~Lui~
"Manang Shon, tapos ko na pong linisin ang buong kusina. Aalis na po ako." Ang nakangiting paalam ko sa may-ari ng kainan na pinagtratrabahuhan ko.
Sa dami ng tao ngayon araw ay talagang paguran ang trabaho.
Nanginginig pa nga at sobrang nangulubot ang aking kamay sa sobrang pagkakababad sa tubig.
Pero okay lang. Sanay na naman ako.
Sanay ako kahit anong trabaho pa yan, kaya ko naman..
May maiuwi lamang akong pera.
Lalo na ngayon na kailangan ni Tatay ng pang maintenance..
May iniinom na itong gamot para sa kan'yang atay..
Kundi pa siguro nagkasakit ay di pa titigil sa paginom ng alak!
"O, sige na. Gabing-gabi ka na. Wala bang susundo sa'yo? Gusto mo bang ipahatid kita kay Leo? Teka at gigisingin ko lang. " Bakas ang pag-aalala sa boses at mukha nito.
Mahigit isang taon na rin akong nagtratrabaho sa kanila.
Maliit ang sweldo at aaminin kong mabigat siya kahit pa sanay na naman akong magbanat ng buto.
Pero wala akong mapagpipilian..
Elementary lang ang natapos ko.
Matalino naman ako, at madaling matuto. Pero dito sa Manila importante pala ang deploma para makahanap ng mas magandang trabaho.
"Nako, huwag na ho, tulog na naman pala. Isa pa po kaya ko na naman." Ang nakangiti kong sabi..
Napatingin ako sa maliit nilang tv..
Natigilan ako.
Para akong itinulos at hindi na maialis ang mga mata ko roon.
Kasabay ng tila malakas na pagbumba sa loob ng dibdib ko..
Hindi ko na rin naiintindihan pa ang ibang sinabi ni Manang Shon
Ang buong atensyon ko'y nasa tv lamang at sa lalaking naroon..Naka-black three piece suit..
Seryoso ang mukha at nakatayo lamang siya..
Habang napapaligiran ng mga taong may hawak ng malalaking camera..
Kita ko ang pagkainip sa mukha niya at ang pagsipat sa mamahaling relos nitong suot.
Para akong maiiyak nang makita ko ang napakagwapong mukhang iyon..
Parang gusto kong pumasok bigla sa loob ng tv para mayakap siya..
Noah..
"Ang gwapo no? Ang daming nagkakandarapang babae d'yan." Ang dinig ko nang ani Manang Shon.. Pero hindi ko pa rin magawang kumurap o ibaling lamang ang aking tingin sa kan'ya..
Nanatili lamang ang aking mga mata sa tv.
Baka biglang-bigla kase maglaho na lang siya roon kung kukurap man lang ako..
"Ang gwa-gwapo rin ng mga kaibigan n'yan. Alam mo ba? Pinsan yan ni Althea Olivarez yong sikat na singer? Napakayaman daw n'yan at ngayon ay nali-link sa isang sikat na artista. Yong si Charlene Villigas?" Ang patuloy na kwento nito..
Halata sa boses ni Manang Shon na tila butong-buto at parang lagi itong nakasubaybay sa estorya ng dalawa.
Madalang akong makapanuod ng tv, bilang nga lang sa daliri. Bukod kase sa wala kaming tv ay abala ako sa pagtratrabaho.
BINABASA MO ANG
Onschatbare Liefde
DragosteAudrey Lui Ramos isang dalagitang laking isla. Nagtataglay ng maamo at napaka-inosenting mukha. At sa mala-anghel na mukha nitong taglay, ay nagtatago ang isang matapang, pranka at buglar na personalidad. Unang kita pa lamang nito kay Naoh, ay nakar...