FEEL BITTER
“Oh, Leonardo, ano na?”
Hindi ko alam kung nananaginip ako. Naririnig ko ang boses ng dalawa kong kapatid na kinakausap ako.
“Kunwari tulog pa.” ngayon naman ay si Calvin na lang ang naririnig ko.
Why am I now hearing camera shutters?
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang dalawa kong kapatid na nakatayo sa harap ng kama ko habang hawak ang mga cellphone nila.
Napabangon ako bigla. “Ay tangi—anong ginagawa niyo rito?!” bulyaw ko sa dalawa.
“Good morning Prince charming!” sabay pang bumati ʼyung dalawang kupal at pinakita ang malalapad na ngiti nila. “Ay good afternoon pala kasi tinanghali ka na ng gising.”
Binato ko sila ng unan saka padabog na lumabas ng kuwarto. Dahil nakita ko ang kuwarto ni Calvin na nakabukas, pumasok ako roʼn ng mabilis bago pa nila mapansin. Ni-lock ko ang pinto at hinayaan silang hanapin ako.
“Yawa, ʼyung kʼwarto ko naiwan kong nakabukas kanina.” narinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Calvin. Natawa naman ako... Ng sobrang lakas.
“Leonardo lumabas ka dʼyan!” kinalampag pa nila ang pinto.
“Ayoko nga.” ganti ko.
“ʼWag mong gagalawin ang mga gamit ko dʼyan!”
“Gagalawin ko!” sigaw ko pabalik sabay humagikhik.
“Hmm... Letʼs see.” malakas ko iyong sinabi. Iyong tipo na maririnig nila sa labas ng pinto. Una kong tinignan ang kama niyang napakagulo. “Ang gulo naman ng kama, parang pagkatao niya.” kunwari ay binubusisi ko ang kaniyang kama pero gusto ko lang talaga siyang asarin.
“Huli ka.” bungad niya nang magtama ang tingin namin.
He got the keys. “Wow, impressive.” I clapped my hands.
Nilapitan nila ako pareho at saka hinawakan sa parehong braso. “Asan na ʼyung dapat na ikekwento mo kagabi?”
“Ha? Ano ʼyun?” tanong ko. Sa totoo lang, alam ko kung anong tinutukoy nila. Ayaw ko lang banggitin pa dahil una, tinatamad ako. Pangalawa, para sa akin na lamang iyon.
“ʼYung sabi mo may nalaman kang bago tungkol kay Bliss?” si Adrian. Ito talaga ʼyung grabe ang utak. Lahat naaalala niya. Walang labis, walang kulang.
Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na sila sa harap ko at hindi na ako makakatakbo pa—as if naman papaalisin nila ako nang hindi ako nagsasalita.
“Shit talaga.” bulong ko sa sarili. “Pakainin niyo muna ako mga Sir.”
Hindi ko sila pinansin kahit magkakasabay kaming bumaba. Mukhang kakagising lang din nila at hindi pa kumakain. Inaatupag kasi muna ʼyung pakikialam bago kumain.
“Calvin,” tawag ko sa kaniya nang magsimula na kaming kumain. Tumingin siya sa akin nang walang emosyon. “Timplahan mo ʼko ng juice, dali.” utos ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing ayaw niyang gawin ang utos ko. “Sige wala akong sasabihin tungkol kay Bliss.”
I was head high, feeling superior dahil alam kong hindi niya gagawin ang utos ko lalo na kung kapalit ay simpleng impormasyon.
Pero laking gulat ko dahil tumayo siya at nagtungo sa counter. Ayon na siya, nagtitimpla na ng juice. Napa-face-palm na lamang ako. Akala ko na naman ay hindi niya gagawin. Pero at least nautusan ko siya.
“So ano na nga?” tanong ni Calvin nang makabalik siya. Ipinatong niya ang baso na may lamang juice. Umupo siya sa kaniyang inuupuan kanina at pinatong ang braso sa lamesa na parang sobrang handa na siyang makinig. Adrian did the same.
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022