PREOCCUPIED
“May exam ngayon?” bulong ko kay Adrian. Nagulantang ako nang magsalita ang prof namin sa harap at sinabing maghanda ng ball-pen para sa exam.
I literally forgot that today was exam day. Hindi man lang ako nakapag-review. Hindi rin pinaalala sa ʼkin ng mga kapatid ko!
“Baʼt gulat na gulat ka?” balik tanong niya sa ʼkin.
“Eh malamang hindi ko alam.” I lied about that. Kaninang umaga ay
binalak ko nang magbasa ng libro kaso hindi ko talaga magawa.I was aware that today was exam day. Pero nakalimutan ko matapos kong makita si Liana at Adrian. Nadala ako ng emosyon ko kaya nakalimutan ko.
“Paanong hindi mo alam? Eh ikaw nga ʼtong sobrang excited nuʼng nakaraan. Ikaw pa nga ang nagsabi sa amin.” aniya.
Mariin akong napakapit sa lamesa ko. I am doomed.
Hindi ko pinoproblema na nakalimutan ko na may exam ngayon. Ang pinoproblema ko ay hindi ako nakapaghanda.
Hindi na kami nag-usap ni Adrian ulit nang matanggap na namin ang questionnaires. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang pen ko. Kabado kong binasa mula taas hanggang ibaba ang test paper at kulang na lang ay tumagaktak ang pawis ko sa noo ko sa sobrang kabado. Hindi ko alam ang isasagot dito...!
Siguro kung ano na lang ang matandaan ko, ʼyon na lang ang isasagot ko.
Bawat bilang humihirap ang sasagutan. Bakit ba naman kasi hindi ko natandaan na exam ngayon.
Oh, I remembered I wasnʼt feeling okay these past few days. Wala akong ganang mag-review o magbuklat man lang ng isang libro. I was lying on my bed for every single day of the week.
Napapatingin ako sa papel ni Adrian minu-minuto para makita ang sagot niya. “Pakopya.” bulong ko sa kaniya habang binabantayan ang prof namin sa harap.
“Tsk.” mahinang asik niya sa akin. “Ayoko nga.”
Ang layo ni Calvin sa upuan ko kaya hindi ko rin siya matanong. Lalo na si Crystal. At times like this, I know she would not hesitate to help me. If only she knew whatʼs happening to me right now.
— TSTY —
“Hindi ako nakapag-review.” sabi ko kay Crystal.
Uwian na at sabay kaming lumabas. Pinakiusapan ko si Calvin na mauna na siya sa parking lot. Alam ko naman kasi na pareho sila ni Crystal ay papunta na roon dahil uwian na.
“Bakit hindi mo ʼko sinabihan? Para sana natulungan kita.” aniya. Doon ako nakaramdam ng matinding pagkahiya sa kaniya. She was always been this helpful to me as my friend.
“Dapat tinanong mo na lang si Adrian. Magkatabi naman kayo at kapatid mo naman siya.”
“Madamot ʼyun e.” I sulked.
“Kinakabahan ako kay Dad. Baka magalit siya sa ʼkin ʼpag mababa ang scores ko. He was expecting for me to get high scores like he always do.” hinimas ko nang paulit-ulit ang aking kamay pati ang sintido. Hindi ako mapalagay.
“Ano bang nangyari sa ʼyo kaya hindi ka nakapag-review?” tanong niya.
Ang kaninang kabadong ekspresyon ko ay napalitan ng pagkalumo. “Maraming tumatakbo sa isip ko tapos wala akong ganang kumilos kahit anong gawin kong pilit.”
“What are you thinking about, to be exact?”
I was continuously walking with her but suddenly I heard her question, so I halted. “Her.” I simply said.
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022