Chapter 7

685 30 3
                                    

~Lui~



"Parang tanga naman to, tawa ng tawa!" Ang mahina kong sabi habang nanghahaba ang nguso kong nakatingin sa kan'ya.

Maluha-luha na ito sa kakatawa habang namumula ang buong mukha.

Di niya ako sini-seryoso!

Yong ngisi niya sa'kin nakaka-asar!

"Oh my God... You're really funny! I never laugh like this in mylife, ngayon pa lang.." Ang sabi nito sa pagitan ng pabuga-buga nito ng tawa...

E, di wow! Congrats naman atleast napatawa kita ng sobra-sobra!

Umirap ako sa hangin!

Pailing-iling ito habang hinihilot ang sintido!

Akala naman niya talaga e, nagbibiro ako!

Seryoso ako no!

Hmm pwes! Di kita titigilan hanggat di ka nagiging kumbinsido!

"Seryoso ako, ilakad mo'ko sa kapatid mo." Ang hirit ko pa. Pero tinignan lamang niya ako na parang di makapaniwala..

Yong itsura niya na parang natatawa naman!

Nakaka-inis na talaga! Di na siya nakakatuwa!

Pakiramdam ko, tingin niya sa akin e, clown!

Yong ngisi niya hindi mawala-wala tapos mapapabuga ng tawa at iiling ulit.

Pero syempre diterminado ako, ngayon pa! E, parang close na nga kami ni Kuya!

Di grab the chance na! Papayag din to siguro, need ko lang galingan para ma-impress siya!

"Seryoso ka ba talaga?" Kunot ang noo pero pigil na naman ang ngisi niya..

Sumimangot na ako!

"Oo nga! Promise!" Ang may inis ko nang sabi.

Ang kulit lang talaga e!

Tumikhim siya at medyo napaseryoso.

Siguro dahil nakita niyang naiinis na ako..

"Gusto mo talaga ilakad kita?" Grabe naman itong si Kuya pogi, ang kulit!

Ang pogi nga pero paulit-ulit parang may Alzheimer na agad! Trenta pa lang yan ha?!

"Kung ayaw mo kong ilakad, itakbo mo na lang ako para mas mabilis!" Nakabusangot ko nang sabi.. Ang kulit kase!

Isang dipa na ata ang nguso ko sa kakabusangot!

Pero tang*na na naman talaga, humagalpak ulit ito ng tawa!

Wala na ata akong pag-asa! Araw niya ata ngayon!

Masayang-masaya siya!

Nagmumukha lang akong tanga sa harapan niya!

Kaya dinampot ko na ang tasa ko at inisang lagok ang natitirang tsokolate rôon.

Malamig-lamig na pala, pero masarap pa rin.

Kung tatawanan lang niya ako ng tatawanan at di siseryosohin ay mas mabuti pang tapusin ko na lang ang paglilinis ko.

Tumayo na ako dala ang baso ko.
Tapos na rin naman siyang kumain e!

Tapos tawa siya ng tawa na parang sira!

Sige ka. Kabagan ka d'yan talaga!

"Oh, saan ka pupunta?" Ang mangha nitong tanong sa'kin pagtayo ko. Seryoso? Naluha talaga siya sa kakatawa?

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon