Chapter 4

54 2 0
                                    

A TOUGH CONFESSION

“What took you so long?” simpleng tanong ni Adrian nang umupo ako sa tabi niya.

“Ah, nag-usap kasi kami ni Crystal.” sagot ko. I was honest to him because I couldnʼt see any reason to lie to him.

“Hindi sa pangingialam, pero anong pinag-usapan niyo?” tanong nito. Hindi ba pangingialam na rin ʼyung pagtatanong tungkol doʼn?

Pinagsalubong ko ang dalawang kilay, “Itʼs personal.”

“Weh?” panunuksong tanong niya, pa ang hindi siya nakumbinsi sa sagot ko. Mukha ring may sagot siyang gustong marinig na malayo sa sinabi ko.

“What do you think?” I sarcastically asked.

“Nothing!” natatawang sabi niya tapos sumipol siya na tila may alam talaga pero nagpapanggap. Itʼs written all over his face.

Nang dumating na ang professor, nanahimik na kaming pareho. The whole class went peaceful. My head is aching because of so many thoughts running in it.

Pagkatapos ng lahat ng klase namin, agad na lumapit sa akin si Crystal. Bago kami nakapag-usap ay napatingin ako sa gawi ni Calvin. Hays, wala na siya sa upuan niya. Mukhang nakaalis na.

“Leonardo, I just got a text from my friend.” Crystal said.

“Hmm? I donʼt wanna be rude but, what does it have to do with me?”

Nag-aalinlangan pa ata siyang sabihin ʼyon. “Uh, Bliss was asking if you can meet with her now?” she asked after she read the text message from her phone.

Sumenyas ako sa kapatid kong si Adrian na mauna nang umuwi-magkaiba naman kami ng gagamiting sasakyan pauwi. Tahimik naman siyang lumabas at ako naman ay nanatili sa loob habang kausap si Crystal.

“Why now?” tanong ko. Medyo masungit lang ang dating pero hindi ko naman sinadyang ganoʼn ang kalabasan.

“Saglit lang naman daw.” aniya.

“Sige.” I patiently answered. “Tell her to meet me at the parking lot.”

“Okay.” huling nasabi ni Crystal at binalik niya na ang atensyon sa cellphone niya.

Nagtungo na ako sa parking lot tulad ng sinabi ko kay Crystal kanina.

Mabuti na lang ay alam ko kung anong itsura ni Bliss. Mabuti nga at naalala ko pa kung sino siya-pero hindi ibig sabihin nʼon na naalala ko na ang pinagsamahan namin. Malabo pa rin iyon sa memorya ko.

Nang marating ko ang parking lot, nakita ko na agad si Bliss. She was standing next to my car. How did she know it was my car? Is it because she saw me riding it lately?

“Hi.” she said, formally. Well, it kinda sounds casual.

“Gusto mo raw akong makausap sabi ni Crystal, ʼyung kaibigan mo.”

“Ah oo.” aniya saka sinabayan pa ito ng mahinahong pagtango. “Gusto kong magpasalamat dahil inimbitahan mo akong pumunta sa birthday mo.”

At kailan ko siya inimbitahan? E wala pa nga akong iniimbita. Next week pa naman ʼyon.

“Youʼre welcome, Ms. Lopez.” saad ko.

I donʼt like hearing that surname. Iʼm starting to hate it. Sa pagbigkas pa lang, naiinis na ako. Kapag ako nainis papalitan ko ʼyon ng apilyido ko.

Nanahimik na siya kaya nagtaka ako. “Is that all you have to say?” tanong ko sa kaniya.

“No, no!” she hesitated. “Sa totoo lang, gusto kitang maging kaibigan.” dagdag niya.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon