Chapter 1

2.5K 61 3
                                    

~Lui~

 "Hoy Lui! Bangon! Tanghali na nakahilata ka pa d'yan?"

Naalimpungatan ako bigla sa malakas at galit na boses ni Nanay.  

"Hala! Sige, gising! wala ka na namang kikitain sa maghapon sa sobrang kupad mo!" Napangiwi ako't napabilis ang kilos ko nang maramdaman ko ang pagdiin ng kuku nito sa balat ko.

Ang kurot talaga ni Nanay ay nakakagising talaga ng dugo at nakakapagpabilis ng kilos!

"Opo Nay, bibilisan na po." Ang taranta kong sabi. Dali-dali akong dumiretso sa maliit naming kusina na gawa lamang sa mga hinabing kawayan. 

 Nagmumog lamang ako at dala ang dalawang baldi ay agad akong sumugod sa daungan ng mga mangingisda.
 Shit! Tinanghali na ako! 

 Sana naman ay may natira pang isda na maaangkat ko at maibinta sa bayan! 
 Kundi lagot na naman ako kay Nanay kapag wala akong kita sa maghapon! 

 Ngunit nanlumo ako nang pagdating ko sa daungan ay wala na akong nadatnan pang isda roon. 
 
 Lagot na naman ako!  Anong gagawin?
 "Lui!" Napalingon ako sa matinis na boses ni Jeylai. Tumatakbo ito palapit sa akin. 

 "B-bakit ka t-tinanghali?" Ang humahangos na tanong nito.  
 Malungkot ko itong tinignan. 

 Wala pa naman ang uwian ay natatakot na ako kung anong parusa na naman ang matatanggap ko kay Nanay. 

 "Medyo masama kase ang pakiramdam ko kagabi Jeylai. Tinanghali na tuloy ako ng gising.." Ang naiiyak ko nang sabi.  
Napalabi ito, tila alam na nito ang kinatatakutan ko.

 Sa edad kong katorse anyos ay bugbog na ang katawan ko sa trabaho.  

 Kailangang may mai-uwi akong pera na kinita ko maghapon kundi, paparusahan na naman ako ni Nanay.
 
 Sabunot at sampal na naman ang aabutin ko n'yan. 

 'Ni hindi ko nga alam kong bakit gano'n na lang niya ako pag-initan.
 
 Sumasaya lang naman ang mukha niya kapag medyo malaki ang perang nai-uuwi ko sa maghapong paghahanap buhay. 

 Pero kapag walang pera, laging masama ang timpla niya sa tuwing kaharap ako.. 
 Minsan naiinggit ako sa dalawang ate ko. 

 Mahal na mahal kase sila ni Nanay 'tas ako na bunso iba ang turing niya sa akin.

 Parang hindi niya ako totoong anak... 

 Di ba dapat ang bunso, siya 'yong mas nakakalamang sa pagmamahal at atensyon? 

 Siya iyong paborito ng pamilya? Siya 'yong sunod sa layaw? 

 Pwes, sa akin ang lahat ay kabaliktaran!
Salat sa karangyaan ang islang kinalakihan namin ni Jeylai. Maski kuryente nga ay wala kami dito sa isla.
Pawang mga naka-lampara ang mga kabahayan dito. Ibang-iba sa Isla Magno at Isla Monteverde.

 Ang kalapit naming mga isla ngunit, pawang mga pribado. Mayayamang tao ang may-ari ng mga islan iyon.

Noon ngang medyo okay-okay pa si Tatay at hindi pa nalulong sa pag-iinom, ay sinama niya ako minsan sa pangingisda, at mula sa kinaroroonan namin ay natanaw ko ang napakalaking bahay. 
Mula sa Isla Monteverde.

Parang sinadya iyong itayo sa pinakamataas na bahagi ng islang iyon.
Tulad ng isla Magno ay maliwanag din iyon sa gabi.

Malayo lamang ito mula sa isla namin kumpara sa isla Magno na medyo malapit lamang at natatanaw.

Minsan nga, maaninag mo ang mga tao sa loob ng bahay kahit gabi.

"Buti na lang at dalawang balding isda ang naangkat ko. Segi, sayo na ang isa para pareho tayong may kita sa araw na ito! Kundi, lagot ka na naman sa Nanay mong mangkukulam!" Ang nakairap sa hangin na anito.

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon