Chapter 44

463 24 0
                                    

~Audrey Lui~






Mabilis ang mga naging pangyayari.
Kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Bukas ay kasal ko na. Kasal na namin ni Noah.
Parang minadali ang lahat. Isinama niya ako para makitang muli ang mga magulang ko.
Hiningi niya ang kamay ko, at boom! 'Yon na!
Kahit ang Mommy at Daddy ay hindi tutol.
Kita ko pa nga ang saya nila at pagiging sunod-sunuran sa mga inilalatag na suhisyon ni Noah sa kasal namin.
Sa isang presidential suite sa hotel na iyon kami nagtuloy pagkatapos ng dinner.
Sa laki ng suite na iyon, pakiramdam ko nasa loob na rin ako ng isang malaking bahay.
Naisip ko, malamang mahal ang suite na ito. Kompleto e.
May malaking sala. Iisa lang ang makikitang pintuan sa loob. Ang hula ko ay iyon ang kuwarto.
Ito pa ang napansin ko kanina pa. Lahat ng tauhan sa hotel ay yumuyuko at nagbibigay galang sa tuwing dumaraan kami.
Partikular sa mga magulang ni Noah. At first I just thought masyadong kilala ang pamilya nito pati sa sikat na five star hotel na iyon ay tila lubos ang pag galang ng mga tao sa kanila.
But then, namangha na lamang ako nang napag-alaman kong pag-aari ng mga magulang niya ang napakaganda at napakalaking hotel na ito.
Nang mag-umpisa na ang kanilang usapan tungkol sa kasal namin ay natahimik ako.
May ilang alalahaning umiikot sa utak ko pero hindi ko naman magawang e-voice out.
Halos matusta pa ang mukha ko dahil habang pinag-uusapan ang kasal namin, ay panay haplos ni Noah sa tiyan ko.
Though, I love how he softly caressed my flat tummy with his hand.
Minsan doon napapatingin si Mommy at Daddy. Ang mga magulang naman niya ay kitang-kita ang tuwa. Ang Mommy nga niya ay hindi mawala wala ang excitement na nakaguhit sa mga mata nito.
Pakiramdam ko ay nagpapahiwatig si Noah sa kanila na baka buntis na ako.
Siguro 'yon din dahilan kaya si Dad at Mom ay parang naging sunod-sunuran at walang naging pagtutol.
Ang sabi ni Noah nakahanda na ang lahat.
Maski ng gown na susuotin ko ay handa gayong ni wala man lang nagsukat sa akin.
Nahimik lamang si ate Violet habang nakatungo sa isang bahagi ng mahabang sofa.
Panay ang tapon nito ng tingin kay Noah.
Hindi ko alam kung napapansin iyon ni Tanda gayong nasa akin lamang ang atensyon nito at sa mga magulang namin.
Dapat lang naman, subukan niyang lumihis ng tingin, may mapaglalagyan siya sa'kin .
Pero mukhang walang ibang kilala ang mga mata nito kun'di ako lamang .
Akala ko nga magiging awkward ang dating ng magiging paghaharap-harap namin.
They are old lovers. Then, ako na 8 years old lamang noon ay siyang pakakasalan ni Noah na nang panahon na iyon ay 24 years old naman!
"How I wish, na narito si Alesha. Pinapanalangin kong sana tulad ni Audrey ay buhay rin siya-" bubuka pa lamang ang bibig ko ngunit inunahan na ako ni Noah.
"I'm sure Mom na kung nasaan man ngayon si Alesha ay tiyak kong masaya siya para kay Lui," pinisil niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya. Napalunok ako.
Bakit gano'n ang naging sagot niya? Bakit di niya sinabing magkasama kami ni Ate?
Na buhay naman talaga siya?
Hindi niya ako nilingon pero panay ang pisil sa palad ko.
"I'll promise po, na patuloy kong papa-imbistigahan ang kaso ni Alesha. Malalaman po natin kung buhay pa nga talaga siya." He continued. Nang mapatingin siya sa akin ay nagtatanong na tingin ko ang sumalubong sa kaniya..
Tipid niya akong ningitian. "Alesha is brave and strong like Lui, kaya malaki ang posibilidad na buhay siya," dagdag pa niya.
Napansin ko ang tila pagtalim ng mga mata ni ate Violet.
Kitang-kita ko iyon. Nag-iiba rin ang timpla ng mukha niya sa tuwing mapapatingin siya sa magkahawak na kamay namin ni Noah.
Pati sa paghaplos ng mga kamay ni Noah sa tiyan ko.
What now? Don't tell me nagseselos pa ito?
May asawa na siya. Kasal na siya sa isang mayamang japanese businessman.
Dalawang taon na itong kasal though, wala pa naman itong anak magpahanggang ngayon.
"Saan nyo balak mag-honeymoon niyan?" tanong ni Mommy. Tumingin sa akin si Noah.
"Kailangan pa ba 'yon e, nauna na nga honeymoon natin?" ang wala sa loob kong sambit na kinatawa ng Daddy ni Noah at ng Daddy ko.
"So, hindi nga kami magbibigo sa inaasam naming apo ngayong taon," ang masayang anang Daddy niya.
Nakangiti naman napahaplos muli si Noah sa tiyan ko, saka ako masuyong kinabig sa kanya at hinalikan sa aking sintido.
"Sana naman Noah, kahit kasal na kayo nitong bunso namin e, madalas pa rin namin siyang makasama alam mo naman na-"
"Mommy, 'yon sana ang hihilingin ko sana," agad na sansala ko. Napatingin silang lahat sa akin.
Tumingin ako kay Noah. Hawak pa rin nuya ang kamay ko. At wala na atang balak bitawan. Wala pa akong alam kung ano ang binabalak niya at gusto niya, o kung anong napag-usapan nila ni Ate Alesha. But I want to be with my parents too.
Pinisil ko ang palad niya. Ang mga mata koy nakikiusap at humihingi ng pang unawa at suporta.
Ngayon alam na ni ate Violet na buhay ako, alam kong hindi na safe ang mga magulang namin sa poder niya.
"I want to be with my parents, Noah." Ang naisambit ko. Kung hindi sasama sila Mommy at Daddy sa akin, then mananatili ako sa bahay namin kasama sila. Babantayan ko sila.
But then, parang alam na ni Noah ang nasa isip ko, o sadyang nakaplano na ang lahat.
Napag-usapan na nila ni Ate Alesha?
"Malaki ang magiging bahay natin, wife ko. At wala ring problema kung titira sila sa atin."
"No, hindi sasama sila Mommy at Daddy sa'yo!" ang biglang bulalas ni ate Violet, hm.. Dapat ko nga ba talaga siyang tawaging ate?
"Hindi ko puweding ipagkatiwala sa'yo sila Mommy and Daddy, hindi ka pa nila kilala, hindi ka lumaki sa poder nila malay ba namin kung-"
"Violet!"ang agad na saway ni Mommy.
" Nakakasiguro ba kayong siya si Audrey Lui? She's just 8 years old when she's been kidnapped. Malakas ang ebidensyang patay na siya, kasama sa barkong iyon ang bangkay niya, Mommy. Paano kung itong babaeng ito ay isa lamang sa mga nagpapanggap na--"
"Dugo at laman ako ng mga magulang ko, kung may nagpapanggap man rito malamang na hindi ako iyon!" matalim ang naging tingin niya sa akin, ngunit lumaban ako.
Hindi na ako masisindak ng ganyang klasing tingin!
Sa dami na ng pinagdaanan at pati nga kay kamatayan ay nakipagtagisan ako ng tapang!
"Ang anak matagal man itong nawalay sa magulang hindi no'n mapuputol at mababago ang katotohanan iisa pa rin ang dugong nanalaytay sa kanilang ugat ng kaniyang mga magulang." natigilan siya. Napalunok.
I bet she's quite surprised sa pagsagot ko.
"Ikaw kaya saang parte ng katawan mo ang makakapagturong anak ka nga nila Mommy at Daddy?" ang sarkastiko kong tanong sa kaniya. Ang pagkakaputla ng mukha niya at pagkakapahiya ang nagbigay ng ngisi sa akin.
"Audrey, anak..." ang malumanay na saway sa akin ni Mommy.
Tumingin akong muli kay Noah. Then, nang-aarok na mga matang binalingan ko si Mommy and Daddy.
"Magpapakasal lang ako kay Noah, kung sasama kayo sa'min. Pero kung hindi, aalis ako bukas na bukas-"
"Lui, what are you saying?! There's no fucking way that I let that to happen,"galit niyang sabad. Umiigting ang panga niya habang matiim ang tingin sa akin.
Gusto kong mapangiti ngunit nagpigil ako. Kung halimbawang alanganin sila Mommy at Daddy sa pagsama sa amin, alam kong si Noah ang gagawa ng paraan para mapapayag ang mga ito.
" Gusto ka namin makasama anak, pero hindi kaya baka makaistorbo naman kami sa inyong honeymoon baka maudlot ang pagkakaroon namin ng apo-"
"Nauna na po ang honeymoon namin Daddy," agad kong putol sa sasabihin pa ni Dad. "B-baka nga buntis na rin ako," nahihiya kong amin. Huminga ako ng malalim. Nang mapatingin ako kay Violet ag madilim na ang mukha nito..
"Bibigyan po namin kayo ng maraming apo. Matibay naman siguro ang bahay mo at makapal ang dingding, di ba? Hindi naman siguro tayo maririnig habang-" napahinto ako nang tumikhim ng malakas ang Mommy ni Noah.
Shit! Nawalan ng bara ang bibig ko!
Napansin kong napanganga rin si Mommy sa akin.
Napakagat ako sa ibaba kong labi at bahagyang yumuko.
"Mom, Dad... gusto ko rin po kayong makasama..."
"Puwede mo silang makasama nang nasa bahay lang sila... Puwede naman na kayong dalawa ni Noah ang makitira muna sa bahay..." Napahalukipkip ako't bored ko siyang tinignan.
Nang matapos itong magsalita ay agad akong tumutol sa gusto niya.
Sa bahay pa kase ito nakatira kahit kasal na sa Japanese nitong asawa.
Madalang lamang magsama ang dalawa dahil laging nasa abroad ang asawa nito.
"Selosa ako.." Deretso ang tingin ko kay Violet. Ang bawat salita koy madiin.
Makahulugan. Siniguro kong matatamaan siya!
" Alam ko naman na faithful itong magiging asawa ko pero, ayaw na ayaw ko pa rin nang may ibang babaeng tumitingin sa kaniya! Nawawala ako sa sarili, at nangangalmot ako kapag nagagalit." Ang makahulugan kong diklara kay Violet habang deretso pa rin ang mga mata kong matiim na nakatitig sa kaniya.
Ewan ko kung nararamdaman ba nila Mommy at Daddy pati mga magulang ni Noah kung gaano kataas ang tensyon sa pagitan namin.
Na bawat salitang binibitawan namin ay may kakaibang kahulugan.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Noah sa palad ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Gusto kong bumunghalit ng tawa nang makita kong halos mag hugis puso ang nangungusap niyang mga mata!
Mukhang kinilig na naman ng husto sa akin si Tanda.
"Kahit naman lumuwa ang mga mata nila sa kakatingin sa akin, wala silang mapapala e, iisa lang ang mahal ko, 'yon ay ikaw lang my wife.." ang lambing niyang sabi na nagpainit ng magkabilang pisngi ko.
Malakas ang pagkakasabi niya sa harapan pa ng lahat.
"Mom, Dad, pumayag na kayo. Pangako bibigyan namin kayo ng maraming apo," ang panghihikayat pa nitong baling sa mga magulang ko.
Kanina ko pa napapansin feel na feel na niyang tawagin Mommy at Daddy ang mga magulang ko.
**
At sa isang iglap ay nagising na lamang akong ikakasal na.
Kinausap ko si Noah kagabi tungkol kay ate Alesha. At tama nga ako, they already talked about this.
Hiniling ni Ate kay Noah na ilihim pa rin ang ang tungkol sa kaniya.
Palihim kong tinawagan si Ate Alesha pero hindi naman ito sumasagot.
Si Queen naman ay nakausap ko lamang saglit dahil nasa isa itong misyon kaya hindi ko rin ito nakausap ng matagal.
Si Spade ay gano'n rin. Mukhang wala sa mga kaibigan ko ang makakapunta.
"Don't you worry ikakasal naman tayo ulit e, at siguradong sa panahon na iyon ay makakasama na natin ang mga kaibigan mo at si Alesha." He comforts me.
ISANG private wedding ang naganap sa mismong hotel na iyon. Mga malalapit na kamag anak at kaibigan ni Noah ang halos lahat nang nakikita ko..
Even so, everything seems perfect, feels so perfect..
Nasa ayos naman ang lahat. May gown fit on me perfectly.
Maliban na lang sa konting lungkot na nararamdaman ko dahil wala ang mga kaibigan ko at si ate Alesha.
Kahit si Tatay Royet nga ay gusto ko rin makasama sa kasal ko.
Kahit ano pa man ang nagawa nito noon ay utang ko pa rin ang buhay ko sa kaniya.
Napamahal na sa akin ang pamilyang iyon kahit pa hindi ako naituring na totoong pamilya. Napamahal na sa akin si Tatay.
Sa susunod ay sisiguraduhin kong makakasama ko lahat ang mga mahal ko sa buhay. Damn, ganito pala ang kinakasal. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Para akong natatae na nasusuka sa excitement.. Parang nakalutang sa alapaap.
Para bang panaginip lamang ang lahat.
Pero nang magpalitan na kami ng Ido at inanunsyo ni father ang ganap namin mag asawa ay doon pa lamang nag-sink in sa akin ang lahat.
"I now pronounce you husband and wife, you may kiss the bride." we sealed our marriage with a sweet long kiss.
Halos higupin lahat ni Noah ang hangin sa baga ko..
Malakas na hiyawan at palakpakan ang nagpahiwalay lamang sa amin..
"I love you, my wife... Can't believe that you are my wife now, for real. Legally you're mine now Audrey Lui Siman." He softly murmured at my ear.
Hinaplos ko ang panga niya. I lovingly looked at him.. "Yeah, I can't believe it too husband ko. You are mine now, my husband for real.."
Ang hindi ko makapaniwalang tugon. We sealed our lips again with a kiss...




A/N: unedited pasensya na, busy po ako lagi.



Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon