AS A FRIEND
Hinatid ako ni Andy sa mansyon namin. Inaya ko siyang samahan kami ni Papa na maghapunan. Buti na lang at pumayag siya.
Sinabayan niya na akong pumasok sa loob. Hindi na muna ako nagbihis ng damit dahil komportable naman ako sa napakagandang suot ko. Well today is Friday so we didnʼt have to wear our uniform. Pwede namang magsuot ng uniporme kung gusto namin. Depende na lang sa mood minsan.
Nakita ko si Papa na papunta na sa dining table. Nagsalubong ang tingin namin kaya agad ko siyang nginitian. Ngumiti pabalik si Papa.
Naupo ako sa tabi ni Papa. The oval table was just right for a maximum of ten persons. Kahit kaming tatlo lang nila Papa at Mama ang kumakain dito, pinasadya namin itong lamesa na maging ganito kalaki nang sa ganoʼn ay kapag may bisita kami ay mayroon silang mauupuan.
Umupo naman sa tabi ko si Andy. I told him to sit beside me because I see that heʼs a little uncomfortable of the place. E kasi naman, napakatahimik. Kaming tatlo lang ang nandito. Si Mama ay nasa Canada.
“Whatʼs your name?” tanong ni Papa habang kumakain kasabay si Andy. I could feel the slight tension.
“Iʼm Andy Lambert.” simpleng pagpapakilala niya.
Tinaasan siya ni Papa ng kilay, “What are you to my daughter?” tanong niya.
Naramdaman ko ang malalim na paghinga ni Andy sa aking tabi. “We are classmates and also friends.”
What I suddenly like in Andy is that heʼs simple in many ways. Kung anong katanungan man ang ibibigay mo sa kaniya, agad niya iyong sasagutin ng totoo at diretso, walang utal. Pero minsan hindi rin siya komportable kaya hindi maiiwasang kabahan at mautal siya. Hindi naman siya perpektong tao. Nagkakamali rin.
Napatingin ako kay Papa upang makita kung anong reaksyon ang ipapakita niya sa bawat sagot ni Andy sa tanong niya. He looks like quite impressed. I donʼt know why... But thatʼs good enough to put me at ease. Medyo kinakabahan din ako.
Ayaw na ayaw kong nagdadala ng lalaki rito sa bahay lalo na kapag nandito si Papa. Malisyoso kasi siya at nakakatakot magbato ng mga tanong. Kaya walang nagtatangkang manligaw sa akin e. Napakastrikto niya kasi.
Papa smiled at him after a few seconds of scanning his whole appearance. “Enjoy the dinner, hijo.” he said to him. Andy just smiled back as if he was really honored that my father said that. Napanatag na ang loob ko dahil doon.
— TSTY —
“I admit, your father was so strict about you—knowing that you donʼt have siblings and your cousins are all boys.” Andy said.
Naglibut-libot muna kami dahil masarap ang simoy nang hangin dito sa loob ng village lalo na kapag gabi.
“Well, Iʼm the unica hija of the Lopez family.” I humbly admitted.
“And you are the most beautiful unica hija in the world.” he complimented.
I smiled, “Thank you...”
A guy who lowkey appreciates your beauty is a must have.
Nagpahangin lang muna kami saglit habang naglalakad pabalik sa mansyon.
Umuwi na siya nang makarating kami sa garahe ng mansyon.
Bumalik ako sa loob. I told Papa that I need to talk to him lately on the phone. Hinanap ko siya sa kaniyang opisina at nandoʼn naman siya.
Agad naman akong pumasok nang mapagtantong hindi naman siya abala at wala naman siyang kausap sa telepono. Nakaupo lamang siya habang nagbabasa ng diyaryo at umiinom ng kape.
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Ficțiune adolescenți[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022