Chapter 28

530 15 0
                                    

~Noah~


Tahimik akong nakatayo lamang sa harap ng glasswall dito sa condo ko sa Makati.
Nakatanaw sa malayo.
Nakasuksok ang isang kamay sa isa kong bulsa. 
Habang tangan naman ng isa kong kamay ang baso ng alak.. 
Inikot ko iyon sa hangin upang alugin ang yelo.. 
Mula sa kinatatayuan ko'y, dinig ko naman ang pag-uusap ng mga kaibigan ko. 
 Pero wala na doon ang atensyon ko... 
Naglalakbay ang isip ko sa mga  nangyari. 
At habang dumaraan ang araw at oras.. 
 Ay lalo akong nawawalan ng pag-asa. 
 Lalo akong nalulunod sa takot at pag-aalala. 
 "Where are you, Lui?" wala sa sariling bulong ko sa hangin.. 
 Napahigpit ang hawak ko sa baso. 
 Kasabay ng pag-iinit ng mga mata ko.. 
 Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili sa mga nangyari. 
 Kasalanan ko! Damn it! 
 Ang nakakapanlumo pa, ay nang malaman ko kay Mang Ramil ang pagpunta niya sa rest house. 
 Ang pag-iyak niya pauwi ng isla Mabato. 
 Parang sinusuntok ang dibdib ko.. 
 It could be? Has she heard everything?. 
 Nakita kaya niya kami at narinig ang pag-uusap namin ni Charlene? 
 It's possible, though. Malakas ang kutob ko.. 
 Dahil kung hindi, hindi siya aalis ng rest house agad-agad. 
 Pupuntahan niya ako at kakausapin.. Kukulitin, pipilyahin.. 
 Ganon siya... 
I barked a laugh. Naalala ko ang kapilyahan niya. 
 And thinking of her right now, being in danger makes me really crazy! 
 At kung sana nanatili lamang ito sa isla ko ay hindi siya makukuha ng mga armadong lalaki na mga iyon! 
 But Charlene was there, kaya alam ko kung bakit siya agad-agad na umalis. 
 Nasaktan pa siya marahil sa nakita niya at narinig.
Kaya ang sabi ni Mang Ramil ay umiiyak ito pauwing isla Mabato. 
 Gusto ko rin sisihin ang mga magulang niya!
 I mean, ang tumayong mga magulang niya.. 
My jaw clenched. Naikuyom ko rin ang kamay na nasa loob ng bulsa ko.
Ngayon alam ko na, na hindi siya tunay na anak.
That her foster dad was actually her abductor.
Pinagtapat na nila sa akin ang lahat. 
And that moment, I realized one thing. 
Kung bakit ko siya namumukhaan. 
Kung bakit unang kita ko pa lang ay pamilyar na siya sa akin.
Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit sinisisi ko, ang sarili ko ngayon!
Naroon na ako eh, nakita ko na siya! I was stupid!
Bakit hindi ko agad iyon naalala? 
Bakit hindi ko agad iyon nakita kay Lui? 
That she is actually, Audrey Lui Siman.
Her parents and my parents are best friends!
But they flew in the states long years ago. 
Their two daughters have been kidnapped. 
Audrey Lui and Alesha. 
Pero nakakapagtakang walang kidnapper ang nakipag-ugnayan sa kanila. 
After a year of searching, lumabas sa imbistigasyon na patay na ang magkapatid. 
At ayon sa imbistigasyon ay naging biktima ang mga ito ng child trafficking. 
Sintikatong kumukuha ng mga bata at pumapatay. 
Kinukuha ang mga internal organs ng mga ito.
Diniklara silang patay nang matagpuan ang ilang kagamitan ng mga ito sa abandonadong barko.
Kasama ang ilang bangkay ng bata na naagnas na.
And Violet, their adopted older sister is actually my ex-girlfriend.
Naging girl friend ko siya during my college days.
Damn it!  And Alesha had a crush on me. 
Napakabata pa din niya no'n. Pero lagi niyang sinasabi na gusto niya ako.
Among the three, Audrey Lui is the one who doesn't really like me.
Lagi itong naiinis sa akin sa di ko malaman na dahilan. 
Madalang lang naman akong pumunta sa kanila. 
Pero sa tuwing nakikita niya ako, ay nalulukot ang napaka-cute niyang mukha.
She never comes near me.
At tignan mo ang pagkakataon kung kanino ako nahulog ng lubos? 
Damn... I miss her like crazy...
Wala pa nga akong matinong tulog after ng insidente. 
And after the incident, tinawagan ko na rin agad ang mga magulang niya. 
And from the state, ay agad naman silang nagpasya na lumipad pabalik ng Pilipinas.
Alam ko na rin ang sinapit niyang kalupitan sa mga taong tinuturing niyang pamilya. 
Ang kinilala niyang Ina na kailanman ay hindi nagpakita ng pagmamahal at kabutihan sa kanya.
Ang mga kinilala niyang kapatid na kahit kailan ay hindi niya naging kasundo.
Tanging ang kilala nitong ama ang kahit paano ay naging mabuti sa kanya.
And that fvcking Ivo guy, men. 
Gustong-gusto kong durugin ang mukha niya!
Lalo na nang ipagtapat sa akin ni Jeylai kung anong nangyari sa mga sulat ni Lui para sa akin.
THAT day, wala akong inaksayang oras.
Tinawagan ko agad si Uno. 
Para akong masisiraan ng bait sa pag-aalala at takot para kay Lui. 
Jason and Miguel helped us to track down the kidnappers. 
We found the location.
Pero nagulat na lamang kami sa nadatnan namin.
Hindi namin natagpuan si Lui.
Mga bangkay ng mga kidnappers ang nadatnan namin. 
It was two weeks ago since then. 
At hanggang ngayon ay wala paring makitang lead kung nasaan ba talaga siya.
Tapik sa balikat ang nagpalingon sa akin. 
"It will not gonna stop here, budz. Mahahanap rin natin siya. 
But one thing is for sure, she's still alive. Kung sino man ang nagligtas sa kanya, yan ang patuloy natin na aalamin." Ang ani Uno. 
"Paano kung yong mga sindikatong unang kumidnap sa kanya, ang kumuha sa kanya?" Naging mabigat ang paghinga ko. Wala akong kaide-ideya kung anong nangyayari sa kanya ngayon!
Kung nasa mabuti ba talaga siyang kamay!
Kung talagang buhay pa siya!
"Sa dami ng na-experienced kong kaso na tulad nito, mostly buhay ang biktima." Boses ni Jason. 
"True. Malakas rin ang kutob kong buhay siya. Kaya huwag ka nang mag-alala hindi rito magtatapos ang paghahanap sa kanya." Ang paniniguro sa akin ni Alfred Miguel na siyang kinatango ko lamang ng marahan.


Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon