~Lui~
Kinabukasan ay hindi ko nagawang pumasok sa trabaho.
Namamaga ang mukha ko, pati ang labi ko.
May malaking pasa nga rin ako sa braso na hindi ko na alam kung saan ko nakuha.
Basta nakita ko na lamang iyon sa braso ko ngayon umaga.
Pinagpasalamat ko na lamang na umalis na si Nanay kasama si ate Mary.
Nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib ko.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay naramdaman ko ang hapdi rin nun.
Lintik! Pati mata ko naging singkit sa pamamaga.
Umiyak ako nang umiyak kagabi.
Kahit nga nang tumawag si Noah ay hindi ko nagawang sagutin.
Baka kase mahalata niya sa boses ko na hindi ako okay, at isipin pa niya ang tungkol sa akin.
Wow! Iisipin ka ba talaga? Buska ko sa sarili!
Masyado ata akong nagiging assuming lately!
Sensya na! Hindi maiwasan! Damang-dama ko talaga ang pagiging asawa niya!
Hindi pa nga nangyayari sa totoong buhay. Pero ang lintik na imahinasyon ko?
Shit! Nagwawala na!
Sa namamaga at mahapding mga mata ay hinagilap ko ang cellphone ko.
Buti na lamang ay hindi ito nalaglag sa pagkakasukbit ko sa baywang ko kahapon.
Akala ko nga mahuhulog ito habang kinakarate ang mukha ko ni Nanay.
Napadalangin nga rin ako na hindi ito makuha sa akin.
Dahil kung nagkataon, alam kong pati ito ay kukunin sa akin.
Pinindot ko ang gitnang button.
Umilaw at ang phone ko at tumanbad agad ang mukha ng mahal ko.
Napangiti ako.
Ilang sandali kong tinitigan ang mukha niya.
Na para bang hindi umaapoy sa hapdi ang aking mga mata.
"Hindi ka talaga masakit sa mata, huband ko!" Ang nakangiti kong kausap sa larawan niya.
Nagagawa ko pa talagang ngumiti ng ganito. Sa kabila ng nangyari sa akin kahapon.
Makita ko lang ang gwapong-gwapo nitong mukha gumagaan ang pakiramdam ko.
Nang sa wakas ay makontento ang mga mata ko sa kakatitig sa kanya ay tuluyan ko nang binuksan ang cellphone ko at muling pinasadahan ang palitan namin ng text messages kagabi.
"Lui.. Please, pick my call." Ang unang text nito. Hindi ko iyon na-reply-an kaagad.
Naka-ilang tawag ito sa akin ngunit hindi ko nasagot.
Siguro tumatawag siya nong time na nakikipag-digma ako kay Nanay!
Char!
Hindi ko syempre pansin kase bukod sa kinakarate ako ni Nanay, e nakasukbit pa ang cellphone sa baywang ko habang naka silent mode!
"Pasensya ka na husband ko, masakit kase ang ulo ko kaya nakatulog ako nang maaga." Ang pagdadahilan ko.
Pero imbes na mag-reply siya sa text ko'y, tumawag ito.
Napapikit ako. Medyo kinabahan ako.
Sasagutin ko ba? Pero alam kong kahit anong pantay ko ng boses ko, malalaman niyang umiiyak ako.
BINABASA MO ANG
Onschatbare Liefde
RomansAudrey Lui Ramos isang dalagitang laking isla. Nagtataglay ng maamo at napaka-inosenting mukha. At sa mala-anghel na mukha nitong taglay, ay nagtatago ang isang matapang, pranka at buglar na personalidad. Unang kita pa lamang nito kay Naoh, ay nakar...