Chapter 28

34 2 0
                                    

SURPRISE VISIT

“Hello again, young Scottsdale.” binati ako ni Mr. Lopez sa kabilang linya.

Huminga akong malalim bago ko sabihin ang gusto kong ibalita sa kaniya. “Mr. Lopez, I have good news.” walang emosyong sabi ko.

Medyo napilitan akong sabihin iyon. Dulot ng inis ko, ayaw ko na siyang madagdagan pa ng pagkakataon. Pero dahil may konsensya naman ako, gusto ko rin makabawi sa pamilya niya lalo na kay Bliss. I was the reason why she was being like this. I caused her so much pain that I didnʼt even noticed that I was already hurting her. I made the conflict between our families.

“What is it?” medyo nabahiran ang tono ng boses niya ng pagkasabik. He was surely feeling that it really was a good and true news from me.

“My father gave you another two weeks. I hope this time, youʼll catch up.” I said, leaving him a deep breath.

“Goodness! Thank you so much! This is a big help for my family. Thank you.” he delightfully said.

Napangiti na lamang ako sa kadahilanang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko nga inaakalang gagaan ang pakiramdam ko ng kahit kaunti lang, dahil sa simpleng pasalamat ni Mr. Lopez.

“Kamusta si Bliss?” agad kong naitanong. Isa sa dahilan kung bakit lagi akong hindi mapalagay ay iniisip ko kung ano nang kalagayan niya ngayon. I was that worried that everytime I think about her, I canʼt calm myself down.

“Hmm... I still donʼt have an idea but I hope sheʼs fine.”

“I gave her phone to her friend.” saad ko. “Umaasa akong maibibigay niya ʼyon kay Bliss kapag nalaman niya kung nasaan na siya.”

“What if hindi niya ibigay?” tanong niya.

Hay nako. Bakit ang daming may trust issues ngayon? Pati ʼyung hindi naman mapagkakatiwalaan ay malakas ang loob na hindi magtiwala sa iba. Grabe.

Tanging paghingang malalim ba lang yata ang magagawa ko ngayong buong umaga. “Let us trust her, Mr. Lopez. Alam ko ang ginagawa ko at sigurado rin akong mapagkakatiwalaan natin siya.”

“As long as para sa anak ko.” tanging nasabi na lang niya.

Masasabi kong may pagkakahawig ang mga nararamdaman namin ngayon. Ngayon lang naman. We would do things for the sake of her, for the sake of her safety.

Mukhang hindi talaga ako makakapasok bukas dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko nga magawang maglabas ng sama ng loob. Hindi ko rin kayang makipagtalo kay Mr. Lopez, kasi iniiwasan kong makaramdam ng inis ngayong araw. I want to and need to maintain the calmness, so I can still think about such things running inside my head.

“Sir Leonardo, ibinilin po sa akin ni Maʼam Isabel na painumin po kayo ng gamot ngayon.” ani isang maid na kakapasok lang ng kwarto. Mom permitted them to come inside my room if itʼs only needed and required.

“Thank you. Just put it there.” utos ko. Tinuro ko naman ang lamesang nasagilid ng kama ko. Nakahiga lang ako at walang ginagawa.

She bowed before leaving. Sinundan ko siya ng tingin palabas ng pinto at doon ko nakita ang kapatid kong si Calvin na nakatingin din sa maid. Yumuko ang maid bilang paggalang at pagpapaalam. Tumango naman si Calvin kapalit niyon. Pumasok na siya sa pintuan at nilapitan ako. Bumangon naman ako at isinandal ang likod sa bedframe.

Umupo siya sa tabi ko at tinanong ako, “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?”

“Oo eh.” nanlumo ako.

“Huwag ka munang pumasok bukas. Kami na ni Adrian ang bahalang magpaliwanag sa mga professors natin.” aniya. Nakakaluwag naman ng pakiramdam ang sinabi niya.

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon