Chapter 29

34 2 0
                                    

AINʼT FAIR

“Sasabay ka sa akin?” tanong ni Calvin sa akin nang buksan niya ang pinto ng kaniyang kotse. Papasok na kasi kami.

Sa wakas ay bumalik na ang katawan ko sa dating sigla nito. Saktong sakto dahil Lunes ngayon. Unang araw na may pasok sa Linggong ito kaya ayaw kong lumiban. Isa pa, marami akong absent. Kailangan makabawi ako this week.

Mabilis akong tumango kay Calvin. Iginiya naman niya ako sa kabilang pinto. Agad akong sumakay kasunod niya.

Bumiyahe na agad kami dahil baka mahuli kami sa klase namin. Nakakapanibago na makita ko si Calvin na nagiging time conscious na. Dati rati naman ay wala siyang pakialam kung mahuli sa klase o mapaaga. Kung minsan nga, wala siyang paki kung pumasok siya o hindi. He had really changed a lot.

“Mukhang motivated ka ngayon ah?” saad ko. Siya ang nagmamaneho kaya hindi na niya ako nilingon, pero nakita ko ang pasimpleng pagngisi nito.

“Thatʼs because nanood kami ng movie ni Crystal kagabi.” he bragged.

“Wow, getting better.” I clapped, astonishingly.

Nang makarating kami sa SDA, hinintay kong mai-parada ni Calvin ang kotse niya sa parking lot. Sa labas lang naman ako ng parking lot naghintay.

Habang naghihintay ay hindi ko naman maiwasang maglibot ng tingin dahil wala naman akong makausap at walang ginagawa. Nahagip ng mata ko ang pamilyar na babae. Is it Bliss that Iʼm seeing right now? Sana namamalik-mata lang ako. I wish it wasnʼt her. Itʼs not that I am trying to avoid her... I just canʼt face her. I donʼt even want her to see me being so awkward around.

Nagulat na lang ako ng kalabitin ako ni Calvin at sinabing, “Tara na.”

Siyempre sumunod na ako sa kaniya nang mauna siyang maglakad. Dinalian ko na lamang ang bawat hakbang para makaabot ako sa bilis niya.

“I think...” I started walking slower when Iʼve reach him. “I think I saw Bliss.”

He furrowed his forehead and shrugged. “I thought so too.” he said.

We continued walking until we reached our classroom. We donʼt wanna make such confusions when we should be focusing on our class.

“Youʼre ten minutes late.” bungad ni Adrian sa aming dalawa ni Calvin.

“Anong ten minutes late?” masungit na tanong ni Calvin saka humarang sa harapan ko. Napakasiga talaga nitong dalawang ʼto. “Teacher ka ba namin?”

“Iʼm just kidding.” natawa si Adrian. “Baʼt ba ang seryoso mo?”

“Baʼt ba sira ulo mo?” ganti naman ni Calvin. “Tumabi ka nga.” utos pa nito. Normal na talaga ʼyan sa kanila-ang magtalo kahit wala namang saysay ang pinagtatalunan. Pero hindi naman ito nakakasama dahil nagbabati rin naman sila sa dulo at hindi naman ito masyadong intense kaya ayos lang.

Sumunod ako kay Calvin at sumunod naman si Adrian sa akin. Umupo na kami sa mga sarili naming upuan. As usual, katabi ko si Adrian dahil nagpalit nga sila ng upuan ni Calvin noong nakaraan.

Ngayong araw, nakipagpalitan muna ako ng upuan kay Adrian. Nasa tabi siya ng bintana at gusto kong doon muna umupo. Agad naman niya akong pinagbigyan. Ang lakas ko talaga sa kanila.

— TSTY —

“I paid for almost half of it, because I want to help your family...” I uttered. She was tending to hear more of it. I was nervous for the consequences. “And I want your daughter.”

Three Steps To You ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon