Chapter 14

539 26 0
                                    

~Lui~

Kinagabihan, ay sinubukan kong tawagan si Noah.
Hindi na nga kase ito nag-reply sa huling message ko.
Pero makailang ulit na akong sumubok ay hindi naman siya makontak pa.
Voicemail ang paulit-ulit na naririnig ko sa linya.
Mabigat ang loob kong bumalik sa bahay.
Panay rin ang aking buntong hininga.
Gustong-gusto ko pa naman marinig na ang boses niya.
Isang araw at isang gabi pa lamang na hindi ko naririnig ang boses n'ya ay miss na miss ko na talaga siya.
At ngayon nga na di ko siya makontak, at ni wala man lang hi o ho, sa ganitong oras ay naiinis talaga ako.
Yong tipong napakabigat talaga sa dibdib at parang gusto kong maiyak?
Nakasanayan ko na kase siyang laging kausap bago pa ako matulog.
Hindi n'yan nakakalimutan mag- good morning o mag-good night.
Kaya ngayon ay di ko maiwasang hindi manlumo.
Inaatake rin ako ng iba't-ibang alalahanin.
Di kaya may kasama siyang ibang babae,kaya di na ako naalala?
Hindi baka busy lang siya talaga?
Isipin pa lang na may kasama itong ibang babae, ay parang hinihiwa ng puso ko.
Nakabusangot akong naglakad pauwing bahay!
Lumayo kase ako sa aming munting kubo habang tinatawagan siya.
Mahirap na. Baka bigla pang dumating si Nanay nang hindi ko namamalayan.
Malalagot na naman ako kapag nagkataon.
Ang masaklap, sigurado akong kukunin niya talaga ang cellphone ko.
Mahal daw ang cellphone na ito ayon kay Jeylai at Arman.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ganito kamahal pa ang binili ni Noah para sa'kin.
But then, naalala kong ako pala ang kan'yang reyna. Ang kanyang future wife! Ang magiging may bahay niya!
Syempre gusto siguro niya para sa'kin ay yong the best talaga!
Parang kiniliti na naman ang puso ko!
Iba talaga ang epekto niya sa'kin. Yong tipong sa isang iglap kaya niya akong pamungkutin at the same time ay kaya niya rin akong pasahin ng walang kamalay-malay?
Wala sa sarili akong napangisi at muling sinulyapan ang screen ng phone kong picture ni Noah ang nakalagay na wall paper ko.
Sa muling pagkakataon ay sumubok ulit akong tumawag.. Gano'n pa rin.
Wala talaga.
Hanggang sumuko na'ko.
In text ko na lamang siya ng "good night and sweet dreams! Tawagan mo na lang ako kapag hindi ka na busy, hmp!" Ang emoji kong nailagay ay umuusok ang ilong sa galit.
Ilang minuto pa akong nag-antabay baka sakaling makonsensya ang Lolo mo at tawagan ako bigla o di kaya'y reply-an man lang ang text ko..
Pero sumusuko akong nahiga na sa papag kong higaan.
Nilagay ko na sa silent mode ang cellphone ko at tinago sa ilalim ng banig at tinakpan pa ng isang unan.
Gano'n lagi ang ginagawa ko kapag dito ako sa bahay natutulog.
Talagang nag-iingat ako nang husto.
Ayaw kong makita ni Nanay ang cell phone ko.
Ayaw kong malaman din niya ang pagtratrabaho ko kay Noah at ang pagiging malapit namin.
Dahil sigurado akong hindi siya mahihiyang e- advance ang sahod ko. Or, worst baka hingian niya ng pera si Noah o, utangan!
Kilala ko si Nanay. Pagdating sa pera wala talagang sinasanto!
Naka- ilang baling na ako! Sinipat ko ang orasan na nakasabit sa dingding.
Mag-ala una na!
Hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko mapigilan ang lungkot na nararamdaman ko.
Biglang-bigla naging napaka emosyal ko.
Nag-init bigla ang sulok ng mga mata ko.
At ni hindi ko alam kung alin nga ba ang iniiyakan ko.
Yong pa rin bang nangyari sa'kin kahapon?
Hindi. Hindi naman yon, tanggi agad ng isip ko.
Dahil ba hindi na muling nagparamdam si Noah? At ngayon ay di ko makontak?
Biglang bumuhos ang luha ko.
Kasabay ng tila pagguhit ng kirot sa dibdib ko.
Ganito na ba talaga kalalim ang nararamdaman ko para sa kan'ya?
Oo gusto ko siya noon pa. Noong una ko pa lang siyang makita. Pero di ko akalain na lalalim ang pagka-gustong iyon tulad nito.
Siguro, dahil sa unang pagkakataon nakakita ako ng taong tila pinapahalagahan ako.
Siya pa lamang ang taong nagparamdam sa'kin na may halaga rin pala ako. Bukod syempre kila Tatay, Jeylai at Arman.
Isang taong nagpapakita sa'kin ng pagmamahal at importansya.
Sinanay ako ni Noah sa ganoong pakiramdam.
At ngayon na pakiramdam ko ay nababaliwala ako sa kan'ya, ay sobrang sakit pala.
Paano pa kaya kung hindi na talaga kami magkita?
Wala sa sariling bigla akong napailing..
Naninikip ang dibdib ko isipin pa lamang iyon.
I'm going to sleep again without hearing his voice. His calming voice. And It's really frustrating me, and making me damn crazy!
At siguro ito ang dahilan kaya ako naiiyak.
Matutulog akong mabigat ang loob.
Naiinis ako sa'yo, husband ko.
Himutok ng kalooban ko.
Hindi ka man lang nag-reply sa text ko. Ngayon, di na rin makontak phone mo.
Ano kaya ginagawa niya? Baka nambabae na siya? Lalong dumami ang luhang namuo sa mga mata ko.
Isipin ko pa lamang na may ibang babaeng pinagkakaabalaan ito ay nanlulumo na'ko.
Nginangatngat ang puso ko sa selos.
Huwag ka lang papahuli sa'kin--
O wow! May karapatan? kung mahuli mo? anong gagawin mo?
Ang patuyang sansala ng isang bahagi ng utak ko.
Mas lalo akong naiyak na wala pala akong karapatan maghimutok!
Pwes! Matatalo ka sa pustahan!
Kukunin ko talaga isla mo!
Lalo akong nanlumo. Kase wala naman akong interes sa isla nito.
At alam ko rin na matalo man siya sa pustahan o hindi, imposibling isuko niya basta-basta ang islang ayon dito ay una niyang naipundar sa kan'yang pagne-negosyo.
Posible naman na meron talaga siyang babae sa Manila di ba?
Sa tingin mo sapat na ang inyong pustahan para matiis niyang hindi punan ang pangangailangan niya?
Pangungundina ng aking sarili.
Bigla akong natigilan. Gwapo at mayaman si Noah. Alam kong marami ang naghahabol rito. At napaka-imposible na wala nga itong babae sa buhay niya.
May pangangailangan ito bilang isang lalake.
And Noah was in his perfect age.
"Pakiramdam ko, nakadepende na ngayon ang saya at tatag mo d'yan kay Noah, Lui. Masaya akong makita kang masaya sa kan'ya. Pero huwag mo sanang kalimutan na napakabata mo pa, para sa kan'ya. Huwag mo sanang sanayin ang sarili mo sa isang bagay na hindi sigurado. Mayaman at gwapo siya. Paano kung meron nga siyang iba rôon, bata ka pa Lui. " Ang paalalang yon sa'kin ni Jeylai ang tila gumulo sa isip ko. At nagpadagdag sa pangamba at bigat ng nararamdaman ko.
Kaya siguro ako naiiyak ngayon. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Nakatulog akong mabigat ang loob at may bakas ng luha sa mga mata ko.
****
"May nangyari ba sa'yo, Lui? Sinaktan ka ba ulit ng Nanay mo?" Salubong ang kilay na tanong ni Mang Ramil.
Matiim ang tingin nito partikular sa kabilang pisngi ko.
Kumalma na naman ang kirot nun. Lalo na iyong kabila.
Ngunit ang kaliwa kong pisngi ang talagang masakit pa rin.
Makirot nga kapag medyo napapadiin ang haplos ko.
Nahihiya akong napahaplos sa mukha ko.
Pilit ang ngiting binigay ko..
"Wala ho, to.." Ang simple ko na lamang sabi.
"Siguradong mapapansin ni Sir yan-"
"Ho? May sinasabi ho ba kayo?" Ang nakakunot noo kong tanong. Para kasing bumubulong ito pero hindi naman ako siguro kung tama ang pagkakarinig ko.
Napahaplos siya sa batok. At umiwas ng tingin.
"Wala naman... Halata kasing namamaga ang isang pisngi mo. Medyo nangingitim rin. " Ang puna nito.
"Buti natitiis mo ang pananakit ng bruhita mong Ina?" Maya-maya ay turan nito. Napapailing habang panaka-naka sinisipat ng mga mata nito ang isa kong pisngi..
Malapit-lapit na rin kami sa pangpang ng isla Monteverde.
Nahihiya akong napakagat labi sa sinabing iyon ni Mang Ramil.
"Wala ho to, sanay na naman po ako.." Ang nahihiya ko pa rin sabi. Huminga ako nang malalim.
Nang makarating kami sa pangpang ay nagpaalam na ako kay Mang Ramil na mauuna na'ko.
Marahan na tango lamang ang sinagot nito sa'kin.
Kaya naman nagmamadali na akong nagtungo sa malaking bahay.
Malalaki ang mga hakbang ko. Balak kong magtuloy agad sa kwarto ni Noah.
Ewan ko, nami-miss ko ang amoy niya.
At kapag nasa kwarto niya ako, pakiramdam ko naroon lamang siya.
Pagkagising ko pa lang kanina ay text na niya agad ang pinanabikan ko.
Kaya cellphone ko agad ang unang inatupag ko. Pero, wala pa rin siyang text. Hindi ko pa rin siya makontak.. Ilang beses kong sinubukan pero wala talaga.
Kaya para akong lantang gulay ngayon umaga!
Nasa gano'n tagpo ang aking diwa nang halos mapatalon ako sa gulat pagpasok ko pa lamang ng pintuan..
"Happy happy Birthday!" Ang sabay-sabay na bati ni Tita Babes. Ang anak niya, at ang lalaking kagabi ko pa iniisip!
Pawang may malawak na ngiti ang mga ito sa labi..
"Happy Birthday, Lui." Napalingon naman ako sa pinang-galingan ko kanina. At sa nanlalabo ko nang mata dahil sa namuong luha ay nakita ko rôon ang nakangiting si Mang Ramil.
Hindi nito sinabi sa'kin na narito na si Noah.
"Sabi ni Sir surprise daw, effective ata! Parang na-surprise ka talaga ng husto?" Ang nakangiting turan nito. Sunod-sunod ang tango ko. At saka agad na binalingan si Noah. Hindi na ako nagpapigil pa at agad akong napasugod ng yakap.
Natigilan ito sa ginawi ko. Bahagya pa ngang nanigas ang katawan niya sa pagyakap ko.
Ngunit lunod ako sa emosyon kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.
Kasabay ng mahinang hikbi ko..
Maya-maya pay gumanti na rin ito ng yakap sa'kin at hinaplos pa ang buhok ko..
"Please stop crying, wife ko..It's your birthday.. Mamaya lalabas na naman ang uhog mo.."Ang panimulang asar nito sa'kin. Ngunit imbes na mainis ay natawa na lang ako.
Napaangat ako ng tingin.
"Happy birthday , ate Lui. " Ang nakangiti bati sa'kin ni Boyet, ang anak ni Mang Ramil at Tita Babes.
Lumapit ito sa'kin kaya kusang napabitaw na rin ako kay Noah.
Niyakap ako ni Boyet sa aking baywang.. Naiiyak naman ako sa sayang ginulo ang buhok niya!
Binati rin ako ni Tita Babes at niyakap ng ubod ng higpit.
Kami-kami lang pero ang lamesa puno ng pagkain.
Akbay ako ni Noah napuntang dining!
Nakapulupot naman ang dalawang braso ko sa baywang niya..
Hinalikan ako nito sa tuktok ng aking ulo..
"Happy happy birthday" ang malambing nitong bulong sakin. Kaya naman wala sa sariling napahigpit ang yapos ko sa baywang niya.
Kung noong gabi ay umiyak ako sa matinding selos, pangamba at takot..
Ngayon naman ay umiiyak akong muli, ngunit dahil sa sobrang saya!!
'Tas wife ko--pa ang tawag sa'kin ni Noah..
Masaya kaming nagsalo-salo sa hapag..
Panay ang kwento ni Mang Ramil ng nakaka tawa..
Ngunit napansin ko, si Noah. Matiim na napapatitig sa'king mukha..
Saka magsasakubong ang kilay.. Kaya umiwas ako.. Iniwas ko ang mukha ko..
Pero inabot pa rin niya iyon ng palad niya..
Mabini ang naging haplos niya, ngunit kasunod nun ay ang pag-tiim bagang niya..
Napatigil si Mang Ramil sa pagkwekwento. Pati si Tita Babes ay napatingin rin sa'min.
"Sinong may gawa nito..sayo?" Ang matigas niyang tanong na kinalunok ko.. Madilim na ang mukha niya..
Kung bumubuga lamang ng apoy ang mga mata nito, kanina pa ako naliyaban!
Kita kong galit siya.. Napayuko ako..
"Lui, uulitin ko.. sino ang may gawa n'yan sa'yo?!" Ang mariin at medyo malakas na niyang tanong.. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit..
Napalunok ako ng sunod-sunod...
Parang ibang Noah ang nakikita ko..
Isang lalaking konting-konte na lang ay sasabog na..
"A-aksidente k-kase a-akong nadulas sa bangka noong isang araw.. Tumama ang isang p-pisngi ko.." Ang medyo nabubulol kong pagsisinungaling..
Nagmamakaawa ang mga mata kong napatingin kay Mang Ramil..
At sana nga huwag na siyang umimik.
Natatakot akong tumingin sa mga mata ni Noah at baka mabasa nitong hindi ako nagsasabi ng totoo..
Sobrang kinakabahan din ang dibdib ko..
Nasinungaling ako sa kan'ya.
Hindi siya umimik.. Lakas loob na akong tumingin sa kan'ya.. Hinawakan ko ang kamay niya..
"Ano ka ba... Wala lang to no! Pagaling na nga! Minsan kase medyo may pagka-lampa ako.. Pero promise mag-iingat na ako sa susunod.." Ang pinasigla kong boses na sabi..
Pinisil ko ng ilang beses ang palad niya..
Baka sa pamamagitan nun, medyo kumalma ang galit na nararamdaman niya..
Nakita kong medyo lumanbot ang mukha niya . Kaya kinuha ko na iyon bilang pagkakataon..
"Huwag ka nang magalit.. Birthday ko remember?" Ang nakanguso kong lambing sa kan'ya.. Dina ako nahiya kila Tita Babes at Mang Ramil..
Humugot ng hininga si Noah.. Tuluyan na ngang lumanbot at naging masuyo ang tingin n'ya sa'kin..
Pinagsaklob ko ang mga kamay namin.
Ang laki pala ng palad niya!!
Na-curious pa ako!
Tinaas ko iyon at matamang tinitigan..
Mahahaba na payat ang daliri ko..
Pero nanliit pa rin ang mga iyon sa kamay niya..
Damn.
Ang laki talaga ng palad niya..
Malalaki't mahahaba ang daliri niya.. May katabaan rin ang mga iyon..
Napalunok ako...
Tinignan ko siya.
Salubong ang mga kilay niya, habang nakatingin lang din sa'kin..
Tila nagtataka sa pinag-gagawa ko sa palad namin..
Bahagya pang nakakunot ang noo niya..
"Ang sabi nila kapag malaki raw ang kamay malaki rin daw ang dinadala, totoo ba yon?" Ang wala sa loob kong natanong!
"Lui!" Agad saway ni Noah.. Nanlalaki ang mga mata niya! Napanguso akong tumingin sa kan'ya..
Napaubo naman bigla si Mang Ramil na para bang nasamid!
Si Tita Babes ay napanganga na lamang na nakatingin sa'min.
"Nagtatanong lang naman e, ang laki ng palad mo malamang malaki yong sayo-" Ang painosente kong tanong.. Curious akong malaman kase di ko pa nakita!
Pero bigla akong namula nang maalala ko yong bote ng emperador niya!
Shit! Oo nga di ko pa nakita pero naramdaman ko na!
"Lui! I'm warning you!--" Agad akong nanahimik.. Madiin ang babala niya! Pulang-pula na naman ang mukha at tainga niya!
Na siyang nagpaurong nang tuluyan sa dila ko!

A/N: Unedited!

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon