~Audrey Lui~
Gabing-gabi na rin nang makauwi kami ng bahay. Nauna na akong pumasok sa loob. Samantalang nagpaiwan pa si Noah at kinausap ang pinaka-mataas sa kaniyang mga tauhan.
Dalawang tauhan naman niya ang nagtulong upang maipasok ang tambak na regalong binigay ng mga kaibigan nito.
Inilapag ng mga ito iyon sa sala. Napapasunod ang tingin ko. Sa dami no'n, naka ilang balik rin ang mga ito. Naagaw na naman ng pulang paper bag ang pansin ko.
Siguro sa kadahilanang naalala ko si Ate Alesha.
Paborito nito ang matingkad na kulay pula. Wala sa loob na napalapit ako roon. Dinampot ko iyon at binuksan.
Tatlong pares na damit ng baby. Kulay puti iyon at pang unisex ang desinsyo.
May nakita rin akong dalawang feeding bottle. Napangiti ako.
Hindi ko akalain sa itsura ng Mamang 'yon ay magagawa nitong makabili at makapili ng ganito ka-cute na mga damit.
Sobrang nakakatakot kasi ang aura ng lalaking iyon.
Guwapo naman siya pero, iba kasi ang dating ng aura niya. He really looks dangerous.
'Yong klase ng taong ayaw mo na lang masagi kahit na konte.
'Yong tipong tikhim pa lang niya ay manginginig ka na? 'Yong taong tipong walang alam kun' di mamilipit ng leeg?
Gano'n na gano'n ang aura niya.
But look at these things that he bought, parang tatay na tatay ang dating.
Kinuha ko pa ang feeding bottle sa loob at inilabas. Gusto ko rin inspeksyonin ang desinsyo.
I was amazed by the clothes, so bigla nagkainteres akong tignan din ang feeding bottle.
Ang malawak na ngiti ko ay biglang nawala nang may makita ako sa loob ng isa sa mga botelya.
Nag-init ang mga mata ko. Agad ko iyong binuksan. Inilabas ang laman no'n.
Iyon ang kuwentas ko. Tinanong ko noon si Noah tungkol dito ngunit sinabi nitong nasa kamay na iyon ni Ate.
Kinuha ni Ate ang kuwentas ko. At ngayon....
Bigla akong kinutuban. "I met this person in the underground. I hate him, He used me. But I leaned to love him." Siya kaya?
"Next time, dalhin mo ang asawa mo nang makilala naman namin!" ang kantyaw sa kanjya kanina.
Ngunit bago ito sumagot ay nakita kong tinignan niya ako na bahagya kong pinagtaka.
Nanginig ang labi ko. Please... sana hindi mawala ang pag-asang biglang inasam ng puso ko.
Posible naman kase iyon, ang babaing natagpuan palutang lutang ay hindi na makilala ang mukha.
Though, damit ni Ate ang kaniyang suot. Ang suot lahat ng bangkay na iyon ay pag-aari ng kapatid ko. Kaya nga akala nasa isip namin na wala na nga siya.
Mahirap makalimot maraming pagkakataon na kahit sobrang saya ko, natitigilan na lamang ako.
Bigla ko siyang maaalala at kusang tumutulo ang luha ko.
An now, here is a fvcking clue, giving me a thin light of hope.
Malakas ang pintig ng puso ko.
May nagbubulong sa akin na buhay siya....
Parang naririnig ko pa ang boses ni Ate noong panahong puspusan ang training ko, sa base.
"Always trust your intuition, you're good at reading situations, Lui. Do'n kita mas hinahangaan. Solving puzzle and reading clues."
BINABASA MO ANG
Onschatbare Liefde
RomanceAudrey Lui Ramos isang dalagitang laking isla. Nagtataglay ng maamo at napaka-inosenting mukha. At sa mala-anghel na mukha nitong taglay, ay nagtatago ang isang matapang, pranka at buglar na personalidad. Unang kita pa lamang nito kay Naoh, ay nakar...