Chapter 40

589 21 0
                                    

~Kiel~






"He doesn't want to come," ang imporma ni Klient sa amin habang naiiling.

Ilang beses na niyang sinusubukang tawagan si Noah pero dini-decline ng gag* ang bawat call.

Ayaw paistorbo . Talagang desididong humabol sa amin.

Wala sa loob na napangisi ako't napailing.

Well, naiintindihan naman namin siya.

He'd been waiting for her for how many years?

Two to three years? Tinago niya sa amin.

Noong una ay wala kaming kaide-ideya na may binabalikan ito sa kaniyang isla.

Napansin na lang namin na parang daig pa nito ang mga nagbibinta kung kiligin.

Madalas nasa cellphone lang ang buo nitong atensyon, ngumingiti na parang tanga.

And I've been there, ganoon ako noon sa tuwing ka-chat ko ang asawa ko.

Well, hanggang ngayon pa rin naman, lalo na kapag nasa opisina ako.

Hindi pa rin kami napapagod sabihin sa isat-isa kung gaano namin nami-miss ang isat isa sa maghapon di kami nagkikita.

My wife and our kids are also the reason why I'm now always coming home early.

Araw araw akong nasasabik na makita ang mga-iina ko.

Pagkatapos ng pagiging masaya nito lagi, bigla na lang naging tahimik ito.

Bumalik sa pagiging palaging seryoso.

Sa wari nga namin mukhang nasobrahan sa pagiging seryoso e.

Sinubsob niya lalo ang sarili sa trabaho.

Madalang na rin ang pagsama niya sa amin na parang umiiwas.

Nababalitaan na lang namin ang madalas na paglalasing nito, lalo na kapag nasa isla siya.

Hindi siya nagsasabi sa'min ng mga problema niya.

Hinayaan namin siya. Aantayin na lamang namin kung kailan siya magsasabi sa'min.
Marahil sa halo-halong dahilan kaya nito hindi magawang magsabi noon ng problema.

Dahil sa perosonal kong karanasan, halos mabaliw nga ako nang iwan ako noon ng asawa ko.

At nalaman nga namin na nakilala nga niya ang girlfriend niya noong panahon na medyo kakarecover ko pa lang.

Marahil isa iyon sa mga dahilan niya. Kaya hindi siya nagsabi. Baka ayaw niyang dumagdag pa.

Pero lagi namin sinasabihan ni Klient na siya muna ang bahalang umalalay kay Noah.

And then lately, nalaman nga namin lahat ang buong storya.

Tignan mo nga naman, at karma is a bitch nga talaga!

'Yong sinumpa niyang hindi siya tutulad sa'min kahit anong mangyari ay hindi raw siya mahuhulog sa isang bata!

Noon nga panay parinig niya sa'min ni Matthew. We are corrupting innocent daw!

Nakakatawa talaga ang gago! Tignan mo nga ngayon at daig pa kami!

"Don't you worry guys, ako na bahala d'yan kay Noah, pupunta 'yan," ang paniniguro sa'min ni Uno.

Kung paano niya ito mapapayag ay wala rin kaming idea.

Basta darating kami sa gaganaping na bonding moment na Ihahanda ng mag asawa sa lahat. Parang reunion na rin!

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon