THAT DEAL
“Leonardo said that you and him are going somewhere else later after the practice.” Andy said through the phone. The time is nine oʼclock in the morning. It must be their break time thatʼs why he got the urge to call.
“Mamayang hapon na lang tayo magpunta sa mall.” nahihiyang saad ko.
Ako ʼtong nagyaya na lumabas tapos ako naman pala itong nag-aalangan bigla sa oras. If only I realized sooner...
“ʼYun din ang naisip ko bago tumawag sa ʼyo.” aniya. Bumuntong hininga ako, dapat pala tumanggi na lang ako kay Leonardo. E sa wala talaga akong choice, mapilit kasi ʼyung kuting na ʼyon e!
“Break time ninyo?” tanong ko. Iniba ko na ang usapan dahil nakakailang na pag-usapan si Leonardo. Panigurado magkasama sila ngayon sa isang silid sa mansyon ng mga Scottsdales. Baka marinig pa niya ang usapan namin.
“Yeah, thatʼs why I called you.” he said. I was right!
“May practice pa kayo after?”
“Oo, hanggang 10 oʼclock.”
“Ah okay.” tanging nasabi ko. “Ibababa ko na ʼyung tawag para makapagpahinga ka ng maayos.” dagdag ko.
“Iʼm resting well... Now that Iʼve heard your voice.”
Shems! My heart is beating fast! Kinakabahan ba ako? Maybe yes, maybe no? Bakit naman ako kakabahan? Bwisit na puso ʼto!
“Iʼm ending the call. Kailangan ko pang maghanda.” saad ko. Mas lalo akong nailang. “You know... Susunduin ako ni Leonardo mamaya after practice niyo.” nauutal kong saad.
“Itʼs too early. Kaka-nine oʼclock lang.” aniya. Ang hirap ng sitwasyon na ʼto! Nakakilala ako ng dalawang gwapo pero mapilit na mga lalaki! This is not good anymore!
1 new message from JOHANN🦁.
Shit! Nag-text si Leonardo! Nasa kalagitnaan pa naman ako ng call. Hindi naman pwedeng babaan ko na lang ng tawag si Andy. I am not that rude!
JOHANN🦁:
Ms. Lopez.Shit again! Mukhang narinig niyang magkausap kami ni Andy kaya bigla siyang nag-text sa akin!
“U-uhm yeah, itʼs still early but... You know girls, it takes more than thirty minutes for them to get ready. Sorry for being so hurry. Letʼs just talk later again okay? I gotta go. Bye.” mabilis kong sinabi ang lahat nang iyon saka biglang binaba ang tawag nang hindi man lang inaantay ang sasabihin niya. Alam ko naman na pipigilan niya ako pero mas mabuti na ʼyung ganito.
Grabe ʼyung kabang nararamdaman ko. Mas grabe pa nang dahil sa liyon na nag-text.
𝗝𝗢𝗛𝗔𝗡𝗡🦁
𝘤𝘢𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨...“Bakit hindi kita matawagan, Ms. Lopez?!” bulyaw niya agad.
Nailayo kong bahagya ang cellphone sa tainga ko nang sagutin ko ito dahil sa lakas ng boses ni Leonardo. Liyon talaga.
“Because I have an... Ongoing call.” I answered.
“With Andy?” he said. He sounded surely. Agad na natahimik ang bibig ko. Hindi ko alam kung dapat kong aminin dahil nalaman na niya. But thereʼs a part of me that keeps on wanting to deny it.
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022