Chapter 6

767 30 0
                                    

~Lui~

Masarap na naglalakbay ang diwa ko sa isang pangarap.

Habang tangan ang larawan na sa hula ko'y nakababatang kapatid ni Kuya pogi!

Ang lalake sa picture ay mukhang  halos kasing edad ko lamang. 

Malawak ang ngiti nito sa harap ng kamera kaya litaw na litaw ang puting-puti nitong mga ngipin.

Naka polo ito ng kulay asul. At ang buhok nitong itim ay makintab at halatang naka gel. 

Nakaayos iyon pataas! Sa kabuan ay talagang subrang gwapong-gwapo nito sa aking paningin.

Malaki ang pagkakahawig nila ni Kuya pogi! 

Sobrang hawig pero batang-bata lamang ang lalakeng nasa larawan!

Magkadugo nga talaga sila, magkapatid! Dahil sa halos iisa ang kanilang mukha!

Napangiti ako ng sobrang tamis.. Niyakap sa tapat ng dibdib ko ang picture frame. 

Saka muling tinitigan at hinalikan. Saka pinunasan ng hawak kong malinis na pamunas!

"Pogi mo talaga bf! " Ang kilig at pigil kong tili. 

Nasa ganoon akong tagpo nang bigla na lamang may tumikhim ng malakas sa likod ko.

Malaki ang boses at malalim. Halos mapatalon ako sa gulat! 

Pakiramdam ko nga ay nalaglag ang puso ko!

"Ay malaking titi ng kabayo! " Ang gulat na gulat kong naibulaslas! 

Sobrang kumabog ang dibdib ko at akala ko'y tuluyan na ngang lumabas ang puso ko sa dibdib ko, pagkarinig ng boses nito.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Kuya pogi na sa kasalukuyan ay tila natulala!

Hindi ko alam kung kanina pa siya nariyan!

Narinig kaya niya ako? Shit! Baka magka-bad impression ako sa kanya at maudlot ang balak kong pakikipag-lapit at pagpapalapad papel para sa kapatid niya!

Pakiramdam ko'y nanlamig ang pakiramdam ko!

Tila tinakasan ng kulay ang buo kong mukha nang mapagtanto ko sa sarili, kung ano bang lumabas sa bibig ko!

Shit! Sa dami pa kase ng masasabi ko 'yon pa?! 

Ito na talaga ang nakukuha ko sa pagsama-sama kay Arman sa pag-aalaga ng kabayo sa kabilang isla! 

Isa rin kase sa nakagiliwan ko ay tumulong kay Arman sa pag-aalaga ng kabayo sa  isla Magno kung wala rin lamang akong ginagawa!

Sobrang na shock ata talaga ito sa sinabi ko!

Nakabukas kase ang bibig nitong nakatingin lamang sa akin! 

Grabe tuloy ang nararamdaman kong pagkapahiya ngayon! 

Parang sinisilaban ang mukha ko sa sobrang init!

Ilang sandali pa ay tila mahimasmasan na rin ito sa wakas. 

Napapakamot sa batok na nag-iwas ng tingin sa akin..

Napalunok ako. Namumula rin ang buo niyang mukha, pati ang tainga niya!

Natataranta ang isip ko! Panay kalabog pa ng dibdib ko!

Shit! No chooice kailangan kong lunukin ang hiya at kapalan ang mukha ko!

E, unang-una naman , plano kong siluhin ang kapatid nito! 

Kaya sa natatarantang isip at nanginginig na kamay dahil sa hiyang nararamdaman ko ay hinarap ko pa rin ito.

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon