Chapter 41

31 1 0
                                    

HAPPIEST

“Hey, good morning.” Lorraine greeted me with a sweet smile on her lips, standing in front of my bed. Napakagandang bungad naman nito sa umaga.

Bumangon ako mula sa kama at tinitigan ang mukha niya sabay ngiti rin, “Magandang umaga, binibini.” I greeted back.

She turned her back on me after I greet her. Napawi ang ngiti sa labi ko. “Uy humarap ka rito.” natatawang saad ko.

At humarap nga. Nang makita ko ang mukha niya, sobrang seryoso na nito. “Anong nangyari sa ʼyo?” tanong ko bigla. Sobrang nagpipigil lang talaga ako sa pagtawa.

“Wala ah!” aniya habang nakatingin sa malayo at nakanguso. “May tinignan lang ako.”

Ngumisi ako, “Parang...” at naningkit ang mata ko. Napukaw ko ang atensyon niya sa simpleng salita. “Namumula ʼyung pisngi mo.”

“Malamig kasi rito sa kwarto mo!”

“Oo na, oo na.” suko na ako agad dahil mahirap makipagtalo sa kaniya.

Bumangon na ako at hinayaan na ang kama. Hindi ko na inayos ang mga unan at kumot dahil maayos pa rin naman ito. Hindi naman ako magulo matulog katulad ng mga kapatid ko.

“Nag-breakfast ka na?” tanong ko. Hinapit ko ang baywang niya papalapit sa akin na ikinagulat naman niya.

“Bitawan mo ʼko, Johann...!” she looked down at my hands.

I responded with a smirk. “Kumain ka na?” tanong ko ulit. Hindi na niya pinansin ang kamay ko.

“Hindi pa.” aniya.

Hinawakan ko ang kamay niya at sinabihan ko siyang bumaba na kami. “Sabay na tayo.”

Pagbaba namin sa hapag kainan ay naabutan ko ang mga kapatid ko na nakapuwesto na sa kani-kanilang upuan. Lorraine slightly bowed and greeted them a good morning. They greeted back to her as she lifts her head back. I didnʼt greet them, and thatʼs normal for us. As long as every one of us is in a good mood, thatʼs enough. Umupo na rin kami ni Lorraine at nagsimulang kumain.

“Aalis kayo?” tanong ni Adrian sa akin.

“Ang aga naman ng date niyo.” kantsaw nitong si Calvin. Ang aga aga talaga nitong mang-inis. Lagi na lang ganiyan. Hays.

“Oh at least may ka-date. Ikaw wala.” ganti ko.

“Magde-date kayo, Leonardo?” tanong ni Adrian. Naniwala naman ang isang ʼto.

“Iʼm just joking" I frowned. Pupunta kami ng school para asikasuhin ʼyung grades ko.” saad ko.

“Christmas break na ah?” klaro niya.

“Mas magandang maaga kong tapusin para hindi na umabot ng pasko.” praktikal kong sabi.

“Oo nga.” he frowned. “What I meant hindi ba pwedeng pagkatapos ng pasko na lang?”

“Mas ayos kung bago magpasko. Kasi pagtapos ng pasko maghahanda pa tayo para sa bagong taon. Ang panget naman kung bagong taon na bagong taon dala-dala ko pa rin ʼyung problema ko last year ʼdi ba?” pagpapaliwanag ko. Tumango-tango na lamang siya.

“Naks naman ang bunso namin, motivated na motivated!” si Calvin nang-aasar na naman.

I glared at him and hissed, “Yeah and so what?”

“Sana naman maging maayos na ang lahat bago magpasko.” sumingit naman si Adrian.

“With the help of Lorraine, my grades would be fine.” I smiled and proudly raise my head up. “She tutored me.” I added.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon