigla akong nakatanggap ng text myla kay Bliss. And she said, Andy is there in their house.

“For shitʼs sake... Walang kasama si Bliss ngayon sa kanila!” napasabunot ako sa sarili ko dahil sa frustration.

“Hoy, sinong kausap mo?”

Napatalon naman ako sa gulat nang makita ko si Calvin na nakasandal sa pader sa pintuan papuntang garahe. Hindi siya malayo sa akin. Sa totoo lang isang sasakyan lang ang pagitan namin.

“Sarili ko.” bungisngis ko. Alangang sabihin ko pa na wala akong kausap eh kitang kita at rinig na rinig na nga niya. Hindi ako tulad ng iba na nahuli na nga, tumatanggi pa.

“Gabing-gabi ang init-init ng ulo mo.” aniya. Hindi ko alam kung iisipin kong inaasar niya ako o sinasabi niya lang ang nakikita niya.

Tama naman siya na mainit ulo ko. Dapat nga ganʼtong oras wala na akong ginagawa kundi ang nakahiga na lang sa kama ko habang nanonood ng movie o natutulog na.

“Eh kasi naman! Itong si Bliss pumayag na pumunta si Andy sa kanila.” napanguso na lang ako habang magkasalubong ang kilay ko.

“So nandoon pa nga siya sa kanila?” tanong niya. Tinutukoy niya ʼyung napag-usapan namin kanina na about sa pag-alis ng mag-amang Lopez.

“Oo. Si Mr. Lopez naman nakabalik na sa Canada kagabi.” saad ko. Medyo nawala ʼyung init ng ulo ko dahil sa pag-iiba niya ng usapan.

“Oh e ano bang ikinaiinit ng ulo mo?” lumapit siya sa akin ng nakapamaywang. Akala mo naman nanay ko.

“Si Andy nga!” pag-uulit ko. Mas lalong umiinit ulo ko dahil sa kapatid kong ʼto. Kakasabi ko lang tanong na naman.

“Anong meron kay Andy?” naiinis na rin siya ngayon. Aba...?

“Nandoon siya sa bahay ng mga Lopez ngayon.” sagot ko.

“Ano naman sa ʼyo ʼyon?”

“Siyempre nag-aalala ako baka kung anong gawin niya kay Bliss.”

“Nagseselos ka lang e.” ngumisi siya. I felt betrayed by my own brother. Akala ko ba kampi kami?

“Kung nagseselos ako, pupuntahan ko na siya ngayon.” umiling ako. “Hindi ako nagseselos. Tsaka lamang na lamang ako kay Andy, baʼt naman ako magseselos?” dinepensahan ko lang ang sarili ko.

“Kung ʼdi mo siya pupuntahan ngayon, bakit nandito ka sa garahe? Saan ka pupunta ng ganitong oras?” lumapit pa siya lalo sa akin saka ginulo ang buhok ko.

“Wala lang, tumambay lang ako rito. Masama ba ʼyon?”  tanong ko sa kaniya. Muntik pa akong mautal.

“Hindi ka tumatambay sa garahe.” aniya.

Napabuntong hininga ako, “Oo na. Pupunta ako sa kaniya ngayon.” hindi ko na naitanggi pa.

“Tara na, samahan na kita.” anito. Boastful huh? Palibhasa wala na siyang problema ngayon. Salamat sa ʼkin, huh!

I glared at him and asked, “Ano ka, third wheel?”

“Hindi ba ikaw ang third wheel?”

“Baʼt ako?” nagsalubong na naman ang kilay ko.

“Well, dalawa na silang masayang magkasama. Tapos makikisali ka pa. Edi ikaw ang third wheel.”

“First of all, dear bro, I am not the third wheel. Second of all if this is based on royalty, Bliss is the princess and Iʼm his prince charming. Andy is just a butler or some sort of someone that doesnʼt fit to be her love interest.” I stated my thoughts.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon