Chapter 31

543 26 0
                                    

~Third Person Pov~


Malawak ang ngisi ni Noah nang maglakad ito papalapit kay Audrey na nasa ibabaw ng stage.
That proud aura of him. 
Pero seryosong titig ng dalaga ang sumalubong sa kanya.
Tila may nais ipahiwatig ang mga mata nito pero hindi niya mawari kong ano.
Natunaw bigla ng ngisi niya.
Hahawakan na sana niya ang dalaga nang malakas siya nitong itinulak. 
Sa lakas nga nun para ba siyang tinangay ng malakas na hangin!
Dahilan para mapasadsad siya sa sahig.
Napahawak agad siya kanyang baywang. 
Nakangiwing dumaing.
Halos mapamura siya sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya.
Sa laki niyang tao, naitulak siya nang gano'n kalakas na talagang tumilapon siya?
What the heck!
What's happening to her sinapian ba siya?
Nasaktan siya mula sa pagkakasalampak sa sementong sahig.
Ngunit agad siyang nahimasmasan nang marinig ang panic na hiyawan ng mga tao sa paligid.
Lahat ng tao ay naghihiyawan at tila nagkakagulo na sa buong hall.
May mga iba nga na pumapailalim sa mga lamesa na akala mo'y nagtatago.
Pero kanino?
Agad na hinanap ng mga mata niya si Lui. 
At agad na napaawang ang labi niya at nanlalaki ang mga mata niya.
Nang makita itong inaatake ng dalawang babaeng may hawak na espada!
Ngunit ang mas gumulat sa kanyang tulirong isip ay ang tila pagiging bihasa nito sa pakikipaglaban.
Maliksi ang bawat kilos nitong naiiwasan ang mga ataking iyon ng kalaban. 
May suot pa rin itong maskara pero kita niya sa bawat galaw nito ang tila tapang at ang galing nito sa pagbasa ng kilos at atake ng kanyang mga kalaban!
Bihasang-bihasa nga ito sa pakikipaglaban!
Pero bakit? Paano? Anong nangyari sa kanya sa nakalipas na taon?
Bakit siya nagpapanggap bilang anak ni Nakamura?
Mga tanong na bumaha sa isip niya!
Parte pa rin ba ito ng event? 
Hindi man lang  ata nila nabanggit sa programa  na may ganitong palabas na mangyayari!
Pero bakit parang totoong-totoo ang kislap ng talim ng espadang hawak ng dalawang babae?
Hanggang sa makarinig na siya ng magkakasunod na putok ng baril!
Shiiit!!! Shiit!!!! 
Bigla napalakbay ang isip niya!
Hindi kaya may sumabog rin ditong bomba tulad noon? 
Damn it! Agad ang naging kilos at pagtayo niya!
 Pero hindi niya pweding iwan si Lui!
Napatingin siya sa mesa kung nasaan ang mga kaibigan niya. 
Hindi na niya makita ang iba. 
Ngunit nasulyapan niya si Alfred Miguel may hawak nang baril habang nagtatago sa isang nakataob na lamesa.
Panaka-naka itong sumisilip na parang may kabarilan talaga!
Natataranta ang isip niya. Ni hindi alam ang gagawin.
Nagtatalo ang isip niya kung mananatili roon o aalis na lamang.
Ni hindi siya makapag-desisyon.
Meanwhile, Audrey's every move was agile to avoid the blade of the swords. 
She needs to focus to find an opportunity to hit one of the opponents.
And she did!
Nasa harapan na niya kanina si Noah nang walang abog na sinugod siya ng babaeng mabilis na umakyat rin sa stage.
At kung hindi niya agad na naitulak si Noah ay baka natamaan na ito ng talim ng katana.
 Nahawakan niya ang kamay ng isa sa mga kalaban na may hawak na katana!
Saglit silang nagpangbuno!
Malakas ang babae. 
Pilit nitong dinidiin ang bigat sa hawak nitong katana. Kung mawawala siya sa focus at hindi malabanan ang lakas nito, ay lalapat sa balikat niya ang talim ng katana.
Inipon niya ang lakas upang ilihis ang talim ng espada. 
Ngunit hindi lamang isa ang kalaban niya!
Nang lingunin niya ang isang kalaban ay papasugod na rin ito sa kanya! 
Buong lakas at liksi siyang umikot sa ere. 
Nilagay niya ang buong bigat sa likod ng kalabang hawak niya at saka nagpakawala naman siya ng isang malakas na sipa para sa don sa isa.
Tumilapon at napasadsad ang babae sa sahig. Dinig pa nila ang pag-igik nito at ang daing sa sakit na natamo!
Nabitawan na nito ang katanang hawak. 
Mabilis niyang binalingan ang isang kalaban na hawak niya kanina at inulanan namaniyon ng malalakas na suntok sa mukha at dibdib.
Saka siya tumalon sa ere paikot. 
Nagpakawala siya ng nakamamatay na sipa bilang huling atake. 
Sapol ang kalaban sa mukha. Nakita pa niya ang pag-ikot ng eye balls nito bago bumagsak sa sahig na wala ng malay.
Kinuha niya ang katana at walang sabi-sabing malakas na ibinaon iyon sa sahig kasama ang palad ng isang babaeng kalaban na nagsisigaw dahil sa sakit!
Lahat ng iyon ay nasaksihan ng mga mata ni Noah. 
Kahit pa nang tila may bumabaril sa dereksyon nila ay ni hindi lamang ito natinag..
Ni hindi mo kababakasan ng takot ang bawat galaw nya.
Sa halip ay binalingan lamang siya nito!
"Ano pang tinutunganga mo d'yan?" Ang malakas at inis nitong tanong sa kanya.
"Kumilos ka na dyan! Magtago ka at iligtas mo ang sarili mo!" Ang matatag ngunit may halong inis nitong bugaw sa kanya.
"Move damn it!" galit na bulayaw na nito nang hindi pa rin ito nakahuma sa kinatatayuan.
"Yes, yes my wife.. But please huwag mo naman akong bulyawan.." Ang natataranta niyang sagot rito.
Narinig pa niya ang pag-tsk ng dalaga.
At ang pagpapakawala nito ng malalim na buntong hininga!/
"I'm not your wife.. " ang may inis nitong saad..
"I know, sa ngayon hindi pa. Pero pagkatapos ng isang linggo sigurado yan." Ang may ngisi na niyang sabi..
Matalim ang mga matang tinitigan siya nito.
"I dont even know you, Alis! At huwag kang haharang-harang" ang muli nitong galit na bugaw sa kanya...
Hindi siya agad nakakilos. I dont even know you, daw? What does she mean by that?
Bigla siyang naguluhan!
"I can't leave here, without you Lui." Ang naisatinig niya sa kabila ng pagkataranta sa mga nangyayari. 
"Then, magtago ka! Huwag kang haharang-harang sa'kin kung ayaw mong pareho tayong mapahamak!" Ang nawawalan nang pasensya nitong sabi...
"Clubs!" Napatingala sila pareho sa taas, sa may kisame..
Mataas ang kisame ng hall.
Isang lalake o babae hindi siya sigurado. Nakaitim ito ng jacket at pati t-shirt na suot. Nakasombrero rin ito ng itim at halatang napakaikli ng buhok..
Ngunit ang boses nitoy hindi sapat ang laki para matawag na lalake..
Kaya naisip niya, marahil ay tibo ito.
Mula sa bukas na kisame ay maliksing naglambitin sa lubid ito pababa.
She called Lui as "clubs"?
Anong ibig sabihin nun? Napapaisip siya at lalong naguluhan.
And before she hit the ground, she immediately threw a gun to Lui.
Maliksi naman iyong sinalo ni Lui..
Sa sandaling iyon ay tinanggal na nito ang suot na maskara.. Inaasahan na niya na si Lui nga iyon pero gulat pa rin ata ang reaksyon niya..
Mabilis nitong tinali ang buhok.
Saka kinasa ang hawak na baril..
Walang kurap siyang pinagmasdan ni Noah..
Damn! Isang babae lamang ang nakita niya noon sa ganitong tagpo.
It was long years ago...
Ang gulo noon na kinasangkutan nilang magkabarkada..
Ang pagkakaligtas ng lahat mula sa mga teroristang gustong pasabugin ang buong gusali at ang pagtatangka sa buhay ni Alfred Miguel at sa iba pa.
At buti na lamang, dahil sa agap ng grupo ni Arielle Marie ay walang namatay na sibilyan sa insedenting iyon.
Makapal ang make up na nakapahid sa kanyang maganda at napaka-inosenting mukha...
Tila sadyang ginawang singkit rin ang mga mata nito gamit ang make-up..
Pero ganon pa man, hindi iyon naging sapat upang hindi niya ganap itong makilala.
Anong nangyari sa babaeng taga islang mahal niya?
Ang maloko, masayahin na Lui?
Ang mata at mukha nitong bagamat nasasalamin ang pakainosente ay punong-puno naman ng kapilyahan!
Bakit ibang-iba na ito ngayon?
Her movements... Her fierce eyes..
She looks fearless...
She's armed now.
At sa nasaksihan nitong pakikipaglaban ng dalaga kanina, tila ba itoy sanay na sanay...
Naikwento na noon ni Arielle Marie ang ginawa at pinagdaanan niyang training...
Naipaisip siya bigla, kung ganon rin ba ang dinanas na training ni Lui?
Nabugaw ang tila naglakbay na diwa ni Noah.
Nang muli silang makarinig ng putok ng baril.. Nasundan pa iyon ng sunod-sunod..
Kaya pinagtulakan na siya ni Lui paalis roon..
"You bastard! you move or you'll die here?!"
Masama ang tingin nito sa kanya..
Pero hindi siya basta makakapayag na maghiwalay sila ng ganon-ganon na lamang..
Tatalikod na noon ang dalaga.
But he quickly grabbed her arm...
And without hesitation, he claimed her lips with a short but very deep kiss...
"W-wow...." narinig na lamang niyang anang kasama nitong tibo ..
"I will follow whatever you say to me my wife, but you'll be mine for a week after this." Ang tila siguradong-sigurado nitong turan at mabilis niya itong muling ginawaran ng halik saka umalis na roon..
Tila natulala naman saglit si Lui sa ginawang iyon ni Naoh..
Kung hindi lamang sa tapik ni queen at sa putok muli ng baril ay hindi na siya nakakilos muli.
Tumagal pa nang halos kalahating oras ang sagupaan hanggang sa tukuyang mawala ang putukan..
Sunod -sunod na rin ang ingay ng ambulasiya at wangwang ng sasakyan ng mga paparating na pulis...
Isang itim at makintab naman ang pumarada sa di kalayuan..
"Lui!" Ang malakas na tawag ni Noah sa kanya.. Saglit lamang siyang natigilan...
Narinig niya ang tawag nito ngunit nagpanggap na lamang siyang walang narinig..
Sapat na ang makita niya itong ligtas.
Hindi na kailangan pang magkausap sila.
Si Nakamura na lamang ang bahalang umayos ng lahat.
Besides, maayos at naging tagumpay ang misyon.
Matagumpay na nahuli lahat ng kalaban na nasa event..
Marami ring ebidensya ang maaring ilatag upang maituro at maidiin ang pinakapinuno at utak sa tangkang pagpapatay sa anak ni Nakamura..
Mabilis nang humarorot ang itim na kotse..
Napatiim bagang na lamang si Noah habang nakatanaw na lamang sa papalayo nang sasakyan..
Hindi ito ang huli nilang pagkikita sisiguraduhin niya yan..
Ngayon pa, ngayon pang sigurado na siyang buhay pa ito.. Buhay pa si Lui...
Sinusumpa niyang hahanapin niya ito saang sulok man ng mundo!
A/N: unedited bukas ko na edit..

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon