Chapter 30

647 24 1
                                        

~Noah~

Literal na napahinto ako.
Kasabay ng malakas na suntok ng kaba sa dibdib ko.
Pati ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso koy damang-dama ko talaga.
Yes, alam ko...
Sigurado ako...
It was her.. My Lui...
My long-lost wife...
That was her voice.
Hindi ko mawari ang pagsalakay ng emosyon sa dibdib ko.
I was longing for her presence, for her voice..
I was longing for her, for so long ...
Wala sa sariling napatingin ako sa stage...
Ni ayaw kong kumurap man lang..
Ang dibdib koy walang tigil na dinadagsa ng ibat-ibang klase ng emosyon na di ko mapangalanan.
Panaginip lang ba to?
Siya ba talaga?
Paano kung hindi?
No! Sigurado talaga ako!
Kahit ilang taon pa ang magdaan, alam ko siya nga ang nasa ibabaw ng stage ngayon.
At ang kantang yan....
Hindi ko makakalimutan ang kantang yan na siyang inawit niya noon para sa akin.
At mula noon ay naging paborito ko na rin pakinggan.
Wala sa sariling humakbang ako pabalik...
Napako lamang ang mga mata ko sa kanya.
Siya lamang ang nakikita ko sa mga sandaling iyon.
Pati utak ko ay lutang dahil ni hindi ko na namalayan na nasa tapat na akong muli ng mesa kung saan naroon ang mga kaibigan ko...
My full attention was only with her...
Bahagya ko nga lang narinig ang bulong ni Klient sa'kin...
"She's here budz!" His amused, voice.
Yes budz,She's here.. Sagot ng utak ko.
Ano ba tong nararamdaman ko?
"Bakit ka bumalik?" takang boses ni Uno.
Pero wala pa ako sa sarili para sumagot sa mga katanungan umuulan para sa akin mula sa paligid ko.
"Noah, what's wrong anong nangyayari sayo?" taka at napapantastikuhang boses rin ni Kiel..
"Mukhang nahalina ka sa boses ng haponesa!" it was Carl.. I heard him smirked and his wife giggled.
"Parang kang sinapihan, budz. Nakakakaba ang kinikilos mo.." Ani Vince...
Kahit na nasa stage ang mga mata at buong atensyon ko ay narinig ko parin ang pag saway sa kanya ng kanyang asawa.
I could still recognise their voices pero wala ako sa sarili kong isip para sagutin sila isa-isa..
"She's here.. The island girl we were talking about.." Ang muling dinig kong ani Klient.
Natahimik sila.
Tila ba may dumaan na anghel...
Pati buong paligid ay nakikiayon...
Tamihik ang lahat habang pinakikinggan ang kanyang malamyos na tinig...
Dahil parang ako lamang at siya ang nasa bulwagang iyon..
Ako lang din ata ang nakatayo.
At ewan ko pero sa kabila ng maskara niyang suot, ay dama ko ang init ng tingin rin niya sa akin.
Habang binibigkas ng malamyos niyang tinig ang bawat kataga ng kantang iyon.

Ewan ko bakit ba ganyan damdamin ay 'di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang ika'y makilala

She's wearing a very seductive nightgown...
Gusto kong murahin kung sino man ang gumawa at nakaisip ng design na iyan!
Her cleavage was perfectly showing.
But that's should be mine only.
Para lang dapat sa mga mata ko iyon wala ng iba pang lalake!
Dahil sa naisip ay napatingin ako sa paligid ko..
At kitang-kita ko ang mga matinding paghanga sa bawat lalaking madaanan ng mga mata kong nakatingin sa kanya, sa stage..
Nahimasmasan lamang ako ng marinig ang masigabong palakpakan..
"Thank you everyone.. Thank you.." Mababakas ang magkahalong saya at hiya sa tono nito.
"Wow, seems like miss Nakamura had the audience impact." ang biro ng mc na kinatawa ng marami...
Saka umugong ang masayang bulungan.
Tumikhim ang mc.
"Thank you, Miss Nakamura, for sharing us your talent, and that very beautiful song." Ang pagpapatuloy ng baklang mc..
Ramdam kong nasa akin pa rin ang mga mata niya.
Nakatingin pa rin siya sa akin at ganon rin naman ako sa kanya.
Napatingin ako sa mga kamay niya..
Kinukurot niya ang mga daliri niya.
I smirked. Ganon na ganon siya..
Every time she feels nervous and tense.
"Anyways we will proceed to the bidding.. And the bidding for miss Nakamura representing, Nakamura group of companies begins." Ang muli anang mc...
Agad na may tumayo upang tumawad ng 2 milyon..
Sunod-sunod ang pagtayo o pagtaas ng kamay ng mga kalalakihan upang makipagtawaran.
"Mr Rosales bid for 20 million." ang dinig kong anang mc at doon ata ako nahimasmasan.
Dinig na dinig rin ang pagsinghap ng iba sa paligid..
Nag-umpisa ring lumikha ng bulungan.
"25 million for me." Anang isa pang lalake.
"30 million for me" laban ng isa.. He looks foreigner. Habang ang mga taong nasa paligid ay palakas ng palakas ang singhap nila dahil sa naririnig na presyo.
Sila na lamang ang naglalaban.
"40 million." ang sagot muli ng isa.
But this time, may nagbago sa itsura niya..
He looks tense and bothered.
"50 million." Walang gatol na sagot ng lalake. Nakita ko ang pag-ngisi niya.
Napatiim bagang ako.. Sinulyapan ko si Lui..
Nakatayo lamang siya at nakatuon ang mga mata sa dalawang lalaking tila naglalaban talaga upang siya ay makuha.
Pero nang mapatingin ako sa mga kamay niya ay magkahiwalay na iyon.
Nakakuyom... Madiin ang pagkakakuyom..
Napakaseryoso ang mukha ng isa mga lalake. 
Tila napaka-importante rito na manalo sa bidding na iyon..
Pero bakit?
Bakit pakiradam ko may kakaiba sa klase ng tingin nito kay Lui?
Yong isang lalake naman ay nakangisi habang nakatingin doon sa katawaran niya... There's might be something between them.. pero di ko mawari kung ano..
Tumingin muli ang lalake kay Lui sa stage..
Naka ilang lunok na...
Seryoso ang mukha... Gumalaw ang bibig...
Tila may sinabi ngunit wala naman lumabas na boses.
Ilang beses binanggit ng mc ang huling presyo ng tawaran..
"No one could overtake the 50 million, gentlemen?" ang tanong ng mc..Nagbulungan ang mga tao..
Pero walang nagsalita para tapatan ang presyo.. Tanging mahihinang anasan lamang ng ilan ang maririnig sa buong bulwagan.
"Then, I will mark Miss Nakamura-"
"100 million!" ang malakas kong sabi.
Nang mga sandaling iyon tila boses ko lamang ang nangibabaw sa lahat.
"Kuya, sigurado ka ba dyan?" ang dinig kong hindi makapaniwalang tanong ng pinsan kong si Althea..
Pati mga kaibigan ko ay natahimik ngunit ramdam ko ang init ng tingin ng mga ito sa akin..
Pati mga tao sa paligid ay tila napanganga habang sa akin nakatingin.
Ilang sandaling natulala rin ang mc.
"What now? 100 million, she's mine." Ang maangas at untag ko sa mc.
Tila bigla naman itong nahimasmasan.
"For 100 million, I marked Miss Nakamura as Sold by Mr. Noah Olivarez.
Naging maugong ang bulungan.. I smirked.
Magiging akin ka ng isang Linggo.
Pero sorry ka, dahil 'di uso sa'kin ang sulian.
You'll be mine forever.
Sisiguraduhin ko yan.
Sa isang Linggo ko itong makakasama ay maraming senaryo na ang umiikot sa utak ko.
May mapaglarong ngisi akong humakbang papuntang stage upang sunduin siya.

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon