Chapter 15

625 27 0
                                    

  ~Lui~


 Noong mga nakaraang araw ay punong-puno ng lungkot ang puso ko.  Ngunit sa isang iglap naman ay nag-uumapaw ang saya sa dibdib ko.
Minsan, namamangha pa rin ako kung paano nagagawa ni Noah na baguhin ng gano'n-ganon na lamang ang nararamdaman ko.
Kung paano nito nagagawang pagaanin at mapasayahin ang puso ko sa isang kisap mata lamang.
Na parang isang pitik lamang sa kan'ya.
Gano'n siguro talaga kapag mayaman at maempluwensya. 
Pero agad din kumuntra ang isip ko.
 Dahil alam ko sa aking sarili na higit pa sa materyal na bagay ang nakikita ko sa kanya.
Na kaya nitong bahain ang puso ko ng galak at ligaya sa mga simpling bagay rin...
Kahit nga walang handang pagkain sa birthday ko e, okay lang.
Siya na lang ang papakin ko, pwede naman di ba?
Char! 
Mula sa surpresa niyang inihanda at sa regalo niyang ibinigay, ay may mas higit pa rôon ang nakapagpasaya sa'kin.
Paano niya nalaman ang kaarawan ko? 
Wala kase akong matandaan na nabanggit ko iyon sa kan'ya.
  Kaya laking mangha at gulat ko na alam niya..
 Malaking bahagi rin ng puso ang nalulunod sa kilig at saya! 
Gano'n na ba ako kaimportante sa kanya?
Para alamin pa niya ang birthday ko at umuwi siya ng wala sa oras mula sa ibang bansa?
Nang makauwi sila Tita Babes at Mang Ramil kasama ang kanilang anak ay nagtungo naman kaming dalawa sa veranda..
Malawak ang veranda ng malaking bahay na kapwesto sa gitna.
 At mula roon ay matatanaw ang kabilang pangpang papuntang kabisira. 
Magandang pagmasdan ang mumunting ilaw na nagmumula sa mga kabahayan rôon.
Humawak ako sa railings at tumanaw... 
 Huminga rin ako ng malalim at pinuno ng sariwang hangin ang aking baga.
I felt him beside me.
 He leaned his arms in the railings too at tumanaw kung saan ako nakatingin.
I glanced at him.
Maliwag ang sikat ng buwan. 
Nag-umpisang kumabog ang dibdib ko.
 Napakagwapo ng mukha niya.
 At ang lalo pang nagpakinang sa kagwapohan niya ang kinang ng buwan.
Tila kumikinang rin kase ang balat niya sa hatid na liwanag nito.
Gano'n din ang mga mata niya na tila nakangiti habang nakatanaw sa kabilang pangpang ay kumikinang rin.
Para ba siyang yong isang character na nabasa ko sa isa sa mga librong bigay niya..
'Yong God Of Olympus?
Kulang na lang yong abs..
Sige nga.. hubad nga, husband ko. Ipakita mo ang abs mo?
Napakagat labi ako, puro kapilyahan na naman ang naiisip ko..
"Panay titig mo na naman sa akin.. Kinakabahan na naman ako.. Baka may naiisip ka na naman na kalokohan." Ang nakangiti nitong biro sa'kin. 
Sa malayo nakatingin pero nasa akin pa rin ang atensyon, wow...
I pouted my lips.
 Bakit ba lagi na lamang niyang iniisip na puro kalokohan ang mga sinasabi ko?
Kahit seryoso naman ako, pero parang para sa kanya kalokohan lang 'yon.
"Iniisip ko lang kung bakit napaaga ang uwi mo?" Nakatingin pa rin ako sa kanya.
 Pero hindi niya ako binalingan. 
Nanatili siyang nakatingin sa kabilang pangpang.
 Bahagya siyang tumingala at pumikit.
Humugot ng malalim na hininga  habang nakadipa  ang dalawang mahahabang braso nito.
Napalunok ako. 
Bakit ba habang tumatagal ay mas lalo talagang nagiging sobrang gwapo niya sa paningin ko?
His eyebrows, his reddish thin lips, and pointed nose!
 How could he look so perfect?
Super gwapo na nga, ang bango-bango pa! 
Ang unfair naman! 
No body's perfect  di ba? E, bakit napaka-perpekto niya?
Napanguso ako.
 Minsan sarili ko na mismo ang nakakaramdam na alangan talaga ako sa kanya!
Pero marami rin namang perfect na kabinataan na pumuporma sa akin sa isla Mabato a!
Mga perpektong pang-pangit! At puro amoy malangsa! 
Tinagurian nga akong Marina.
Kaya ang mga nakapaligid sa akin doon, ay puro amoy dugong talaga!
"Napaaga ang uwi ko dahil mas mahalaga sa akin ang kaarawan, ng wife ko.." Ang napakalambing na sabi nito sa'kin..
At nang humarap na siya sa akin ay nakangiti na ito. 
"Napasaya ko ba ang wife ko, kahit paano?" ang napakalambing pa rin nitong tanong..
Sobrang saya! sobra sobra Noah..
Hindi naman maiwasan ng puso ko ang maging emosyonal. 
Nag-init muli ang sulok ng aking mga mata.
Kasunod ng pananakit ng lalamunan ko..
Dala siguro nang labis na emosyon ay hindi na ako nakapagpigil pa.
Niyakap ko siya. 
Mahigpit ang pagkakayakap ko sa baywang niya. 
At first, I felt him stunned. 
Hindi siya nakagalaw ng ilang sandali. 
Para bang nagulat rin siya sa ginawa ko..
Napahikbi ako... At hinayaan kong lumandas ang masaganang luha ko. 
Biglang-bigla naisip ko...
Paano na lamang kung biglang mawala siya sakin? 
Paano kung magka-jowa na siya ng iba? 
O, maisipan na niyang mag-asawa? 
Parang hindi ko matatanggap. 
Dahil kahit pakiramdam ko ay alangan at may pagka-imposible?
Damn, gusto ko akin lang siya. Sana akin na lang talaga siya.
Kahit mas matanda siya ng maraming taon sa'kin at una siyang magkakarayuma, okay lang mamahalin at aalagaan ko pa rin siya. 
Hindi ako titingin at magmamahal ng iba. 
Dahil alam ko, at sigurado akong hindi ko lang siya gusto. 
Kundi mahal ko na talaga siya.
Mahal na mahal...
Mula nang makilala ko siya at nagtrabaho ako dito sa kanya, doon lamang ako nakaramdam ng totoong saya. 
Sa kanya ko lang naramdaman na kahit paano may halaga pa pala ako. 
Ang akala ko kase, mananatili na lamang akong malungkot.
Akala ko ganon na lamang ang papel ko sa mundo.
Yong maghahanap ng pera araw-araw para kay Nanay, at sasalo ng galit niya sa bawat araw na hindi maganda ang araw niya.
Akala ko habang buhay na akong hindi magiging masaya!
But Noah changed everything... 
"Hey, hey... Why are you crying?" Ang nag-aalalang tanong niya. 
Gusto niyang tignan ang mukha ko, pero lalo lamang akong sumubsob sa katawan niya..
"May masakit ba sa'yo? Masakit ba yang pisngi mo? Alam mo, na hindi ako naniniwala sa excuse mo, Lui. Alam kong hindi sa aksidente mo yan nakuha--"
"W-walang masakit sa akin, h-husband ko."Ang agad kong putol sa iba pa niyang sasabihin..
Lumunok ako para klaruhin ang lalamunan kong tila nagbara..
Bago ko siya tinignan..Nakita ko ang matiim n'yang titig at ang paggalaw ng kan'yang panga..
Kaarawan ko at ayaw kong maalala ang pananakit sa'kin ni Nanay noong nakaraang araw..
Gusto ko lang si Noah at ang sayang nararamdaman ko ngayon ang mamayani ngayon...
"S-s totoo lang, m-masayang-masaya ako. N-ngayon lang ako naging masaya nang ganito. Masayang-masaya ako na nakilala kita, na dumating ka sa buhay ko.. A-at s-sana... K-kahit anong mangyari nangdyan ka lang lagi para sa'kin at sana hindi ka magbago..."
Ang madamdamin kong turan sa pagitan ng aking pag-iyak. Nakita kong lumanbot ang mukha niya. 
Ang mga mata niya kaninang medyo nagdilim habang sinisipat ang pisngi kong namaga ay bigla rin lumanbot.
Naging masuyo.  Napapikit ako nang maramdaman ko ang braso nitong yumakap na rin sa aking katawan. 
Muli kong dinantay ang aking mukha sa kan'yang katawan at pumikit..
Matagal-tagal kaming nanatili sa ganoong ayos. 
Paminsan-minsan ay napapasinghot ako dahil sa pag-iyak..
Nararamdaman ko ang masusuyong paghaplos nito sa aking buhok. 
At pagbulong nito sa aking ng-- "Hussh.. It's okay, wife ko.." pagtatahan nito sa'kin. 
Bahagya akong kumalas sa mahigpit na pagkakayakap. 
Nang tingalain ko siyang muli at tignan.
 Ay agad niyang tinuyo ng kanyang mga palad ang mga naiwang luha sa aking mga mata. 
Tumikhim ako. Ang ngumuso.
" Sayaw mo'ko.. " Ang mahinang ungot ko sa kanya. Birthday ko naman, kaya lubos-lubosin ko na.
Hindi makapaniwalang napatitig ito sa aking mukha. 
Tila sinisiguro kung seryoso nga ba ako..
"Sige na. Isayaw mo na ako. Birthday ko naman.. " Ang turan kong umiwas na ng tingin sa kanya.
Nahihiya kase akong salubungin ang mga mata niya. 
Hindi siya umimik. Pero nakita ko ang reaksyon niya na parang hindi alam kung ano ang isasagot.
Parang ayaw o, nahihiya... Napakamot ako sa kilay ko. Ako rin naman nahihiya pero syempre, chance ko na to!
Mayayakap ko siya at maamoy nang matagal, pagbibigyan niya ako malamang kase birthday ko naman!
"Pwede ba kitang maging first dance? Sige na, huband ko. Pinakilig mo na naman ako e, di ba? Di lubos-lubusin mo na.." Ang nanguso kong turan sa kanya.
Napakamot siya sa batok. Alanganin rin ang ngiti niya.
"Hindi kase ako marunong sumayaw." Ang tila nahihiyang anito. 
"Wala naman problema, e. Ako nga di rin marunong.." Ang hagikgik ko nang sabi.
Agad kong kinuha ang dalawang kamay niya at iginiya sa baywang ko upang humawak roon. 
Bantulot naman siyang sumunod. 
Kagat niya ang ibabang labi na parang nagpipigil ng ngiti. 
Kaya nakangusong sinita ko siya.
"Huwag mo nga akong tawanan dyan. Seryoso ako e. Gusto kitang makasayaw! Gusto kitang maging first dance.." 
"First dance? Ibig sabihin may gusto ko pang ibang maging second dance?" Ang birong usig nito sa akin.
Nilapit nito ang mukha sakin. Salubong ang makapal nitong kilay. 
Napangiti ako ng matamis. 
Pinisil ko ang ilong niya.
Super gwapo pa rin kahit super close up ang face niya!
Ang bango talaga niya! Kahit ang kanyang hininga!
Tumingkayad naman ako at inabot ng dalawang kamay ko ang leeg niya. 
At dahil masyado siyang matangkad, kaya para akong little monkey naglambitin don.
"Ikaw ang gusto kong maging first dance at last dance..." Hindi na ata mapuknat ang ngiti sa labi ko.
"Ang problema hindi talaga ako marunong sumayaw, wife ko.." 
Nanatiling nayuko na lamang siya sakin para hindi ako mahirapan sa pagtingkayad. 
"Lui, nahihiya ako... Saka na lang kaya kapag isa na sa'tin ang nanalo sa pustahan." Ang mahina nitong sabi. 
Parang nahihiya pa rin. Napasimangot ako nang husto.
"Ang tagal pa nun, isa pa sayaw lang naman dito sa veranda e, hindi naman tayo sasayaw ng careless whisper sa kama mo.." Ang nakairap kong sabi.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sa'kin. His lips parted..
"Your language, Lui. Please... " Nang mahimasmasan ay anitong nakikiusap ang tono sa'kin.
Nagugulantang pa rin ito sa walang filter na bibig ko..
Pero anong magagawa ko, ganito na talaga ako?
Saglit akong bumitaw sa kan'ya.. Nagtataka naman siyang nakasunod ang mga mata lamang sa'kin..
"Wait lang... kukunin ko lang cellphone ko.. Magpapatugtog tayo.. " Ang masaya kong sabi.. Syempre alangan naman sumayaw kami nang walang tugtog di ba?
Abala ako sa pagtingin ng kanta sa YouTube.
Anong love song kaya ang maganda at nababagay sa'min?
Puno ng kilig akong naghahanap...
Nang biglang maramdaman ko ang malambing nitong pagyakap sa baywang ko at pinatong naman ang baba nito sa balikat ko..
Bigla akong natigilan.. Habang tila naghampasan na naman ang kung ano sa loob ng dibdib ko..
Unang beses niya itong ginawa..
Shit! scroll na ako ng scroll pero wala na rôon ang konsentrasyon ko..
Narito na sa future husband kong ngayon ay nakayakap sa'kin..
"Ang tagal mo naman mamili ng kanta, ano ba kasing hinahanap mo," his voice became husky..
Parang may kung anong humahalukay sa tiyan ko..
"Wala akong mahanap na kanta.. hmm.. Di ba magaling ka na naman bumanat? Banatan mo na lang kaya ako?"Ang wala sa sarili kong sabi habang abala pa rin ang daliri ko sa pag scroll.. Hindi siya umimik kaya nilingon ko siya..
I frowned my eyebrows. Bakit namumula na naman siya? Napalunok pa siya!
Ano na naman kayang nangyayari sa kan'ya?
Wala naman akong sinabing masama..
"Ano banatan mo na lang ako?" Untag ko pa..
Para ata siyang nakarinig ng masamang balita! Namutla ata siya..
"Sayaw na lang tayo, wife ko.." Ang mahinang aniya.. Wife ko. Really sounds good everytime he says that...
Parang kinikiliti ang puson ko, iste puso ko!
"Sige. wait lang.. h-hanap ako.." Ang nakangiti nang kako at pilit na nilalagay sa paghahanap ng kanta ang konsentrasyon ko..
Bumitaw ang mga braso nito sa baywang ko..
Agad akong napatingin sa kan'ya..
Alam ko. The protest was written in my face..
Shit! mas gusto ko na, yakap niya ako.
Paghihimutok ng kalooban ko.. But he softly grabbed the phone in my hand..
"Ako na lang ang pipili ng kanta para sa'tin.." Ramdam kong nagwawala na ang puso ko sa loob ng dibdib ko..
"This for my future wife.." Ewan ko kung biro ba iyon.. Para kasing nanunukso ang boses e!
Husky and sexy.. Parang nang-aakit!
Pinatong nito sa lamesang naroon ang cellphone..
At isang malambing na tugtugin ang nag-umpisang pumailanlang rôon..
Pamilyar....
hmmm...
Crazier by: Athur Miguel
Marahan siyang lumapit sa'kin..
Ang mga mata niya ay deretsong naka tingin sa'kin..
Hindi ko tuloy alam kung pipikit ako..
Pero bago pa man bumigay ang tuhod kong medyo nangangatog na..
"Can I dance with you, my wife?" Ang sexy at malambing nitong tanong, habang nakalahad sakin ang isang palad nito..
Nang abutin at ipatong ko ang palad sa kan'ya.. Ay masuyo niya iyong pinisil at hinapit ako sa baywang palapit sa katawan niya..
Napasinghap pako ng mahina..
Napakagat labi ako.. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at muling dinala sa kan'yang leeg..
Then, we danced...
He lovingly danced with me!
Tila dinuduyan pa ang puso ko sa bawat daloy ng lyrics sa kanta...

I'd never gone with the wind, just let it flow
Let it take me where it wants to go
'Til you opened the door
And there's so much more
I'd never seen it before
I was trying to fly, but I couldn't find wings
But you came along and you changed everything

Sa saliw ng kanta ay pawa lamang kaming nakatingin sa mata ng bawat isa..
Tila nag-uusap kami sa pamamagitan nun.
At nagkakaintindihan kami kahit walang salitang namutawi at namagitan sa'min..

You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon