Chapter 6

40 2 0
                                    

RARE KIND

“Leonardo, naiintindihan ko naman na ayaw mo ng mga babaeng maingay, pero hindi mo naman kailangangang maging ganoʼn.” kalmado akong pinagsabihan ni Jonas nang makalabas kami sa cafeteria.

“Ganoʼn naman ako sa lahat ng babaeng lumalapit sa ʼkin. Baʼt ʼdi ka pa nasanay?” naiirita ko siyang tinanong kaya napatulala na lamang siya.

Bumuntong hininga siya makalipas ang ilang segundo. “She just wants to eat with you! Donʼt be so stone-hearted, Leonardo. Besides, sheʼs a friend of your brother.”

“I donʼt need a friend. Lalo na kung babae.”

“You hate ladies?”

“Jonas,” I tapped his shoulder. “I dislike them.” I corrected.

Everyone knows that the word ʼHateʼ is a very strong word. Itʼs a strong feeling towards one person. Hindi ko sila kinamumuhian, naiirita lang ako kaya ayaw kong may lumalapit sa aking ganoon.

There was a saying that The more you hate, the more you love. Paano kung kabaliktaran pala nʼon ang nararanasan ko ngayon. The more na gusto kong mapalapit sa kaniya ay the more na mas mapapalayo ang loob ko sa kaniya.

“Yeah, right. But still, you need to watch your words, that might offend them in some ways.” he adviced. Again, I tapped his shoulder.

“Okay.” I said, calmly.

Iyon ang hindi ko napansin agad—na baka ma-offend ko siya. I like her, but sometimes I hate her. Napakadaldal niya kasi at napakakulit. Iyon pa naman ʼyung ayaw ko pagdating sa ugali ng isang babae.

But damn, sheʼs gorgeous.

Bumalik na kami sa classroom. Nakuha ko na naman ang order ng dalawang kapatid ko. I gave it to them as soon as we got inside the room.

“Oh, ayan na mga pagkain niyo.” saad ko at inilapag sa lamesa ni Calvin ang mga pagkain. Magkatabi sila ngayon dahil wala raw makausap itong si Adrian sa upuan niya. Wala ako e.

“Thank you!” nagagalak na saad ni Adrian saka binuksan na ang balot ng cake.

Pinalo ko ang kamay niya sabay sabing, “Bayad muna. 200 isa.”

“Hoy, 100 lang ʼto ah!” angal nilang dalawa.

“Oo, alam ko.” I smirked.

Nagsalubong ang kilay ni Calvin. “E bakit mo kami sinisingil ng 200?”

“Kasi una, nagtiis ako sa pagpila. Pangalawa, napagod ako. Pangatlo, wala ako sa mood. Pang-apat, pinilit niyo ako. At panghuli, nasayang ʼyung benteng minuto ko.” pagdedetalye ko.

“Oo na.” sabi ni Adrian. Tila napilitan pa. Dapat lang doble ang singilin ko sa kanila. Nag-utos pa kasi, pwede naman sila na lang ang bumili. Inuuna kasi ang katamaran.

“Bakit nga pala wala ka sa mood?” tanong ni Calvin. Napaiwas agad ako ng tingin. Nakakasama talaga ng loob.

“May babaeng lumapit sa kaniya na gustong sumabay kumain.” ani Jonas. Ang laging sumisingit sa usapan. Well, wala akong problema roon. Kaibigan naman namin siya.

“Sumabay kumain?” kumunot ang noo ni Adrian. “Sabi niya ʼdi siya kakain.”

“Hmm. Akala siguro ng babaeng ʼyon, kay Leon ang cake kaya naisipan niyang magsabay na lang sila ni Leonardo.”

“E sino ba ʼyung tinutukoy mo, Jonas?” tanong ni Calvin.

“Alam ko... kilala mo ʼyon, Calvin.”

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon