Chapter 32

569 27 0
                                    

~Noah~


Isang buwan na ang nakalipas nang mangyari ang masquerade ball event.
Naging laman rin ng ibat-ibang news outlets ang nangyaring kaguluhan.
Pati sa social media ay nagkalat ang ilang kuhang vedio sa loob ng event hall habang nagkakagulo.
May isang buwan ko na rin kinukulit ang head organizer ng naturang event.
And I was so pissed when they sent me the daughter of Nakamura instead of Lui.
Akala ng mga gago ay hindi ko kilala kung sino ang babaeng nabayaran ko sa nangyaring aunction.
Kaya sa galit at inis ko ay humantong pa na, nakipagtakutan ako sa kanila. 
Na ilalabas ko ang ginagawa nilang pangdadaya sa akin sa naganap na aunction.
Na kapag inilabas kong ibang babae ang binibigay nila ay mawawalan na sila ng kredibilidad sa susunod na event.
Personal ring nakipag-usap sa akin si Nakamura.
Humingi ito ng pasensya at pinagtapat sa akin ang katotohan sa pagpapanggap ng ibang babae sa katauhan ng kanyang anak.
His daughter received death threats. That her life is in danger.
Ayon dito'y sinadya niyang ipaalam sa publiko na anak niya ang magiging representative ng kanilang kompanya.
Dahil malakas ang kutob niyang kukunin daw iyon ng kung sino mang gustong pumatay sa kanyang anak bilang pagkakataon para tuluyang na nga itong mapatay.
But instead of sending his own daughter, ay isang secret agent ang kanyang pinadala.
I was a bit shocked. Secret agent? 
Ni sa hinagap ay hindi ko nakitang magiging secret agent ang mahal ko.
Ngayon tuloy, mas doble-doble ang takot ko sa napakadelikado nitong trabaho.
"Those people solved my daughter's problem. They saved her from her biggest fears." Ang aniya pa. 
Nahuli na rin kase ang mga taong nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng kanyang anak.
Nakiusap naman ito sa akin na kung maari ay ibang babae na lamang daw ang hilingin ko ngunit hindi talaga ako pumayag.
Sinabi pa nitong mas magagandang babae ang ihaharap nito sa akin upang aking pagpilian.
Pero lalo lamang akong nainis sa kanyang iminungkahi.
Pinagpilitan kong tanging ang babaeng nasa aunction ang gusto ko. 
Labis naman itong nagugulat at nagtataka sa tila labis kong pagkagusto sa babaeng nasa aunction.
Sa huli, nakangako itong gagawan niya ng paraan na mapapayag ang may hawak ditong agency.
"Curious na talaga akong makilala 'yang babaeng nagpatibok sa kuripot mong puso," ang mapang-asar na ani Kiel sa akin. Naghagikgikan ang mga gago. 
Sinamaan ko lamang ito ng tingin. 
Saka ko muling tinutok ang mga mata ko sa binuksan kong tv.
Nakatingin lamang ako roon pero ni wala akong naiintindihan sa palabas.
Isa pa mas nangingibabaw ang boses ng mga putang*na!
Hindi ko nga alam kung bakit narito ang mga gagong to e, kay aga-aga pa!
Pero kung sabagay, mula nang matapos ang event ay madalas akong wala at hindi nakakapunta sa mga get together namin. Naging abala kase ako sa napakaraming bagay.
"Bata pa pala 'yon no? Sa edad niyang 19 ang tangkad niyang babae a," ang komento ni Uno.
"Nakita mo ba ang mukha?" Ang curious na tanong ni Vince kay Uno. 
Napag-alaman kong inilabas agad nito ang asawa, pagkasiklab na pagkasiklab pa lamang ng gulo.
Ganon rin si Kiel at Matthew na agad daw inalalayan ang mga asawa palabas ng hall.
Tanging si Arielle Marie ang lakas loob na nanatili dahil hindi nito maiwan ang kapatid.
Ganon rin si Ashley na kung hindi lamang daw pinilit ng asawa na lumabas na lamang sila ay gusto rin nitong manatili at tumulong sa mga taong naipit sa gitna ng putukan.
Ayon sa mga itoy nakita nila ang buong pangyayari.
Kung paano nag-umpisa ang kaguluhan.
Kung hindi ako itinulak ni Lui ay maaring nahati raw ang katawan ko mula pag-atake ng kalaban.
Nakaramdam nga ako ng kilabot nang sabihin nila iyon sa akin. 
And Lui saved me. My love, my future wife..
"Hindi ko masyadong nakita ang mukha pero sigurado akong maganda siya." Uno's amazed voice.
Tinaponan pa ako ng tingin.. Pero di ko na lamang siya pinansin.
"Sinabi ko naman sa inyong maganda talaga 'yon, di ba?." Ang intrada naman ni Klient, tinanguan pa si Marvin. 
Nakangisi naman tumango si Marvin saka tumangga sa hawak nitong bote.
" Hindi yon babalik-balikan ni Noah sa isla kung hindi." Ang nakangising ani Klient na nakipag-apir pa kay Marvin.
"Pero mas matindi 'yong nakita namin." Ang mapang-asar na singit ni Carl sa usapan.
May nakakalokong ngising hinarap nito si Uno.
"Nakita mo rin ba, nang tukain siya ni Noah? Nakita namin ni Miguel. Dalawang beses pa 'yon!" Tumikwas ang kilay ko sa pagbibida ni Carl.
Binato ko siya ng unan pero humagikhik lamang ang gago.
Amused naman ang mga gago sa sinabing iyo ni Carl.
Lumapit na sa kanya ang ibang mga tsismoso.
"Hindi kaya natakot 'yon sa panunuka niya? Kaya ayaw nang makasama si Noah ng isang Linggo?" Ang ani Matthew
"Kahit pala hindi na niya makasama ng isang linggo e, at least nakatuka na siya ng dalawang beses." Ang komento ni Vince.
"Pero isang daang milyon mga pare! Naglabas ng isang daang milyon!" Napapailing na lamang akong tumungga sa bote ng alak na hawak ko. 
Parang mga bubuyog ang mga putang*na sa ingay!
Nabugaw lamang ang pag-iingay ng mga gago nang tumunog ang doorbell ng condo ko. 
Napakunot ang noo kong napatingin sa pintuan.
"May bisita ka pa bang hinihintay?" Ang lingon sa akin ni Kiel. 
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko siya sinagot.
 Tamad na tingin lamang ang pinukol ko sa kanya.
Kailan kaya aalis sa condo ko ang mga gagong to!
Gusto kong mapag-isa! 
Until now, I still feel my disappointment from not having Lui for a week. 
Pero hindi talaga ako titigil hanggat di ko siya nakikitang muli at nakakasama.
Akala ko pa naman, after ng event ay makakasama ko na siyang muli.
But I was wrong. Sinabi ko pa naman na hindi ko na siya pakakawalan, pero nakawala pa rin siya.
At sa tingin ko'y mas mahihirapan ako ngayon, ngayon na nalaman kong ibang mundo na ang ginagalawan niya.
Secret agent huh? Damn it!
Pinatong ko ang hawak na bote ng alak sa center table.
Mabigat ang katawan, akong tumayo at tinungo ang pinto.
Hindi ko rin alam kung sino pa ang darating sa condo ko.
I wasn't expecting anyone. 
Walang gana kong binuksan ang pinto.
Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko.
"Hi..." Kimi niyang bati sa'kin.
I froze. Literally. 
Nakatulala lamang ako sa kanyang napakagandang mukha.
Mas maaliwalas ngayon ang mukha niya.
Ni walang bahid ng make up. 
Ang kinang ng mata niya ay iba rin.
Para bang bumalik ang kinang nun sa dating Lui na nakilala ko. 
 "I was sent here by Mr. Nakamura, but I think you're busy so..." Napatingin ito sa likuran ko. 
Sa loob ng condo ko. Dinig ang bulungan ng mga bubuyog...
"I'll maybe back some other time--" 
"No! No! they're about to leave actually!" Ang agad kong sabi. 
Tila agad akong nahimasmasan nang sabihin nitong babalik na lamang siya sa ibang araw.
This is really shocking but my fvcking heart pounding so hard with happiness!
"C-come in.." Ang aligaga kong yaya sa kanya.
Damn! kainis bakit ba wrong timing narito pa ang mga putang*na!
Halatang pilit ang ngiti nitong sumunod na lamang.
Malalaki ang hakbang kong nilapitan ang mga gago.
Na nang mga sandaling iyon ay nanlalaki rin ang mga matang nakatingin ngayon kay Lui.
"Alis! Alis na kayo mga gago! May bisita ako at ayaw ko ng istorbo!" Mahina kong bugaw sa kanila. Pigil kong mapalakas ang boses ko.
Pero walang gumalaw sa kanila. 
" Hey, Lui! Nice to see you here! " Ang masayang bati agad ni Klient sa kanya. 
Nilapitan niya agad ito at inilahad ang kamay.
Tinignan iyon saglit ni Lui ngunit bago pa niya abutin ang kamay ni Klient ay pasimple ko nang hinila si Klient palayo sa kanya.
"Huwag mo nang hawakan, tang*na ka."  Ang anas kong babala sa kanya. 
Ngumisi naman ito sa akin. 
"Grabe naman pagiging possessive ng fafa Noah namin." Ang asar nito sa'kin na ginantihan ko ng nakakamatay na tingin.
"Walang hahawak kung ayaw niyong hindi na makabalik dito,"ang mahina kong bulong na babala sa kanila. 
Napahagikhik lamang ang mga gago sa banta ko.
"Hi Lui, still remember me? Marvin. " Ang magiliw na ani Marvin. 
Kimi itong ngumiti... 
"Actually, no." Ang sagot nito na kinatahimik ng lahat.
Tumikhim ito ng mahina.
"I have selective amnesia...And I don't remember any of you, even Noah." Napanganga ako sa nalaman.
Kaya ba sinabi nito sa event  na "I don't even know you?" pero bakit may isang bahagi ng puso ko ang nagsasabi kilala niya talaga ako?!.
That night in the event. On how she looks at me. I know there is something on it...
Na para bang kilala niya talaga ako.
"Wala palang naalala e, pwede natin chickahin!" ang dinig kong ani Uno na kinasalubong ng kilay ko.
Isa-isa nang lumapit ang mga gago at nagpakilala kay Lui.
Ni hindi alintana ang masama at nagbabanta kong tingin sa kanila.
"I'm Kiel, asawa ako ng pinsan ni Noah. Ako ang pinakamatino sa lahat!" Ang pagmamalaki nito at nilahad ang kamay kay Lui. 
Walang pag-alinlangan naman iyong tinanggap ni Lui habang napapangiting tumatango. 
"Matthew, pinaka-gwapo sa lahat at pinakamatino rin." Napapikit ako sa sinasabi ng mga gago!
"Uno, ako pinaka matino sa lahat! Numero Unong gwapo!" Ang pa-kingkoy nitong sabi na kinahagikgik ni Lui. 
"Huwag kang maniwala dyan, sabi ng asawa niya, siya ang numero Unong sinto-sinto!" Ang pangbabasag ni Klient sa kanya.
Mahinhin nitong tinakpan ang bibig dahil hindi nito mapigilan ang tawa ng dahil sa mga tarantado ngayon na nasa harapan niya.
Napapailing na lamang ako. 
Parang gusto kong hawakan sa kwelyo ang mga gago at isa-isang ilabas sa pintuan ng condo ko!
"I'm Carl, ako pinaka matalino at pinaka-matino talaga sa aming lahat. Ako rin ang pinaka-gwapo at habulin sa amin." 
"No comment!" Ang ani Klient muli na kinangiti ko na rin at kinailing. 
"I'm Vince, I am the genius! Ako rin ang pinaka-gwapo sa lahat!" Ang confident nitong sabi habang nakangisi.
"Pero sabi ng asawa mo, ako daw pinaka-gwapo kaya genuis ka lang!" Ang pangbabasag sa kanya ni Kiel.
Na kinatawa ng lahat. Kahit ako ay hindi naiwasang mapangiti.
Lalo na kapag naalala ko kung gaano nagselos ang gago nang malaman nitong malaki ang pagkakagusto ni Via kay Kiel noon.
Inakbayan ako ni Klient na kinakunot ng noo ko at kinasalubong ng mga kilay ko.
"At kung hindi mo maalala, ito si Noah, ang pinakamatipid at pinakakuripot sa lahat!" Nanlaki ang mga mata ko sa salitang lumabas sa bibig nito. Kinabig pa ako ng gago!
"Pero nagawang magbayad ng 100 million para sa'yo." Ang dugtong pa ng gago saka kumindat kay Lui.
Nakita ko naman na napa-froze ang ngiti nito sa narinig. 
Siniko ko si Klient ng malakas na kinaigik niya.
Naghihilot ng tagiliran itong humiwalay sa akin.
Puro kalokohan talaga ang alam ng gago!
Napangiwi naman si Lui sa ginawa ko.
"You said, you have selective amnesia, does that mean you don't even remember your relationship with Noah?" Ang walang gatol na pahabol ng gago. 
Napatiim bagang ako sa walang barang tanong nito. 
Pero nakakalokong ngisi lamang ang naging tugon ng gago sa nag-aapoy kong tingin sa kanya.
I saw her stunned. Napalunok siya... 
Napalunok siya ng ilang beses. 
Nakita ko ang reaksyon ng mga kaibigan kong tila naging kaabang-abang para sa mga ito ang magiging sagot ni Lui.
Tumingin sa akin si Lui na parang di makapaniwala sa narinig!
And shit! Parang sinuntok ang dibdib ko sa nakikita kong reaksyon niya!
Nilipat nito ang tingin kay Klient.
"R-really? Nagkaroon kami ng relasyon?" Ang namimilog ang matang tanong nito kay Klient.
"Bakit naman parang di ka makapaniwala? E, mahal na mahal mo nga yan si Noah boy!" Ewan ko pero nanahimik rin ako at parang kumakalabog ang dibdib ko habang naghihintay rin ng sagot nito.
Alanganin ang ngiti niya. At talagang shit dahil nasasaktan ako sa nakikitang reaksyon niya!
Bakit, hindi ba kapani-paniwala at hindi ba posibling magkagusto talaga ito sa akin?
Nakita ko ang muling paglunok nito ng ilang ulit..
"Pasensya na, hindi lang ako makapaniwala na nagkaroon talaga kami ng relasyon. 
Para ko na kase siyang tito. Actually, halos kasing-edad lamang niya ang tito ko..." Ang anito saka napakagat labi. 
Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ng mga gago!
Kaya bago lumala ang usapang edad ay pinagtabuyan ko na ang mga ito!
"Pwede ba umalis na kayo! Aalis na kayo di ba?! Alis na!" Ang pagtataboy ko sa kanila. 
Pinagtulakan ko na nga ang mga gago dahil tila wala pa talagang balak umalis ang mga sira ulo!
"Nice meeting you, Lui." Ang isa-isa pang sabi ng mga gago. 
Puro pilit na ngiti lang din at simpling kaway ng kamay ang naging ganti sa kanila ni Lui. 
"Tito Noah." Ang humahalakhak pa na ani Uno!
Nasa hall way na ang mga gago pero naririnig ko pa rin ang hagikhikan nila!
"Shut up fuckers!" Ang sigaw ko sa kanila na lalo lamang nilang kinatawa.
Namumula ata ang buong mukha ko sa pagkapahiya pero binaliwala ko na lamang.
Masaya pa rin ako at narito na nga siya sa harapan ko.
Nakahinga ako ng maluwag pagkasara ng pinto. 
At pagkaupo na pagkaupo namin dalawa sa sofa ay agad nitong inilahad ang sadya.
She was sent by Mr. Nakamura. To fulfill the agreement at the auction. 
That she will be with me for a week. 
She seems very professional. That she went here just for pure business. 
Nasasaktan ako. Pero wala naman akong choice di ba? 
She said, she's having selective amnesia at kasama ako sa mga taong hindi niya natatandaan.
Siguro ang tangi ko na lamang magagawa ngayon, ay gawin lahat ng makakaya ko.
 Para mahulog muli ang loob niya sa akin, o di kaya'y maalala man lang niya ako.
Pero kaya ko kaya iyon ibalik lahat sa loob lamang ng isang linggo? 
Damn! Mukhang maia-apply ko rin dito ang technique ng mga kaibigan ko.
"Buntisin mo agad para walang kawala!"
A/N: Unedited. Bukas ko na edit.

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon