~Lui~
"Lui, okay ka lang ba talaga?" Kita ko ang labis na pag-aalala sa mukha ni Manang Shon. Bigla, parang natauhan ako.
Kainis kase, bakit di ko mapigilan ang masaganang pagdaloy ng mga luha ko.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin..
At agad din hinawi ang aking mga luha..
"O-oho... M-medyo napuwing lang.. Sige po. Aalis na po ako.." Shit! Gumaralgal pa ang boses ko..
Alam ko, nawe-weirdo-han na rin siguro ito sa inaakto ko..
Magtatanong pa sana si Manang Shon pero dali-dali na akong tumalikod.
Baka hindi ko pa mapigilan at mapahagulgol pa ako ng iyak sa harapan niya.
Sa huli, hinayaan na lang din ako at hindi na nagtanong pa.
"Sige, mag-iingat ka. Kahit hindi mo agahan masyado ang pasok bukas, okay lang Lui." Ang pahabol nito sa akin na hindi ko na nagawang pang sagutin.
Dahil kung sasagot pa ako ay talagang bibigay na ang boses ko.
Wala sa sariling tinahak ko ang daan pauwi sa inuupahan naming bahay..
Tulala lamang ako. Para akong walang buhay.
Ang mga luha ko ay walang kapaguran sa pagdaloy.
Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko na parang sirang plaka ang mga napanood ko sa tv.
Hanggang sa hindi ko na kinaya at bigla na lamang akong napaupo sa gilid ng kalsada.
Sa pagod kong katawan at isip...
Sa kawalan ng pag-asa ay tila bumigay na ang buo kong sistema.
Napasapo ako ng dalawang palad sa aking mukha at umiyak ng umiyak.
Wala akong pakialam kung may mangilan-ngilan na mga taong nag-daraan sa bahaging iyon ang napapahinto sa akin.
May dalawang babae nga ang kinausap ako at tinanong kung anong nangyari sa'kin, ngunit wala akong maisagot sa kanila.
Hindi ko na rin maintindihan pa ang iba pa nilang sinasabi..
Hanggang sa umalis na lamang sila nang tila walang makuhang sagot sa akin.
"Anak, okay ka lang ba? Anong nangyari sa'yo? Na-hold up ka ba? Sasamahan kita sa presinto kung gusto mo?" Ang narinig kong pagmamagandang loob ng isa pang ginang.
Medyo natigilan ako.. Napatingin ako sa kan'ya.. Malamlam ang kanyang mga matang nakatingin sa akin..
Pilit akong tumahan at ngumiti ng pilit.
Nakita ko sa mukha niya ang matinding awa at pag-aalala.
May hawak itong basket ng paninda nitong balut.
"Maraming salamat po, pero okay lang po ako.." Ang mahina kong sagot sa pagitan ng aking pagtangis.
Pinilit ko na lamang ang sarili na tumayo.
Nagpaalam na ako rito at nagpasalamat muli sa pagmamalasakit.
"Mag-iingat ka.." Ang dinig ko pang pahabol nito.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may huminto nang sasakyan sa gilid ko.
Napahinto ako't napatingin roon.
Si Ivo...
"Bakit ka na naman umuwi ng ganitong oras? Lui alam mo naman ang panahon ngayon di ba?!" Ang tila may inis na sita nito agad sa akin. Hindi ako nakasagot. Sa halip, tinignan ko lamang siya ng walang buhay.
Tila natigilan naman ito nang makita ang aking itsura.
"What's wrong? May nangyari ba sa'yo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Ang puno ng pag-aalala at sunod -sunod na tanong nito.
"N-naibigay mo ba kay J-jeylai yong huling sulat ko? " Muling gumaralgal ang boses ko at paiyak akong muli..
Tila natigilan naman siya. Pagak akong natawa..
Habang panay agos pa rin ng aking mga luha.
Na para bang nasisiraan na ako ng bait..
"Kapag wala pa rin sagot, wala na talaga akong pag-asa. Kailangan ko na talagang tanggapin.." Ang tila wala sa sarili kong sabi.. Noong nakaraang Linggo ay muling nagpunta kase si Ivo sa isla Magno.
At tulad ng nakagawian ko ay nagpapadala ako ng sulat sa kanya.
Nakapangalan iyon kay Jeylai. Ngunit sa loob noon, ang isa ay laging para kay Noah.
Nakikiusap at nakikisuyo ako kay Jeylai na ibigay niya iyon kay Noah o, di kaya kay Tita Babes.
Pero sa dami ng sulat na naipadala ko na sa kan'ya maski isa ay wala akong natanggap na tugon...
Hinawakan ako ni Ivo sa braso.
"Halika na. Ihahatid na kita sa inyo," ang masuyong anito at iginiya na niya ako sa naghihintay niyang sasakyan.
Tahimik lamang ako hanggang makarating kami ng bahay..
Kahit pa kita ko sa sulok ng aking mata ang panaka-naka nitong sulyap sa akin..
Pagkababa ko ng sasakyan nito'y nagpasalamat lamang ako at nagpaalam na sa kanya.
Hindi ko na ito nagawa pang yayain sa loob.
Malalim na rin kase ang gabi. Isa pa, gusto ko na rin kasing magpahinga.
Mugtong-mugto na ang aking mga mata.
Masakit ang aking lalamunan.
Higit sa lahat, tila tortured na ang isip ko sa mga problema.
Pati puso ko'y durog-durog na rin.
Pakiramdam ko, konting-konte na lang ay bibigay na talaga ako.
Pero bago pa man ako makatalikod, sa kanya ay muli akong tinatawag nito.
Napahinto ako at tinignan siya.. Mayroon itong dinukot sa bulsa ng jacket na suot.
"Here.. Binigay sa akin 'yan ni Jeylai." Ang anito, tipid ang ngiti nitong inabot sa akin ang isang sobre.
Kahit paano tila nabuhayan ako ng loob. Para akong robot na biglang nalagyan ng bagong baterya.
Mabilis ang kilos kong inabot iyon.
Wala sa loob na napangiti ako kahit paano.
Tinitigan ko ang sobre. Mahigpit ang hawak ko.
Na tila ba takot ako na baka kapag humangin lamang kahit konte ay biglang tangayin iyon.
Parang maiiyak akong muli.
Ngunit sa pagkakataong ito, naiiyak ako kase kahit paano nakakita ako ng konting pag-asa.
Nang magpaalam na si Ivo ay agad na rin akong pumasok sa loob.
Agad kong binuksan ang sulat.
Nanginginig pa nga aking mga kamay habang pinipilas ko ang dulo ng sobre..
Panay kabog ng dibdib ko.
Halo-halong emosyon ang namayani sa aking dibdib.
Naroon 'yong pagkasabik, takot at kaba...
Ngunit unti-unting nanlamig ang mga kamay ko.
Tila nanginig rin at nanghina rin ang mga tuhod ko..
Nanlulumo akong napaupo habang pinapasadahan ang nilalaman ng sulat..
Bawat nilalaman nun ay tila punyal na unti-unting humihiwa sa puso ko.
"Kalimutan mo na ako. Gaya ng paglimot ko sa'yo. Ikakasal na ako sa babaeng totoo kong minamahal.." Ni hindi ko na natapos pang basahin lahat. Sapat na ang iyon para muling bumuhos ng walang humpay ang aking mga luha.
Impit akong umiyak... Mahigpit kong tinakpan ang aking bibig ng aking palad.
Upang hindi makalikha ng ingay at magising si Nanay at Tatay.
Wala na! Wala na talaga akong pag-asa. Nawala na siya sa akin.
Ilang sandali ay natawa ako ng pagak.
Nawala na siya sa akin?
Bakit naging akin ba siya talaga? Ako lang naman 'yong umasa!
Ako yong nagpasimuno ng laro sa pagitan naming dal'wa, na sinakyan niya lang din.
Ngayon, tapos na ang laro Lui. Game over na!
Tumigil ka na! Sumuko ka na!
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog.
Basta ang alam ko, tahimik akong umiyak ng umiyak.. Hanggang sa wala na akong mailuha.. Hanggang sa kusang napagod ang aking mga mata, at igupo ng pagod ang aking diwa..
***
"Hoy! Gumising ka na d'yan anong oras na a! May pasok ka sa karenderya hindi ba?
Ano ba bangon na d'yan! Umaandar na naman ang pagkabatugan mo!" Ang dinig kong bulyaw sa akin ni Nanay.
Napadaing ako...
Nang malakas n'yang yugyogin ang balikat ko..
Naramdaman ko rin ang paghila niya sa kumot na nakabalot sa katawan ko..
Namaluktot ako ng husto nang madama ko ang pagdantay ng matinding ginaw sa aking balat.
Dumaing akong muli.. Pero ilang sandali lamang ay muli kong naramdaman ang pagyugyog niya sa akin..
Malakas...
Parang malalaglag lahat ng lamang loob ko sa pagkakapit.
Pero imbes na bumangon ay hinila ko lamang ang kumot at binalot muli sa katawan ko.
Ewan ko pero hinang-hina ako at parang ginaw na ginaw!
Naramdaman ko ang pag-sipa ni Nanay sa akin.
"Walang hiya kang bata ka! Umandar na naman ang pagkabatugan mo! Tayo na d'yan at magtrabaho ka!" Ang gigil at galit nitong bulyaw sa akin.
Muli kong naramdaman ang pagsipa niya ngunit masyado na akong mahina para magbigay pa ng reaksyon.
O, siguro talagang namanhid na rin ako.. Manhid na ang buong sistema ko sa sakit.
Pisikal man o kahit sa emosyonal.
"Solidad! Ano na naman ba ang ginagawa mo kay Lui? Hindi ka na ba talaga magbabago? Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng habag?" Ang galit na boses ni Tatay.. Kasunod nun ay tila naramdaman ko ang palad nito sa aking noo at sa aking mukha..
"Nako, Diyos ko, inaapoy siya ng lagnat." Sa lumalabo kong diwa nahimigan ko ang matinding takot at pag-aalala sa boses ni Tatay.
"Tsk! Nilagnat lang nagkakaganyan ka na? Saka kung magsalita ka parang napakasama ko talagang tao?
Sino ba ang sumama sa mga sindikatong 'yon para kumidnap sa batang 'yan, di ba ikaw? Tapos ngayon kung magsalita--"
"Tumigil ka na Solidad! Kung ano naman ang nagawa ko noon ay pinagsisihan ko na! Hindi kinaya ng konsensya ko-"
"Kaya tinakas mo?! Alam mo, mula noon bobo ka pa rin talaga at mahina ang diskarte sa buhay! kung sana hindi mo tinakas 'yang batang 'yan at naibinta doon sa intsik 'di sana malaking pera ang naging parte mo! Pero 'yang puso mong mamon ang pinairal mo! O, ano ngayon? Di ba kaya tayo parang dagang nagtatago ngayon kase hina-hunting ka ng sindikato na iyon?" Puno ng pang-uuyam ang tono ni Nanay.
"Hindi mo ba naiintindihan? Papatayin nila ang bata! Puso lamang niya at lamang loob ang habol ng walang kaluluwang iyon! Hindi sila tumupad sa usapan na hihingian lamang ng pera ang magulang ng bata!" Parang nagugulantang ang utak ko sa mga naririnig ko.
"At hindi ko iyon kaya, hindi kaya ng konsensya ko!" Anong sinasabi nila? Anong ibig nilang sabihin?
Totoo ba lahat ng naririnig ko?
O, parte lamang ng masama kong panaginip kagabi? Nanaginip pa rin ba ako?!
Gusto kong idilat ang aking mga mata. Kumpirmahin kung totoo ba ang aking naririnig o, parte lamang ng aking masamang panaginip. Ngunit hindi ko kaya.. Hinang-hina talaga ako..
Naramdaman ko na lamang na parang lumulutang na ako sa hangin bago igupo ng karimlan ang aking diwa!
***
Puting kisame ang sumalubong sa nanlalabo ko pa rin mga mata... Nakakasilaw ang liwanag..
Marahan akong kumurap-kurap.. Habang napapangiwi..
Nanghihina pa rin ako..
Marahan kong pinatong ang aking isang braso sa ibabaw ng aking mga mata upang takpan sa biglang bungad ng liwanag..
Napadaing ako.. Biglang sumakit ang ulo ko.. Nanaginip na naman ako ng masama kagabi..
Panaginip na parang tôtoong-totoo..
Dinalaw na naman ako ng panaginip na iyon..
Hampas ng alon.. Paglubog ng bangka..
Ang aking sigaw habang humingi ng tulong..
Ang paghampas ng ulo ko sa matigas na bagay..
At ang tila unti-unting pagkawala ng hininga ko sa ilalim ng tubig...
Naramdaman ko ang masuyong paghawak sa kamay ko ng kung sino...
Pilit akong nagmulat ng mga mata..
Si Ivo.. Hawak nito ang kamay ko't ikinulong iyon sa kanyang dalawang palad.
Muli kong naramdaman ang bahagyang pagsakit ng aking ulo..
Kaya napahilot ang isang kamay ko sa aking sintido..
"Hey.. How's your feeling? Does anything hurt?" Ang masuyo at puno ng pag-aalalang tanong ni Ivo.
Hindi ako agad na kasagot..
"Wait, I'll call the doctor--"
"H-huwag na.. O-okay lang ako. M-medyo masakit lang ang ulo ko.." Ang agap kong pigil sa kanya. Paos pa ang boses ko. Aalis na sana siya e, para tawagin ang doctor pero hinila ko ang kamay niya..
Pinilit kong ngumiti sa kanya. Siya ba ang nagdala sa akin dito sa ospital?
Ang natatandaan ko bago ako mawalan ng malay ay tila lumulutang ako sa ere!
Alangan naman si Tatay ang bumuhat sa'kin? Maliit lamang si Tatay, at sa tangkad kong to, malabo talagang mag-ama kami! esti, malabo niya akong mabuhat!
"Ikaw ba ang nagdala sa akin, dito?" Ang namamaos ko pa rin tanong sa kan'ya. Marahan siyang tumango.
Napabuga ako ng mahinang tawa.
"Good. Lista to ulit a?" Ang biro ko sa kanya! Ang dami ko nang utang dito.
Noong naospital si Tatay ay hindi na nila kami siningil.
Ngayon naman na na-ospital ako, alam ko matek na 'yan! Lista sa hangin!
Wala naman kase kaming pang bayad.
"Tatay mo lang libre dito no! Siya lang kainuman ko e," ang sakay nito sa biro ko na kinatawa naming dalawa.
"Alam mong wala akong pang bayad dito," Ang nakanguso kong sabi..
"Ano ka ba biro lang, lahat ng mahal mo, libre dito.. " Ang pagyayabang nitong sabi sa'kin.
"Sabi mo 'yan a, di kapag nagkasakit ang Nanay ko, alam mo? Sabihin mo, busy ka?" Ang bulong ko sa kaniya. Muli, nagtawanan kaming dalawa!
"Lui... Tanggapin mo na kase ang trabahong inaalok ko sa'yo? Hindi 'yong nahihirapan ka ng husto roon sa trabaho mo--"
"Okay lang ako, Ivo.. Mag-iingat na ako sa susunod.. Pangako hindi na ako magkakasakit.." Ang putol ko pa sa ibang sasabihin niya.. Pilit akong ngumiti sa kan'ya..
Pero bakit ba hindi ko matanggap-tanggap ang inaalok nitong trabaho sa akin, sa mansyon nila?
Kase, iniisip ko pa rin si Noah...
Ayaw daw niya na magtrabaho ako sa mga Magno.
Halata naman daw kase na may gusto sa akin si Ivo..
He even asked me before to avoid Ivo, at ang tanda ko, tinanong ko siya kung anong dahilan niya..
Kung bakit ayaw niya na maging malapit kami ni Ivo sa isat-isa, noong mga panahon na iyon pakiramdam ko, gusto niya talaga ako.
Pakiramdam ko, nagseselos siya kay Ivo kaya ayaw niya na maging malapit kami.
Pakiramdam ko, nilalayo niya ako sa iba dahil gusto niya, para lang ako sa kanya.
Pero pakiramdam ko lang pala iyon.
Isang mapanlinlang na pakiramdam na nagbigay sa akin ng matinding pag-asam.
Naramdaman kong muli ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng aking mga mata..
Kasunod ng panginginig ng aking mga labi...
I felt Ivo gently squeeze my hand...
Wala na si Noah.. Ikakasal na siya at may mahal na..
Kinalimutan na niya ako..
Huminga ako ng malalim.. Bago ko siya muling tinignan.. Ngumiti ako..
Pilit.... Pinilit ko talaga kahit pakiramdam ko di ko maigalaw ang labi ko..
"Sige na nga... Doon na ako magtratrabo sa inyo, tinatanggap ko na." Ang nakangiti kong turan sa kanya.
Nakita ko ang biglang pagliwanag ng mukha niya.
"That's good decision, Lui...Pwede ka rin mag-aral habang nagtratrabaho sa'min. Kakausapin ko si Mommy.." Ang masayang anito.
"You don't have to.. I already heard everything.." Ang nakangiting bungad ng Mommy niya.
Mababait ang mga magulang ni Ivo. Pati nga ang Lolo at Lola nito ay nakilala ko na rin at wala akong masabi sa kabaitan nila kahit pa mataas ang estado ng mga ito sa buhay.
"Pero gusto ko pa munang magpaalam ng maayos kay Manang Shon para naman hindi siya maghintay sa akin, at makapaghanap din sila ng ibang makakatulong sa karenderya.." Muli niyang pinisil ang palad ko at matamis na ngumiti sa'kin at tumango..
BINABASA MO ANG
Onschatbare Liefde
RomanceAudrey Lui Ramos isang dalagitang laking isla. Nagtataglay ng maamo at napaka-inosenting mukha. At sa mala-anghel na mukha nitong taglay, ay nagtatago ang isang matapang, pranka at buglar na personalidad. Unang kita pa lamang nito kay Naoh, ay nakar...