~Lui~
"Hati na lang tayo dito, Lui..." Ang malungkot na ani Jeylai.
Isang balding isda lamang ang naangkat namin.
Puro maliit pa. Matumal daw ang huli. Mahangin daw kase at medyo malalakas ang alon kagabi.
Tipid akong ngumiti kay Jeylai.
"Sa'yo na 'yan. Mas kailangan mo 'yan kesa sa akin."
"Paano ka? Sigurado lagot ka na--" Agad kong dinukot ang naitabi ko pang pera.
At malawak ang ngiti kong pinakita sa kan'ya.
"Tinabi ko ang iba para sa ganitong pagkakataon, para may maiabot ako kay Nanay." Humugot ako ng isang libo sa nakatupi kong pera at iniabot 'yon kay Jaylai.
Nagtatanong naman ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Nag-aalangan siyang tanggapin iyon.
Siguro nag-aalala siya, dahil sa kalagayan ko tuwing nawawalan ako ng perang mai-aabot kay Nanay ay matinding parusa ang inaabot ko talaga sa mga kamay niya.
"Lui.. H-hindi ko matatanggap 'yan--" Agad kong kinuha ang kamay niya at nilagay ang pera sa palad niya.
Gano'n na gano'n ang ginawa sa akin ni K-kuya....
Napahinga ako ng malalim. Bigla ko siyang naalala.
Tatawagin ko ba siyang kuya? Sige na nga! Igagalang ko muna siya ngayon!
Respect now, balahura later!
Pero kapag wala siyang kapatid siya talaga ang emo-modus ko!
Jowa talaga bagsak mo sa akin!
Naging malawak ang ngiti ko, sa tuwing naiisip ko siya napapangiti talaga ako!
Kailan ko kaya ulit siya makikita?
"Kailangan mo 'yan ngayon Jeylai. Konte lang kikitain mo d'yan sa naangat natin.
Isa pa, ilang libo pa naman 'to." Ang pagpapanatag ko sa loob niya. Nag-aalangan pa rin siya.
"Dalawang libo lang binigay ko kay Nanay..." Ang bulong ko sa kanya na sinundan ng tawa.
Napangiti na rin siya.
"Salamat, Lui.."
"Hindi Jey-- Salamat sa'yo. Sa inyo ni Arman. Lagi n'yo akong sinasalo kapag nasa alanganin ako.." Ang seryoso kong sabi. Marami na akong utang na loob sa kanila ni Arman.
So, ano man lang kung bumawi rin ako, kapag sila naman ang nagigipit?
"Kapag yumaman ako? kayo ni Arman ang unang tutulungan ko! Patatayuhan ko ng kuryente ang buong isla mabato!" Ang biro kong kindat sa kan'ya! Napangiti na siya ng malawak.
"So, ibig sabihin tataya ka na sa lotto niyan?" Ang nakangisi nitong tanong sa akin. Tumataya kase ito sa lotto at sa tuwing yayain ako ay tumatanggi ako.
Nasasayangan kase ako sa panaya. Pakiramdam ko kase suntok sa buwan lamang ang pagtataya sa lotto at malabo talaga akong manalo!
"Hindi ako tataya sa lotto! Malabo 'yan!" Namewang siya sa harapan ko. Tinitigan niya ang mukha ko na parang sinusuri ako ng husto..
"Parang may kakaiba ngayon sa ngiti mo. " Ang may panghihinala nitong sabi.
Lalong naging pilya ang ngiti ko..
"Gusto kong itaya ang puso ko!" Ang bulong ko sa kan'ya na kinalaki ng mga mata niya.
Tinignan ako nito sa mga mata na parang naguguluhan..
Napahagikhik ako.
"Joke lang! Halika na at ihahatid na kita sa daungan ni Mang Pepito!" Ang masaya kong yaya sa kan'ya. Nagtataka at tila naguguluhan pa rin itong nakatingin sa akin.
PAGKATAPOS kong ihatid si Lui, ay tinungo ko naman ang dereksyon papuntang bahay nila, Arman.
Pupuntahan ko na lang siya. Magbabakasakali baka maisama niya ako sa isla magno para maglinis ng malaking bahay roon, tumulong sa pagtatanim ng gulay o di kaya'y mag-pastol ng mga kabayo!
Naglalakbay ang isip ko.
Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa perang hawak ko.
Kailangan kong kumita kahit paano sa araw na ito. Kung aasa ako sa hawak kong pera, aba hindi magtatagal at mauubos rin ito!
May anim na libo pa naman akong natitira. Binigay ko kay Nanay ang dalawang libo.
Tuwang-tuwa siya!
Sa sobrang tuwa nga niya napasugod na siya sa saklahan pagkatapos niyang magbitaw ng masakit na salita.
Ngunit tulad ng mga nakaraang araw niya, umuwi itong masama ang timpla!
Napagbalingan na naman ako!
Natawag na naman akong malas dahil natalo siya sa sugal!
Hindi na lamang ako umimik. Kung iimik ako ay mas doble pa ang aabutin ko.
"Saan ang punta mo Lui?" Napatigil ako't napaangat ang mukha ko. Si Aling Bebang.
Napangiti ako. Isa siya sa mabait na nakatira dito sa isla. Gumagawa rin siya ng iba't-ibang kakanin at madalas ay inaabutan niya ako!
Kung minsan nga kapag wala talaga akong mapagkunan ng pera ay nakikiusap akong angkatin na lang ang mga panindang kakanin nito.
Pero dalawang Linggo ko na itong hindi nakikita sa Isla Mabato. Nang minsan na tanungin ko ang pitong gulang na pamangkin nito kung nasaan nga si Aling Bebang pati ang asawa't, anak nito ay sinabi nitong umalis na sila para magtrabaho. Nagtaka naman ako kung bakit wala pati ang anak at ang asawa nito.
Umalis na ba sila ng isla? Nalungkot nga ako sa akalang hindi ko na sila makikita pa!
Napansin ko ang gayak niya. Bihis na bihis si Aling Bebang. May dala pa itong maliit na bag. At isang basket na natatakpan ng puting tela. Malamang bibingka yan o biko!
"Kayo pala Aling Babes! Parang lalo po ata kayong gumaganda a, dalawang Linggo ko pa lang kayong hindi nakikita.." Ang pilya kong ngiting biro sa kan'ya.
"Naku! Ikaw talagang bata ka! Nambobola ka na naman!" Ang utas nito pero nakangiti!
" Pero type ko 'yang Aling Babes mo na 'yan! Pakiramdam ko bumata ako!" Ang hagikhik nito. Napangisi ako!
Hmm... Sigurado nang may paninda ako nito.
"Baka sakali po na may kakanin kayong pwede kong angkatin? Beke nemen.." Ang kindat ko sa kan'ya at napatingin sa dala niyang basket.
"Naku! Tumigil na ako sa pag-gawa ng kakanin para itinda. May trabaho na kase ako!" Ang masaya at tila excited nitong kwento.
" Itong dala ko ay konte lang ito, ginawa ko talaga para sa amo ko. Nandyan kase siya at nagbabakasyon, kaya ginawan ko siya ng bibingka at biko para matikman niya!" Ang masayang-masaya nitong pagbabalita.
Napangiti ako. Mukhang masaya nga ito at kuntento sa nahanap na trabaho.
Kung gano'n wala na pala akong makukuhang paninda sa kan'ya kahit na kailan.
"Teka, bakit nga pala andito ka pa? Wala ka bang naangkat na isda?" Ang nag-aalalang tanong nito.
Hindi lingid dito ang sitwasyon ko kaya siguro bigla itong nag-alala.
"Wala nga po Aling Bebang! Matumal ang huli ng mga mangingisda ngayong araw kaya wala akong naangkat. Pupuntahan ko sana si Arman baka sakaling may maibigay siyang trabaho sa isla Magno" Ang nakabusangot at problemado kong sabi.
Tumaas ang kilay nito sa akin na pinagtaka ko.
Huminga ito ng malalim... Tila nag-isip saglit...
"Kung Aling Babes ang itatawag mo sa akin, baka isama kita sa pupuntahan ko. Kailangan ko nang makakasama sa paglilinis ng bahay bakasyonan ng amo ko. " Napaawang ang labi ko. Trabaho? Sigurado nang kita sa araw na ito? Parang biglang kumutitap ang mga mata kong nakatingin lamang kay Aling Bebang.
"Gusto ko pong--"
"Pero!" Pinahinto niya tinaas sa ere ang hintuturo.
"Pero--kung Aling Bebang ang itatawag mo sa akin, hmmm... baka mag-hanap na lang ako ng iba para makasama ko." Ang nakanguso nitong sabi.
"Tara na Tita Babes, saan ba yang amo niyo at puntahan na natin! Pakikintabin ko bahay n'yan!" Ang agad kong yaya kay Aling Bebang na kinahagikhik niya.
"Susunduin tayo ng Asawa ko, malamang parating na iyon. Sa Isla Monteverde na kami ngayon nakatira, may libreng tirahan kami roon at maganda pa! Natanggap kaming katiwala roon ng bagong may-ari si Sir Noah!" Ang masayang kwento nito. Napahinto ako't napamaang sa narinig!
Sa Isla Monteverde! Makikita ko si Ku-- kuya Noah... Nang mahimasmasan ay gusto ko atang magtatalon sa tuwa!
Ewan ko pero hindi ko maiwasang maging masigla!
Parang mas naging excited pa ako kesa kay Tita Babes!
" Aunty Babes, Let's go then!" Ang biro kong akay sa kan'ya! Natawa na naman siya bigla!
"Mas gusto ko 'yan, Lui! Tunog sosyal!" Ang nakatawa pa rin nitong sabi! Binagtas na namin ang daan pabalik ng daungan!
Pagdating namin sa daungan ay naroon na ang asawa nito dala ang medyo may kalakihang bangka.
Binati ko si Mang Ramil..
"Buti naman at naisama mo itong si Lui." Ang nakangiting anito na sa akin nakatingin.
"Buti na nga lang at nakasalubong ko e, akala ko di ko siya makikita. Kundi babalik na naman ako bukas niyan.. " Ang nakangusong ani Tita Babes.
"Salamat nga po at ako ang naisama n'yo, kailangan ko ho din talaga e," ang masaya kong sabi.. Sa loob-loob ko'y hindi lamang iyon ang ipinagpapasalamat ko..
Mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para mapalapit ako sa lalaking itinakda para sa akin!
Parang hinahalukay ang tiyan ko sa kilig!
Ano kaya ang itsura ng kapatid ni Ku--
Naman oh! Bakit ba lagi akong natitigilan at nagdadalawang isip na tawagin siyang Kuya?
Parang hindi naman kase bagay sa kan'ya ang maging Kuya ko. Pwede pa naman talaga na maging Jowa ko siya!
Pilya akong napangiti! Pasalamat ka kung may kapatid ka nga, kundi sa'kin talaga ang bagsak mo-
"Magugulat at matutuwa n'yan si Sir Noah nadala mo e," napatingin ako kay Mang Ramil. Nagtaka ako nang makita kong tinignan siya ng masama ni Tita Babes. Tila nilakihan pa nga niya ito ng mga mata..
Gano'n si Nanay 'pag binabataan niya ang Tatay gamit ang mga mata. Tila ba sinasabi nitong, makuha ka sa tingin!
Bigla naman nagbago ang awra ng mukha ni Tita nang mapatingin naman ito sa akin..
"Matutuwa talaga iyon si Sir kase nagawa ko na sa wakas ang kakanin na request nito sa'kin at gusto niyang tikman.." Hilaw akong napangiti..
Bakit gano'n parang pakiramdam ko may
kakaiba sa kinikilos ng dalawa..
Pero mas'yado ata akong excited at masaya, dahil bigla na lang iyon nawala na parang bula sa isip ko nang pagtapak na pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa buhangin ng Isla Monteverde!
Future Jowa! esti Kuya I'm here!
Ang tili ng isip ko!
BINABASA MO ANG
Onschatbare Liefde
RomanceAudrey Lui Ramos isang dalagitang laking isla. Nagtataglay ng maamo at napaka-inosenting mukha. At sa mala-anghel na mukha nitong taglay, ay nagtatago ang isang matapang, pranka at buglar na personalidad. Unang kita pa lamang nito kay Naoh, ay nakar...