BLISS LOPEZ
“This day is so tiring.” I told my self. “I should see my brothers later.”
I poured the fresh milk into my glass so I can bring it upstairs, to my room. Iʼm tired talking to that Lopez and Iʼm pissed off. Sa lahat yata ng nakausap ko about sa negotiations ni Dad, siya lang ʼyung pinikon ako.
But being in ties with him would make it easy for me to get closer with HER.
Naglakad lakad na lang ako sa hallway at nagmuni-muni. Nag-iisip na rin ng plano para makuha ko ang nais ko. I only have three total of steps to get her and make her mine.
Iʼm at the rock bottom. I need to know her well, thatʼs the very first step that Iʼm gonna take. Iʼve only know her physical features, her last name, her father and her home. And there may be something I knew about her that I havenʼt realized yet. Sheʼs so familiar and Iʼm wondering where Iʼve met her.
Well hindi ako magtataka na naging business partners si Mr. Lopez at si Dad dahil pareho naman silang successful pero nakakapagtaka lang talaga dahil biglang bumagsak ang negosyo niya. Naging dahilan iyon ng pagkautang niya sa amin ng pamilya ko. Wala na rin naman akong pakialam sa kung ano man ʼyon dahil hindi ako involved at hindi ako interesado.
Sakto naman dahil nakasalubong ko si Dad sa hallway. Nakaformal attire siya parang suot ko lang kanina—nang pakiusapan niya akong pumunta sa Lopezʼs Residence—pero iba ang kulay nito kumpara sa akin. Kung sa ʼkin ay kulay itim, kulay navy blue naman ang sa kaniya. May event na naman siguro sila.
“Youʼve done great, my son.” pagbati nito sa akin. Tinapik niya ang aking balikat. Akala ko nga ay aakbayan ako nito tulad ng ginagawa niya dati. Pero mukhang ayaw niyang magusot ang kaniyang vest at ang neck tie niya. “Iʼll give an additional to your allowance.”
“No need Dad, may pera pa ako.” saad ko naman. Natawa na lang ito sa akin kaya nawirduhan naman ako bigla sa kaniya. “Why are you laughing dad?” biglang tanong ko.
“Ah, nothing, Leonardo, Iʼm just proud of you dahil may sarili kang pera at hindi mo na ako hinahayaang bigyan ka. You surely had grown.” sambit niya.
Napangiti ako, “Thanks dad.”
“Youʼre welcome, son.” sabi nito at tinapik ulit ako sa balikat. “Iʼll go ahead, take care.” tumango ako at siya naman ay nakaramdam ng pagkakuntento kaya umalis na siya.
Laging may monthly event sa kompanya ni dad at mom. Kung minsan pa nga ay nagiging doble pa ang pa-event nila. Pero kadalasan ay isa lang talaga. Hindi rin naman kasi ako nakakasama kaya wala akong kaalam-alam.
Pagbalik ko sa kwarto ko, naupo lamang ako sa swivel chair sa study area ko na malapit sa terrace. Nakaharap ko agad ang maliit na calendar sa lamesa. Itʼs November already—today is November 8. My birthmonth. My birthday is nearly coming!
Nagpalit ako ng damit. Lumalamig na ang temperatura sa labas dahil isang buwan na lamang ay pasko na. I wore a dark green knitted sweater and plain black shorts.
I went upstairs to meet my brothers and luckily theyʼre at the library.
“Bakit ʼdi mo sinabi sa ʼkin na nandito yung picture ko?!” galit na tanong ni Calvin kay Adrian. Pagpasok na pagpasok ko pa lang, iyon na ang bumungad sa akin. Hindi na ako dapat magtaka e lagi naman silang ganoʼn. Mas magtataka ako kapag hindi ko sila nakitaan ng kahit onting bangayan o pagtatalo.
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Genç Kurgu[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022