Chapter 29

576 25 0
                                        

~Audrey Lui~


Nanghahaba ang nguso kong tinignan muli ang isang trending post na iyon sa facebook.
"Di kayo bagay, promise!" ang kausap ko sa cellphone ko na akala mo'y maririnig ng mga ito ang sinasabi ko..
Nakairap akong bumuntong hininga..
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Hindi ko alam kung anong upo ang gagawin ko.
Hindi ko mapigilan ang inis ko.
"Hay! all out smile pa ang Tanda! Kala mo naman bagay sila!" ang inis kong bulong sa hangin.
Dahil lang sa post na 'yon nasira na ang araw ko!
Trending ang post na iyon kalakip ng intriga.
 Baka 'yon na daw ang babaeng nakapagpatibok at nakahuli sa puso ng mailap na young hunk billionaire na si Noah Olivarez.
May akbay itong babae at all out smile ang dalawa.
Yong babae halatang inlove na inlove.
Tas, si Tanda.... haaa! all out smile din talaga!
Kainis! Baka totoo nga yon!
Abot bunbunan ata ang ngiti niya e!
E, di wow!
"Nakalagay pa sa caption, bagay na bagay daw! tse! Hindi naman! hmp!-"
"E, kanino pala siya nababagay, sa'yo?" Tumalon ata ang puso ko!
"Ay Tandang malaki ang lawit!"
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang mula sa likuran ko ay nagsalita si Queen.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin..
Pilya ang ngisi niya.
"Malaki ba talaga?" Ang makahulugan niyang birada..
"Halata naman ang laking tao e, minsan bumubukol pa sa suot niyang slacks." Ang punong-puno ng kapilyahan niyang sabi.
Nakatutok rin ang mga mata nito sa hawak kong cellphone kaya agad ko iyong nilagay sa bulsa ng suot kong maong na jacket.
"Anong pinagsasabi mo d'yan?! Parang tanga-"
"Huwag mo nang e-deny at itago, clubs, nakita na ng mga mata ko!" Ang pakli nito sa'kin. Hindi mawala-wala ang ngisi nito.
Umupo ito sa katapat kong upuan at kumindat pa sa akin.
Nag-iinit ang mukha kong nag-iwas ng tingin sa kanya.
Imbes na palabulaanan at makipagtalo ay nanahimik na lamang ako.
No use.. Lalo akong di titigilan nyan.
"Akala ko ba, di mo siya matandaan at hindi ka interesadong alamin ang naging nakaraan mo sa kanya?" Ang anitong muli.
May halong panunukso ang boses nito.
Naumid naman ang dila ko. Oo ganon nga sabi ko noon.. Hindi rin kase ako makapaniwala nang sabihin nilang naging special siya sa akin.
Na malaki ang naibahagi niya sa nakaraan ko.
Na special nga siya sa akin.
Pagkatapos nga ng nangyaring pangingidnap sa akin noon, ay naalala kong lahat ang mga nakaraan ko.
Naalala ko ang pamilya ko. Ang pag-kidnap sa amin ni Ate, paglabas namin ng school.
Ang paghihiwalay namin.
Naiwan si ate sa malaking bodega na iyon kasama ng iba pang halos ay kapareho niya ng edad at laki.
At ako naman ay dinala sa isang lugar at isinakay ng barko.
Ang pagpalahaw ko ng Mommy at Daddy araw at gabi.
Ang patagong pagpasok nang kung sino sa madilim na silid na kinaroroonan ko.
Pag bulong nito na huwag akong maingay..
Ang pag akay nito sa akin sa palabas ng silid na iyon.
Ang pagtakas namin ng isa sa mga kumidnap sa amin ni Ate Alesha...
Ang pagtaob ng bangkang sinakyan namin sa pagtakas.. Ang pagtangay sa akin ng malakas na alon.. Ang paghahabol ko ng hininga habang nalulunod sa alat ng tubig at ang pagkaka-umpog ng ulo ko sa matigas na bagay.
Pati ang kirot na naramdam ko bago mawalan ng malay.
Hanggang doon lamang ang natatandaan ko.
At bukod don ay wala na akong matandaan.
Ang lahat ng alaala ko pagkatapos ng isendenting yon ay nawala at hindi ko na maalala pa.
Tanging si ate Alesha at mga kasamahan ko ang nagkwento ng mga nangyari sakin..
Lihim kong binisita ang isla Mabato kung saan ako namuhay bilang si Lui, ang pangatlong anak ni Mang Royet. Ang taong kasama sa pagkidnap sa'min ni ate at siya ring nagligtas sa akin...
Palihim ko rin binisita ang isla Monteverde at ang isla Magno na siyang alam kong naging saksi sa aking paglaki at may hawak sa nawawala kong memorya..
At hindi nga ako nabigo dahil sa paglipas ng maikling panahon ay unti-unting bumalik ang nakaraan ko at sa wakas ay nabuo ang aking pagkatao.
Maraming masasaya ang alaalang iyon, at marami ring malulungkot.
Hindi ko akalain at inaasahan na sa napakamurang edad ay magmamahal ako sa isang lalakeng parang kasing tanda na ng tito ko.
At kay Noah pa na mula pagkabata ay kina-iinisan ko na.
At kung bakit? Hindi ko rin alam basta naiinis ako sa pagmumukha niya..
Back then, he's the boyfriend of our adopted older sister, Violet.
At pakiramdam ko kase, mawawala ang ate namin sa amin, dahil sa kanya.
But I was just a little kid. Hindi ko alam ang mga bagay-bagay.
Ang alam ko, nagkalabuan ang dalawa nang umalis si Noah at sumunod sa pamilya nito sa America.
Mula noon ay hindi ko na siya nakita pa.
Nakita ko na lamang ito sa isla Mabato.
Kaya pala ganon na lamang ang pagka-pamilyar nito sa akin.
"So, natatandaan mo na siya?" Hindi ako sumagot, agad... Huminga siya ng malalim..
Kimi ko siyang tinignan.
"Matagal ko nang naalala... Pero wala naman akong nararamdamang kakaiba para sa kanya.." Pagkakaila ko.. Syempre deny ako.. Ano ako, tanga para umamin?
Ay ko nang maging kaawa -awa!
Masakit ang naging huli kong kita kay Noah bago ako kunin at kidnapin ng mga lalaking pinagkakautangan ni Nanay.
Nadatnan ko ito sa bahay niya na kasama ang artistang bisugong iyon.
Pareho silang nakatapis na parang kakatapos lamang gumawa ng himala.
Narinig ko rin usapan nila... Ang balak ni Noah na gawin akong alila kapalit ng isang milyon na dininggoy ni Nanay sa kanya.
Mahigit dalawang taon na rin ang nakakaraan. Pero nakalimutan ko na ba siyang talaga?
Marahil hindi pa nga, nakakaramdam pa rin kase ako ng kirot sa tuwing maalala ko siya at matinding sakit at pagkainis sa tuwing makikita ko siyang mag kasamang iba..
Pero pasasaan bat magiging okay rin ako, completely... Yong tipong magigising ako na kahit konte ay wala na akong maramdamang bitterness...
Saka di ko pa talaga siga lubusang kilala..
Babaero pala amp!
Well, ilang beses na itong naging laman ng balita at ng social media..
Ilang beses ng natsismis ikasal pero hindi rin naman natutuloy.
Astig si Tanda, may edad na pero nag-aasal bata pa! O, baka sadyang play boy lang talaga siya?
"Kung wala ka nang nararamdaman kay Noah, baka may pag-asa na ngayon si Rocky sayo." Ang kindat nitong asar sa'kin napapailing nalang ako..
Nakilala at nakasama ko si Rocky sa headquarters nang isama ako roon ni ate upang hasahin..
Natalo ko rin ito sa duwilo.. Ang sabi nila tulad ni Ate Alesha ay hindi pa ito natatalo sa kahit anong laban..
"Ano may pag-asa?" Ang untag nito sakin.. Hilaw akong ngumiti..
"Tignan natin, siguro..mabait naman siya at gwapo rin.." Ang kibit balikat kong sagot.
Ngumisi siya. "Bagay kayo ni Rocky.. "Ang habol nito na kinangiwi ko..
Napalingon kami sa pinto ng makita ang pag-pasok roon si Diamond at spade..
Tuluyan na kaming nanahik ni Queen.
Nakahinga naman ano ng maayos nang hindi na pa nagsalita si Queen..
Pinatawag kaming lahat sa isang pagpulpukong...
Pag-uusapan namin ang plano sa mangyayaring event..
Malaki ang posibilidad na kuning oportunidad ito ng kung sino mang gusto pumatay sa anak ni Mr. Nakamura..
Pagkakataon iyon ng mga kalaban upang umataki.. At kailangan maging handa at alisto sa pag-atake ng kalaban.. Dahil ako ang magpapanggap at kukuha ng lugar nito sa naturang event na iyon..
At pagkakataon rin namin para hulihin at mahulog sa bitag ang mga taong gustong pumatay sa anak ni Mr. Nakamura.. At ang event ang napakalaking daan kapag nagkataon para mawakasan na ang kasong ito..
Queen will be my back up. Spade will be watching over me somewhere, with her long rifle. She's the sniper, though. A very good one.
May pinadalang tao ang Nakamura corp upang makipag-bidding...
Nakamura corp din ang makikipagtawaran para sakin... Syempre hindi naman ako papAyag na basta na lamang sumama sa kung sinong makakakuha sakin sa bidding na iyon...
Inihanda na ang lahat..
Mula sa susuotin kong gown, maskara at ang magiging itsura ko sa naturang event.
~Noah~
"Saan ka na ba? Kanina pa kami a!" Ang agad na bungad at iritadong boses ni Matthew.
Huminga ako ng malalim.. Inabot ko ang balat at makintab na itim kong sapatos mula sa shoe shelf.
Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng tainga ko't balikat habang sinusuot iyon..
"Heto na nga babe, paalis na ako.Masyado ka namang apurado.." Ang sarkastiko kong sagot sa kanya..
Napapakunot ang noo ko pagtatalak nito....
Dapat sana ay nasa isla ako e. Pero pinagkaisahan nila ako.
Pinilit nila akong pumunta
Bukod daw kase sa auction na magaganap, ay marami ring dadalong mga magagandang babae na galing sa mga kilalang pamilya hindi lamang sa loob ng bansa maging sa ibang panig ng mundo..
Pangalawang taon pa lamang ito ng event..
Pipili taon-taon ng 10 companies na magbibigay ng representante para sa auction.
Napapailing na lamang ako. Hindi naman ako interesado sa kahit kaninong babae e.
Wala na akong balak pang mag-asawa.
Tanggap ko nang tatanda akong mag-isa..
Yeah.. that's right....
Mas gugustuhin ko pang tumandang mag-isa kung hindi rin lang siya ang makakasama ko sa pagtanda ko.
Dadalo lang ako para manahimik na ang kaluluwa ng mga gago!
At para rin bilang suporta sa company ni Matthew.
Isa ang Mondragon corp. sa mga napiling lumahok sa gagawing auction.
At ang kapatid ni Amber Via, asawa ni Vince na si Amilyn ang siyang magiging representante ng kanilang kompanya..
Wala rin naman kase itong mahatak upang lumahok..
Ang kapatid nitong si Shielo ay ikakasal na..
Parang nakikinita ko na kung sino ang kukuha sa kanya, at maglalagas ng milyones para makasama lamang siya ng isang Linggo..
Mukhang may isang Linggong bangayan na magaganap nito!
Napangiti ako. Naihanda ko na ang tseke kong naglalaman 50k na donasyon ko.
Hanggang dyan lang ang kaya kong bitawan.
May foundation naman ang aking kompanya, at mas nakatuon roon ang pagtulong ko.
"Bilisan muna nga dyan, malapit ng mag-umpisa o! Nandito na kaming lahat.." Iritado na ito... Para bang hindi mag-uumpisa ang auction ng wala ako sa klase ng tono nito..
Napapailing na lang ako sa kakulitan ng mga gago!
"Oo na, heto nga't paalis na ako." Ang kako habang may pagmamadaling sinuot ang aking relo..
I heard him tsked, na kinangisi ko lang.
Hindi ko na inantay pang sumagot siya.
Agad kong pinatay ang cellphone at nilagay sa bulsa..
Binuksan ko ang maliit na drawer at hinagilap ang susi ng sasakyan ko.
Sa condo ko sa Makati ako ngayon madalas na naglalagi.
May bahay naman ako,pero mas gusto kong sa condo na muna ako tumira..
Mas nakakaramdam kase ako ng lungkot at pag-iisa kapag nasa malaking bahay ako..
Totoo nga yong kasabihan nila, hindi lahat ay kayang tapatan at bilhin ng pera..
Ako nga may malaking bahay pero wala naman akong anak at asawa.
Mukhang multo na nga lang talaga ang makakasama ko ron sa habang panahon!
Pagkabuhay ko ng makina ay agad kong pinaandar iyon at kinabig ang manibela.
****
Papalapit pa lamang ako ay natanaw ko na silang lahat..
Kasa-kasama ang kani-kanilang mga asawa..
Buti na lamang at may mga kasama rin akong mga single.
Si Klient at Alfred Miguel... Dumating rin roon si Sidrex, Lannion at Paul.
Atleast kahit paano ay hindi magiging boring ang gabi ko.. Hindi na lang ako puro tingin at inggit sa mga kaibigan kong kung makakapit sa mga asawa parang mga tuko.
Bawat kalahok ay binigyan ng pahapyaw na pagkakakilalan..
"From Jhon's group of companies... She's the daughter of the most biggest shares holders in company, 5'7 in height. She loves ballet dancing.. Let's welcome the representative of jhon's group of companies.!" Ang puno ng buhay ay siglang pagpapakilala ng mc..
May matagisan din ng natatagong talento saka isasalang sa mismong auction..
Kitang-kita at halata sa bawat kalahok ang excitement nila.. Kahit pa natatakpan ang mga mukha nila ng maskara.
Maliban na lang kay Amilyn at sa pinakilalang anak ni Mr. Nakamura.. A very rich known Japanese business man. Pawang tahimik ang mga ito sa kinatatayuan...
Pagkatapos ipakilala ng pahapyaw ang mga kalahok ay pinabalik na ang mga ito sa likod ng stage...
Nasa pang anim si Amilyn.. Nagpamalas ito ng talento sa pagsayaw.. At si Klient na panay bulong ng mura at igting ng panga.. Dahil bukod sa tila badtrip ito sa nakikitang suot ni Amilyn na sexy and seductive red dress ay may isang lalaking nakipagtawaran talaga sa kanya hangang umabot nga ang mga ito ng 15 milyon.
Syempre hindi nagpatalo si Klient at siya ang nanalo sa bidding.
Patapos na rin ang bidding nang magpasya akong mauna na..
Nakaramdam na ako ng pagkainip.. Panay laklak na lamang kami ng mga kasama ko.
At bago pa ako tuluyang malasing ay binulungan ko na si Matthew..
"I have to go.. Maaga pa akong aalis bukas.." Ang paalam ko dito. Balak ko kasing maglagi ng ilang araw sa isla... At bukas ng maaga ang alis ko..
Nilabas ko ang tseke ko at nakisuyong e-abot na lamang ito sa head organization ng event..
Napangiwi pa ito nang makita ang laman ng tseke..
"Tindi mo talaga," ang anitong kinangisi ko lamang..
"What talent that you might be sharing with us?" ang tanong ng mc sa pinakahuling kalahok.
"I wasn't prepared for this talent portion show, but well, I could sing.." She giggled a little. Sounds familiar, tho..
"Singing a song.. That's maybe I could share with all of you.." She added.. Isa-isa ko nang nilapitan ang mga kaibigan ko upang makapag-paalam..
"Pagkatapos na pagkatapos ng auction ay aalis na rin kami.. Ayaw kong mapuyat ang asawa ko masama sa buntis.." Ang ani Vince. Sumang-ayon naman si Matthew na buntis din ang asawa...
Malalaki ang hakbang ko at may pagmamadaling tinungo ang dereksyon palabas ng hall..
Pero bago pa ako makaalis ay---
Bakit ba ganyan ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan
Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan ang iyong katangian
Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka sinta
Ewan ko bakit ba ganyan damdamin ay 'di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang ika'y makilala
Bakit ba ganyan kung minsan ay nauutal sa kaba
Kapag ika'y kausap na ngunit lumalakas ang loob
Kung ikaw ay nakatawa
Ewan ko bakit ba ganyan damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita ay makilala oh
Ewan ko bakit ba ganyan damdamin ay 'di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang ika'y makilala
A/N: Unedited pa po.. bukas ko edit..
Sa mga di pa dito nakaka join ng group page ko pa baka like nyo mag join... Search my fb account. Saturn Novel.. Sana wall ko po ang link naka public post. salamat saturnians... goodmornight

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon