Chapter 26

560 32 0
                                    

~Noah~


She's initiating a fire between us. 
Pinipilit niyang itulak ang dila papasok sa loob ng aking bibig.
My jaw hardened. Ilang beses na niya akong kinukulit at inaakit.
Ni hindi ko alam na babalik ito ng isla. 
Umalis na ito kahapon. Mas nauna pa nga kila Klient. 
May pupuntahan daw sa Dasol. Bayan malapit rito sa isla.
Pero nagulat na lang ako paglabas ko ng banyo ay narito siya!
Inaakit at bina-black mail ako. 
But I'm done with her. 
Seryoso ko siyang tinitigan.
Marahan kong binaklas ang mga kamay niya, sa leeg ko. 
"I'm not in the mode..." Tinatamad kong sabi. 
Oo nga't may nangyari na sa amin noon, maraming beses pa nga.
Pero malinaw sa kanya na wala kaming commitment. 
And now, she's trying to blackmail me. 
She will bring my affair with Lui in the media. 
Lilikha iyon ng malaking eskandalo.
Kung sa mga magulang ko, alam kong walang magiging problema. 
Wala naman silang magagawa kung ibang babae naman talaga ang gusto kong pakasalan.
But Lui is just 17.  Marami akong kailangan ikonsidera sa ngayon. 
Si Lui....
Pagpi-pyestahan si Lui. 
I'm sure hahanapin at ha-hunting-in siya ng media. 
Isa rin ang kalusugan ni Mommy.
Baka biglang atakihin sa puso kapag lumabas sa balita na nangmolistsa ako ng menor. 
Or, nakakikipag-relasyon ako sa isang menor de edad.
Malaking eskandalo kung magkataon nga na mailabas  sa media ng babaeng ito!
Agad akong nag-bihis. I didn't even bother to take a glance at her.
Pero nasa hagdan pa lamang ako nang humahangos na pumasok si Mang Ramil.
Kunot noo at nagtatanong ang mga mata ko itong sinalubong. 
Basa na ito ng tubig ulan. 
"S-sir, si Lui. " Ang hingal nitong panimula. 
Parang may kabang biglang sumuntok sa dibdib ko.  
Kita ko ang matinding pagkasindak sa mga mata ni Mang Ramil.
Napatingin ako ng pintuan.
Humangos rin na pumasok sa bahay si Aling Bebang.
Mangiyak-ngiyak.
"Anong nangyari kay Lui, Mang Ramil?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Nagtatanong ang aking mga mata.
"M-may kumidnap po sa kanya! May mga lalaki pong armado ang kumuha sa kanya.
 Si sir Ivo nga po e, nagulpi." Parang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig.. Nanginginig ang kalamnan kong agad na tinungo ang pinto. 
Ramdam ko ang pagsunod sa'kin ng mga nagmamadaling yapak ng mag-asawa.
"Itinawag na sa mga daungan at mga Barangay na maari nilang madaanan." Ang pag-imporma ni Aling Bebang. 
Agad kong tinungo kung saan ang motor boat. 
Palakas nang palakas ang ulan at hangin!
Shit! Shit!
Pero wala kaming  inaksayang panahon. 
Kasama ko si Mang Ramil ay binaybay namin at sinuong ang malakas na ulan at hangin patungong kabilang isla. 
Malalaki ang hakbang kong nagtungo sa tahanan nila Lui. 
Naabutan ko roon ang tila tulalang si Ivo. 
May pasa sa mukha at putok ang labi. 
Tila wala rin sa sarili ang mga magulang niya.  
Ang Tatay niya'y tumatangis!
"Kasalanan mo ito! Kung hindi dahil sa bisyo mo, hindi tatangayin ng sindikatong iyon si Lui!" Ang duro at sisi nito sa kanyang asawa. 
At tulad ni Ivo ang ginang ay tila tulala habang.lumuluha.
Agad na nagdilim ang aking paningin at tiim bagang kong nilapitan si Ivo at agad na kinuwelyuhan. 
Pilit ko siyang pinatatayo!
"Anong nangyari?" Ang nagtatagis kong tanong sa kanya. 
Pero namumula ang mga matang nakatingin lamang siya sa lupa at tila wala sa sarili.
Sa sobrang galit na rin na nararamdaman ko ay walang pag-alinlangan na sinuntok ko siya!
Sumadsad siya sa lupa sa 
Hindi siya nanlaban. 
Nanginginig ang kamay kong dinukot ang cellphone ko sa basang-basa ko nang jogger pants.
Fuck! Sana gumagana pa! 
Nagtatagis ang bagang kong in-dial agad ang numero ni Uno.


~Lui~


Makirot na ulo at sakit sa sikmura ang agad kong naramdaman, nang ako ay nagkamalay.
Wala rin akong makita..
May takip ang aking mga mata.
Nakatali rin ang aking mga kamay.
Agad na nanginig ang aking mga labi kasunod ng pagbalong ng mga luha mula sa nakapiring kong mga mata.
Nakarinig ako ng mga kaluskos at bulungan.
Agad na nanginig ang aking katawan sa takot..
Dinukot ako ng mga armadong lalake.
Isang sindikatong pinagkakautangan ni Nanay.
Nasa mainit na pagtatalo at konprontasyon ako noon kay Ivo...
Pagdating ko sa isla Mabato ay hindi ako nagtuloy sa bahay namin..
Hindi ko pa kase alam kung paano pakikitunguhan sila Nanay at Tatay..
Idagdag pa sa nagpagulo at nagpatuliro sa isip ko ang tungkol kay Noah.
And there's Ivo too.
Lahat sila ay binigo ako..
Patungo ako noon sa dating bahay nila tita Babes.
Nagpaalam ako kay Mang Ramil na kung pweding doon muna ako kung maari.
Pumayag na lamang siya at di na nagtanong..
Kahit pa alam kong tila parang gustong-gusto nitong itanong kung anong nangyari sakin, kung bakit ako umiiyak.
Tinatahak ko na ang daan noon, nang makasalubong ko si Ivo.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Lalo nat nakita ko ang matinding pagkabahala sa kanyang mukha.
Tila ba inaasahan na nito ang magiging reaksyon ko.
Marahil, nakarating na rito na alam ko na ang lahat..
"Lui, please let me explain.." Ang pakiusap nito.
"Nagsinungaling ka sakin, Ivo! Sinira mo kami ni Noah!" Ang agad na hasik ko sa kanya.
Matalim ang tingin na pinukol ko..
"I.... I-i just did that, beacause, I love you.." deklara nito na puno ng pakiusap.
Tinangka nitong hawakan ako pero umatras ako...
"Si Noah ang mahal ko, matagal ko nang sinabi yan sa'yo. At nang dahil sa ginawa mo nagkasira kami! Pareho kayo ni Nanay!" Pero tama nga ba na kay Ivo ko isisi ang lahat?
Niloko ako ni Nanay. Ginamit niya ang aking pangalan at nanghuthot ng pera kay Noah.
At si Noah, inalok pa niya ang magulang ko ng limang milyon na kabayaran ko upang maging alipin niya.
Pero bakit kailangan pa niyang magdagdag ng limang milyon?
Inaamin kong naguluhan ako sa parting iyon.
"Please, mahal na mahal kita. Para ka sa akin at hindi para sa Noah na iyon!" Ang galit na niyang sabi. Ngayon ko lamang siya nakitang nagalit..
Sa mga sandaling iyon ay tila hindi ako nakagalaw.
Agad niyang dinakma ang aking magkabilang balikat.
Hinatak niya ako palapit sa kanya..
Mariin niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang pumirmi.
Saka marahas na sinugod ng halik ang mga labi ko!
Patuloy ako sa pagpupumiglas..
Kasunod nun ay ang unti-unting bumuhos ang malakas na ulan!
Ngunit ganun na lamang ang aking gulat.
Naramdaman ko na lamang na may kamay na humaltak sakin..
At nakita kong humandusay na lamang si Ivo sa lupa habang putok ang labi..
Nanlalaki ang mga mata ko at nanghintatakutan.
Anong nangyayari?
Napatingin ako sa lalaking ngayon ay nakahawak sa magkabila kong balikat.
Nakatingin rin siya sakin.
Naka-demonyong ngisi.
Nakita kong pawang may mga baril ang tatlong lalake.
Ang lalaking may hawak ng mahabang baril at inunday ang pinaka-unahan nun sa mukha ni Ivo..
Narinig ko pa ang pag-igik niya..
Nakangising tinakdyakan pa siya ng lalake na kinasigaw ko na!
"Tama na!" Naiiyak kong sigaw..
Nanginginig ang kalamnan ko.
Sing lakas ng buhos ng ulan ang dumagsang kaba sa dibdib ko.
Ngunit pinilit ko pa rin na pumalag.
Dala ng matinding takot at pagkataranta,
ay kinagat ko ng sobrang diin ang isang kamay ng lalake..
Napasigaw ito at nabitawan ako..
Pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay nahablot na ako ng isa pang lalake at walang pag-alinlangan na sinikmurahan ako..
Napaawang ang mga labi ko sa sobrang sakit..
Napamura ako ng paulit-ulit sa isip habang sapo ang sikmura ko..
"H-hayop ka! k-kakain ko lang ng donut kapag s-sumuka akot n-namatay, ikaw ang una kong m-mumultuhin!" Ang nanghihina ngunit gigil kong sabi.
Halos umikot na ang paningin ko sa sakit.
Nanghina ako ng husto..
"Sige. Dalhin na 'yan." Isang panyo ang itinakip sa ilong hanggang bibig ko..
Isang nakakaulusok na amoy ang tulayang nagpalambot ng katawan ko.
At bago pa ako mawalan ng malay ang isang boses pa ang aking narinig...
Alam kong hindi iyon si Noah pero wala akong ibang hiling ng sandaling iyon, kundi siya lamang...
"Hoy saan nyo dadalhin si Lui, sino kayo?!"
Noah... tulong...
*****
Mula sa pagkakabaluktot at tagilid na higa ay pinilit kong i-angat ang katawan paupo.
Nang makaupo at naging komportable ang aking posesyon ay nag-umpisa na akong sumubok na makawala sa pagkakatali.
Sinubukan kong igalaw-galaw ang magkadikit kong mga kamay.
Ginalaw-galaw iyon at pilit na pinaluluwag man lamang iyon sa pagkakatali.
Ngunit sadyang mahigpit... Nanakit na lamang ang aking mga palapulsuhan ay hindi ako nakawala.
Nanghihina akong ibinagsak ang katawan sa sahig..
Tahimik akong umiyak habang unti-unting nawawalan ng pag-asa.
Ilang sandali pa ang lumipas ay nang muli akong makarinig ng mga yapak at kaluskos.
At nang mga boses lalake na papunta sa aking dereksyon.
Lalong dinagsa ng takot at kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang ngisihan at usapan ng mga ito..
"Batang-bata pa at sobrang ganda. Sigurado yan, kay boss ang unang bagsak n'yan. " Sa nakapiring kong mga mata ay tila navi-vision ko pa ang ngising demonyo nila.
Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko.
Muling nanginig ang mga labi ko at napapiksi ng iyak nang isa sa kanila ang nagtangkang hawakan ang aking pisngi..
"Maawa naman po kayo sa'kin, gusto ko na pong umuwi.." Ang nanginginig kong boses..
Tila ngayon pa lamang nagsi-sink in sa isip ko ang mga nangyayari sa akin at mga susunod pang mangyayari..
Parang dito na nga ang katapusan ng lahat para sa akin.
Para bang mula noon kakabit ko na nga ang hindi kaaya-ayang kapalaran.
"Huwag kang mag-alala.. Sa ganda mong yan kapag naging masunurin ka kay Boss, mapapaganda ang lagay mo.." medyo nilapit niya ang mukha niya..
Awtomatikong nangulot ang ilong ko..
"Pwede po bang makiusap Manong?Pwede po bang, ilayo-layo nyo konte mukha nyo, baka kase di na ako maabutan ng boss nyong buhay, nakakalason po ang hininga nyo.." Ang napapngiwi't nangungulot kong ilong na sabi..
"Abat loko tong babaeng to ah! Gusto mo bang ngayon pa--"
"Tama na yan! Gusto nyo bang makatikim kay boss?" ang ma-awtoridad na nitong sabi.
Sa klase ng pananalita nito ay parang siya ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo..
Narinig ko ang muli nilang paglayo..
May kung ilang sandali na rin ang nag daan...
Nang makarinig ako ng putok. Sunod-sunod..
Mga hiyawan at malalakas na kaluskos na tila kumosyon!
Takot na takot akong nagsumiksik sa isang sulok..
May kung anong malapelikulang black in white na nagflash sa utak ko..
Mga imahe ng dalawang batang babae..
Kasunod non ay ang pagsakit ng ulo ko..
Habang tumatagal parang pinipiga.
Dalawang babaeng tinangay ng armadong kalalakihan!
"Ate Alesha, help me!" ang sigaw ng bata sa isip ko.. Kilala ko ang batang yon...
"Ate Alesha," ang nanghihina kong usal..
Nakataas sa ulo ang nakataling kamay.
Sinusubukang takban ang aking tainga.
Sa ingay ng sunod sunod na putok ay sumabay ang mag linaw ng mga imahing alala...
Mga alaalang matagal sa tila pakakayelo at ngayon ay nahaplusan ng init..
Parang tulog na mantikang unti-unting nalulusaw sa matagal na pagkakaidlip..
Ang mga ala ala koy unti-unting nagbabalik!
"Ate Alesha... " ang paulit ulit kong sambit sa pangalan niya...
Habang patuloy sa pagtangis..
Pawis na pawis akong tila hinahapo sa mga alalang bigla na lang lumitaw sa utak ko...
Unti-unting nawala ang putukan...
Sa nanghihina kong diwa ay naulanigan ko ang mga yapak..
Ang pagbukas ng pinto ng kinaroroonan ko..
"Alesha! She's here. I found her." ang dinig kong anang boses babae...
Kasunod ng paglapit nito sakin at ang marahang pagtanggal ng aking piring...
Mula sa pagkakasalampak ko sa sahig ay may umalalay sa akin...
Kapag kuway niyakap niya ako ng mahigpit.
"Audrey, finally... " ang naiiyak nitong sabi...
Napangiti ako kahit nakapikit ang aking mga mata... I know her of course...
I missed her voice...
My ate Alesha...
And I'm glad she's still also alive...

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon