Chapter 12

583 22 0
                                        

~Lui~


Magtatatlong linggo nang wala si Noah. 
At kahit walang araw naman itong hindi nagte-text o tumatawag para mangumusta.
Ay di ko pa rin talaga maiwasang ma-miss siya ng sobra.
Kaya naman sa tuwing magve-vedio calls kami parang hirap akong magpaalam sa tuwing kailangan na niyang patayin ang tawag.
Lagi akong nasasabik na marinig ang boses niya kahit araw-araw naman kaming magka-usap!
Lagi nga nyang dahilan, tumawag lang daw siya para kumustahin kong okay lang ang lahat sa isla.
Sige. Pagbigyan. Deny to death pa siya!
Kundi ko lang alam at feel, dahilan niya lang iyon at ang totoo ay nami-miss nya lang din talaga ako tulad nang pagka-miss ko sa kanya!
Sa makalawa na ang birthday ko. Gusto kong banggitin sa kan'ya. Pero nauunahan ako ng hiya! Baka magulat na lang ako, may dala siyang house and lot galing ibang bansa para regalo sa'kin! Char!
Pero naalala ko, Hindi pala naisasakay sa eroplano ang bahay at lupa!
Saka ko na sasabihin sa kan'ya, pagdating niya! Yayain ko na lang siyang kumain!
Wala pa akong natatandaan na pinaghanda nila ang birthday ko. Bukod sa minsang dinala ako ni Tatay sa karenderya at dôon kumain. Hindi sumama sila Nanay. Sayang daw pera!
Pero kung sa sugal--- hmp!
May tinabi naman akong pera para roon. 
Maghahanda ako kahit man lang konting salo-salo sa bahay. Magpapansit na lang kaya ako?
Ah! minsan lang naman sa isang taon!
Isa pa medyo malaki-laki naman ang naitabi ko na mula sa kita ko!
Yayain ko kaya sila Nanay at Tatay na magpunta sa kabihasnan? 
Kahit kumain lamang kami sa karendeya don. 
Pwede rin namin daanan si ate Mary para isama at makadalaw na rin.
Napatingin ako dala kong plastik bag na may tupper ware ng ulam sa loob.
Napangiti ako. Matutuwa nito si Tatay. Kase may masarap na ulam na naman akong dala.
Noong nakaraan ay nag-uwi rin ako ng isang kahon ng dunkin donut. 
Tatlong box kase nag binigay ni Noah na pasalubong sakin. 
Binigay ko kay Jeylai ang isang box para sa kanya at sa mga kapatid niya. 
Naiyak pa nga siya nang iabot ko dahil 'yon lamang daw sila makakatikim ng masarap na donut ng mga kapatid niya.
Kaya sa susunod sasabihan ko na si husband ko na magdala ng marami!
I giggled with the thought calling him as my husband!
Kinikilig ako! Parang may kung anong nagliliparang kusilap sa tiyan ko. 
Isipin ko lamang na maaring maging posible ang pangarap kong maging asawa ni Noah.
Nagluto si tita Babes ng ulam at sinadya niyang damihan para may maiuwi rin ako. 
So, imbes na Lui Ramos, ay Lui Ramos Olivarez na ako. 
Yeah, bagay! Tunog yayamanin na! Day dream na naman Lui!
Kapag ganitong wala si husband ko sa isla ay maaga akong umuuwi ng bahay. 
Wala naman kaso yon kay tita Babes. 
Kaya lang naman ako ginagabi ng uwi kapag nariyan si husband ko ay dahil yon ang kagustuhan ko. 
Gusto ko kase talaga siyang makasama ng matagal.
 Kaya nga kapag hindi nauwi si Nanay mula sa kabisira ay talagang sobrang saya ko. 
Malaya akong makakatulog at makapananatili sa isla Monteverde!
Nasa bukana na ako ng tarangkahan ng aming munting kubo nang marinig ko ang matinis at masayang boses ni ate Mary. 
Pati ang ngisi ni Nanay ay umabot din sa aking tainga!
Nagkakasiyahan ata sila. 
"Walang hiyang batang iyon! Tinataguan pa ako ng pera! Ang lakas ng loob!" Kinabahan ako sa narinig kong turan ni Nanay! 
Hindi ko makontrol ang biglang alon ng dibdib ko. 
Hindi kaya natagpuan niya ang pinakaiingat-ingatan kong pera na tinabi ko para sa birthday ko?
Agad akong napasugod sa loob.
"Kaya nga Nay e! Tignan nyo ang dami niyang magagandang damit saan niya kaya pinagkukuha ang mga ito?!" Ang dinig kong palatak ni ate Mary. 
Nang makarating ako sa loob ay naabutan ko na itong suot ang isa sa mga bistidang binili ni Noah para sa akin. 
Mangha-mangha siya sa ganta ng mga damit na nasa damitan ko. 
Iniikot-ikot pa niya ang bestidang suot. 
"Kunin mo na lahat 'yan dahil sayo yan nababagay." Ang dinig kong ani Nanay. 
Agad akong naalarma at nakaramdam ng pagtutol!
Hindi pwede! regalo lahat iyon ni Noah sakin.
 Importante sa akin ang mga bigay nito!
"Yes! Akin na lahat ito!" Ang masaya niyang bulaslas. Bigla ang siklab ng inis ko. 
Napalapit ako agad at hinablot sa kanya ang ilan nang damit na nakasampay sa kanyang braso. 
"Hindi mo pweding kunin yan dahil akin yan!" Ang medyo galit kong sabi. 
Pero isang malakas na sampal ang dumapo sa akin mula sa palad ni Nanay.
Parang namanhid ang pisngi ko sa lakas nun. Agad na nag-ulap ang mga mata ko habang sapo ang nasaktang pisngi!
"Walang hiya kang bata ka! Lumalaban ka na?!" ang pagduro nito sa mukha ko.
"Pati ang pag-iintriga mo ng sweldo mo kulang-kulang? Nangungupit ka pa?" Ang galit nitong akusa sa akin. Diniin pa ang hintuturo nito sa sintido ko!
Sweldo ko 'yon, karapâtan ko naman kung magtabi ako kahit paano para sa akin. Lahat nga halos ng kita ko araw-araw ay binibigay ko naman. Maliit nga lang ang tinatabi ko kung tutuusin. Hinati ko sa dalawa ang aking taguan. 
Nakita kaya nilang lahat ang itinabi kong pera? Damitan ko lamang ang hinalukay nila kaya siguradong ang perang tinabi ko para sa kaarawan ko ang kanilang nakita. 
Hindi nila maaring makuha lahat ng perang tinatabi ko. Lalo na ang pera kay Tatay. 
Napapansin ko kase na panay ubo na nito. 
Kaya nga madalas ngayon ay inaaway ko siya kapag nasusobrahan sa pag-inom!
Hinihimok ko rin itong bawas-bawasan na ang pag-inom bago pa ito magkasakit ng tuluyan!
Minsan ay nakikinig naman ngunit may pagkakataon na hindi pa rin ito makatiis at talagang lumalaklak ng alak halos maghapon. 
Sa katigasan ng ulo ni tatay ay di malayong baka nga magkasakit ito. 
At pinaghahandaan ko iyon kung sakali. 
Kung halimbawa kailangan nito ng pambili ng gamot o, dalhin sa ospital ay may mahuhugot ako kahit papaano!
Nakita ko ang pag-ngisi sakin ni ate Mary.  Nang-uuyam!
"O-okay lang po sa'kin na kunin nyo ang lahat ng pera. Pero hindi pwede ang mga damit na bigay sa akin. Mahalaga po ang mga ito sakin. Bigay po yan ng amo ko." Ang medyo matigas ang boses kong sabi. 
Napahigpit ang hawak ko sa mga damit ko. Tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. 
Muling dumapo ang palad niya sa pisngi. 
"Aba talagang matigas ka na? Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na manduhan ako, ha?!" Ang muling duro nito sa mukha ko kasunod ng paghila nito sa buhok ko. 
Hindi ko pa rin binitawan ang mga damit ko. Kahit ilang beses nila akong saktan. 
Hindi ko hahayaan na makuha nila ito.  Bigay sakin lahat ito ng magiging asawa ko, baka hanapin niya.
Really Lui? Mawawalan ka na ng pisngi at anit kalandian pa rin ang nasa utak mo!
"Mary, kunin mo ang mga damit na yan!" Ang matigas na utos ni Nanay kay ate Mary.
Lumawak ang ngisi ni Ate at akmang lalapitan ako para kunin ang damit ngunit niyakap kuna iyon at umiwas.
"Wala kayong karapatan kunin lahat ng pinaghihirapan ko! Lahat ng gusto niyo sinusunod ko! Pero hindi ako papayag na pati katiting na bagay na ito na bigay ng taong pinibigyan ako ng impotansya ay kukunin nyo pa s akin!" Ang turan ko sa pagitan ng aking pag-iyak! 
Nanlilisik ang mga mata ni Nanay na hinablot ang buhok ko kaya agad akong napasigaw!
Subrang sakit! Sobrang higpit ang hawak niya sa aking buhok. 
Parang matatanggal ata ang aking anit!
"Wala kang utang na loob, sumasagot ka na! Lumalaban ka na hayop ka!" Ang galit na galit nitong sabi. 
"Kung ano man ang naibibigay mong pera sa akin ay kulang pa iyon! Pinapalamon kita at pinapatuloy sa tirahan ko! Anak lang kita kaya wala kang karapatang umangal sa akin!" Ang gigil nitong sambit. 
Hinarap nito ang aking mukha. Habang mahigpit pa rin ang hawak nito sa aking buhok.
Nag-aapoy ang mata niya sa galit. Napailing-iling ako habang walang humpay pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.
"N-nay m-maawa naman k-kayo sa'kin..." Ang hikbi kong maawa sa kanya. Hinawakan ng isa kong kamay ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa aking buhok. 
Pero imbes na maawa ito sa akin ay binigyan akong muli ng mag-asawang sampal!
Naramdaman ko ang pagputok ng gilid ng labi ko. Nalasahan ko ang sarili kong dugo. 
Hinila niya ako palabas ng bahay. Hinatak niya ako sa buhok at kinaladkad palabas.
Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa aking anit. 
Pakiramdam ko ay matutuklap na nga ata iyon. Sobrang sakit at hapdi man ang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
Ngunit never kong bibitawan ang mga damit ko. 
Palakas ng palakas ang hiyaw ko habang kaladkad pa rin ako ni Nanay. 
Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang sila kalupit sa akin. 
Kung sakaling totoong ampon man ako at di nila ako kadugo, makatarungan ba na ganito ang maging trato nila sa akin?
Ginagawa ko naman lahat para hindi maging pabigat at makatulong sa pamilyang ito.
Ginagawa ko lahat para kahit paano ay mahalin rin nila ako!
Malaki pa nga ang naiibigay kong pera upang kahit paano ay maging maayos ang pamumuhay namin.
Ngunit mas pinipili ni Nanay na ipangsugal ang mga perang iyon!
"Maawa naman kayo sa akin, Nay." Ang hiyaw ko sa pagitan ng aking pag-iyak. 
"Ito talaga ang aabutin mo sa akin sa tuwing magmamatigas ka!" She smirked. Her eyes on me are burning..
Kung nakakapaso nga ang talim ng mga mata niya ay nalapnos na ang balat ko!
At kung nakakabali lamang ng buto ang gigil niya ay baka kanina pa ako nagkapera-piraso!
"Solidad!" Lumakas ang hikbi ko nang marinig ang boses ni Tatay. 
"Ano bang ginagawa mo kay Lui?! Bitawan mo siya!" Ang galit nitong utos. 
Nakaramdam ako ng pag-asa. Kahit paano alam kong matatapos na ang paghihirap ko sa kamay ng aking Ina.
Agad niyang inawat si Nanay.  Nang pilitin nga nitong tanggalin ang kamay ni Nanay mula sa mahigpit na pagkakasabunot sa akin ay halos ayaw nitong bumitaw!
"Ano ka ba! Bitawan mo si Lui! Hindi ka na nahihiya. May mga bisita." Ang ani Tatay. Parang natigilan naman si Nanay pero nang bitawan ang buhok koy pinaabutan pa ako ng isang sampal!
"Subukan mong sumagot-sagot muli sakin babae ka! Kakalbuhin na kita! Pwe!" Ang banta nita sakin. Agad namang hinarang ni Tatay ang sarili sa akin.
"Huwag na huwag mo yang gagawin, Solidad! Tumigal ka na! Sumusobra ka na kay Lui!" Ang kundina ni Tatay sa kanya. Kahit paano ay nakaramdaman ako ng kaginhawaan. Kase sa totoo lang, sa lahat ng pananakit sa akin ni Nanay ngayon lamang siya nagsalita at nanlaban. 
But She just smirked! Nang-uuyam ang ngisi nitong binalingan ang Tatay.
"Magaling... Taga pagtanggol ka na ngayon ng babaeng yan! Kung sabagay, ikaw naman ang nag-uwi nyan satin sa kung saan mo man lupalop nakuha--"
"Tama na! Binabalaan kita Solidad! Dudugo sa akin ang nguso mo!" Ang galit ang madiin na babala sa kanya ni Tatay. 
Natigilan naman ang Nanay. Nakita ko ang saglit na pagbabago ng kanyang mukha.
Kahit si Ate Mary ay lumayo. 
Medyo nagulat  nga rin ako't sa unang pagkakataon ay tila natakot si Nanay kay Tatay.
Nakita ko kase nang pagtiim ng mga panga ni Tatay at ang higpit na kuyom ng mga kamao niya. 
Napalunok ang Nanay at parang dumaan ang takot sa mga mata niya. Saglit lang naman iyon at bumalik muli ang 
nang uuyam na ngisi niya. 
Binalingan niya ako. Nasa bandang likuran ako ni Tatay pero sinilip pa niya ako. 
"Wow... Masaya ka na? Kakampi mo ang Tatay mong walang silbi!" She devilishly looked at me! 
"Magsama kayo ng ama mong inutil!" Ang gigil nitong sabi sa aking. 
Galit na umalis si Nanay kasama si ate Mary. 
"Okay ka lang ba, Anak?" Ang agad na tanong ni Tatay. Agad dumapo ang mga mata niya sa pumutok kong bibig.
Nakita ko ang awa sa mga mata niya para sa akin.
"Pag-pasensyahan mo na  lang anak ang mangkukulam mong, Ina. Baka natalo na naman iyon sa sugal." Ang tila pagtatahan nito sa akin. Napa-punas ako ng aking mga luha. 
 "Hindi nyo po ba talaga ako anak Tatay?" Ang masama kong loob na tanong. Muli akong napahikbi. 
Parang muling nanakit ang lalamunan ko. Dumaloy muli ang luha ko.
Bahagyang natigilan ang Tatay. Sana sabihin niyang anak nila talaga ako! 
Kahit malaki na ang nagpapatunay na hindi ko talaga sila kadugo!
Yong tipong suntok sa buwan at pawang katangahan lamang ang tanong na iyon!
Dahil alam na naman ng sarili ko ang nagsusumigaw na sagot!
Patunay na dyan ang turing sa akin ni Nanay. Sa aming magkakapatid, sa akin lamang iba ang turing nito!
Ang turing niya sa akin ay ibang tao!
Hindi ko kamukha ang mga kapatid ko! Panganay daw si ate Mary sa akin ng isang taon. 
Ngunit pareho lamang kami ng hieght! Nagsusumigaw na ang katotohanan ngunit takot ko itong tanggapin.
Kase kung iisipin ko. Kung hindi talaga nila ako anak, e, sino ang mga magulang ko?
Tumikhim si Tatay. Hindi ka obvious tay, tagal mong sumagot e!
"Syempre anak kita! Hindi mo lang kamukha ang Nanay at mga kapatid mo dahil s akin ka nagmana!" Napaurong ang leeg ko! Sa kanya ko raw nakuha ang itsura ko?Ang pagmamalaki pa nito. Pero obvious na hindi nagsasabi ng totoo. Umiwas ng tingin e! 
Pero sa kanya ko ba talaga namana ang itsura ko?
Ngek! di nga? 
Parang hindi naman!  Kahit medyo kayumanggi ang kulay ko ay litaw na litaw pa rin ang natural na ganta ko. 
Hindi naman pweding magka-anak ang shokoy ng sirena hindi ba?
Itong si Tatay, hindi  pa naman amoy alak ngayong araw to pero mukhang lasing na lasing na!
Magkakasunod na mahinang tikhim ang nagpalingon sa amin. 
Napalunok ako't nagbaba nang tingin ng makita si Ivo kasama ang dalawa pa nitong kaibigan. Napahawi rin ako sa gulo-gulo kong buhok. Inayos ng mabilis at ewan ko kung maayos nga ba!
Tulad dati may dala na naman ang mga ito ng alak. 
Hindi ko alam kung ano ang uunahing kong maramdaman. 
Halo-halo ang aking emosyon. Andon yong nahihiya ako sa kanila.
Nakalimutan kong kasama pala silang dumating ni Tatay. At alam kong nasaksihan nilang lahat ang mga nangyari sa pagitan namin ni Nanay.
Masyado akong nag-focus sa lungkot at sama ng loob na biglang umalipin sa puso ko!
Kaya nakalimutan ko na ang tungkol sa mga ito. 
Hindi ko rin alam kung maiinis ako! Iniiwas ko kase si Tatay sa inom pero sa tuwing pupunta naman ang mga ito sa amin ay may dala-daling case ng serbesa at ini-ingganyong lumaklak ang Tatay ko!
A/N : Unedited.

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon