Chapter 17

29 2 0
                                    

PLEASE

“Ayos na ako, Adrian.” simpleng sagot ni Liana.

Napasabi na lang ang karamihan sa amin ng mahabang “Woah”. Napaka-awkard na ng paligid dahil lang sa simpleng tanong ni Adrian.

“Ah okay.” Adrian uttered.

That was so awkward. Halos hindi na makatingin si Adrian kay Liana matapos niyang sabihin na ayos na siya. Wala naman sigurong double meaning iyon?

Pinapangako ko sa sarili ko, simula ngayong araw na ito, susubaybayan ko na ang dalawa kong kapatid. Nang sa ganoon, mas makilala ko pa sila lalo. Kahit lagi kaming nag-bo-bonding, laging magkausap o magkasama, kahit matagal na naming kasama ang isaʼt-isa, pakiramdam ko mayroon pa rin akong hindi alam na ugali nila.

Bumalik na kami sa aming mga classroom. Tutal naman ay tapos na kaming kumain. Alangang kumain pa kami ulit eh busog na kami. Ang mga aces naman ay hinatid si Liana sa next class niya. Mataas na raw kasi ʼyung trust issues nila sa mga studyante rito.

Pagkarating namin ng mga kapatid ko sa classroom, naabutan namin si Alexandria na nakaupo sa upuan ni Crystal. Si Alexandria ʼyung kaklase naming grabe kung makadikit kay Calvin. Lagi kong napapansin kay Calvin na ilag na ilag siya sa babaeng ʼyon. Sino ba namang hindi iilag sa ganoʼn?

“Hindi naman kayo ni Calvin kaya palit na lang tayo ng upuan.” sabi ni Alexandria.

Panibagong problema na naman ʼto...

“Calvin, kahit anong mangyari, ʼwag na ʼwag kang mananakit ng kahit sino.” pabilin ko kay Calvin na nakatingin lang sa paligid. Hindi pa niya nakikita ang ginagawa ng Alexandria na ʼyon.

“Hindi pa ako mabait, Leonardo.” mahina siyang natawa saka lumingon sa pintuan ng classroom dahil papasok na kami roon.

“Whatʼs happening here?” Calvin started glaring at her—the one talking to Crystal. That girl never fails to piss my brother, almost everyday. I bit my lip because Iʼm damn nervous right now.

When I look at Crystal, she was so anxious and kept on looking at both Alexandria and Calvin.

“Umalis ka rito.” madiin na utos ni Calvin. Agad ko namang nakita ang panginginig ni Alexandria.

“Break naman na kayo, bakit ba parang gusto mo pa rin siyang katabi?” naiinis na sabi ni Alexandria.

Pinaningkitan siya ng mata ni Calvin, “Masama bang magkatabi kami?” anito.

“Naiinggit lang ʼyan.” bulong ko kay Calvin na ikinangisi naman niya.

Akmang tatayo na si Crystal sa upuan niya ng pigilan siya ni Calvin. “Donʼt even move your feet.” he said.

Crystal slowly nodded her head. Umupo na si Calvin sa tabi ni Crystal. Naiwan naman si Alexandria na nakatulala sa kanilang dalawa. Hinila ko siya ng mahinahon para hindi siya paharang harang sa daanan. She look defeated.

“Anong nangyari?” Adrian asked.

“E ayun nga, si Alexandria gustong makipagpalit ng upuan kay Crystal. Alam mo naman... Die-hard-fan ni Calvin ʼyon.” pagkukuwento ko.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon