Chapter 39

590 25 0
                                        

~Audrey Lui~


Dalawang araw lamang kaming nanatili sa isla nito.
Pang-anim na araw ko nang kasama si Noah. Nang sabihin nito na aalis kami.
Pinaghanda niya ako ng ilang pirasong damit at ilang personal na gamit. Baka do'n na daw kami matulog. Pati siya ay pinaghanda ko na rin. Napapangiti ako habang maayos na nilalagay isa-isa sa isang maliit na maleta ang mga gamit naming dalawa.
Ang gandang tignan para sa akin ang mga gamit naming magkasama...
Like, a real couple does.
Dadalo kami sa imbistasyon ng isa niyang kaibigan sa private beach resort ng mga ito sa Bataan.
Baka daw magkayayaan ng matinding inuman at dôon na kami makatulog.
Mahigit dalawang oras din ang naging biyahe namin. Bahagya pa akong nakaidlip sa biyahe.
Marahan naman niya akong ginising sa pamamagitan ng masuyo niyang bulong at halik.
"I'm hungry, wife ko. Ikaw nagugutom ka ba? Anong gusto mo?" Nangunot ang noo ko't umikot agad ang paningin ko sa paligid.
Nakapila ang sasakyan namin sa drive thru ng isang kilalang fastfood chain.
Hindi naman ako gaano nagugutom, pero nakakahalina ang amoy ng french fries sa fastfood na iyon.
He's driving. So, para akong yaya niyang sinusubuan siya.
Ang Lolo mo tuwang-tuwa naman at feel na feel naman talaga ang pagsisilbi ko sa kan'ya.
Panaka-naka ko ring nilalantakan ang pagkain ko. Pero lagi ako alisto sa pagsubo kay Noah sa tuwing makikita kong paubos na ang nginunguya niya. Sa fries, tuwing susubuan ko, pabiro pa niyang sinasakmal ang daliri ko. Hê's so playful and alive. Punong-puno ng buhay ang mga mata niya. Madali kong naubos ang pagkain ko dahil isang burger lang naman at medium fries.
Kaya nag-fucos na ako sa pagsusubo sa kaniya.
Pang tatlong tao ata ang inorder niya para sa sarili. Tatlong large buger ,tatlong large Fries rin. "Bakit ang dami mong binili?" Taka kong tanong malakas din naman itong kumain pero ito, pangtatlong katao, sigurado ba siya?
Hindi naman yan lahat para sa akin e, medyo malayo pa biyahe natin. At alam kong magugutumin ang asawa ko kaya dinagdagan ko na ang inorder ko.
My heart kicks inside my chest. Asawa ko.
Shit! kinikilig ako! Ang sarap sa pandinig!
Pigil ang ngiti ko. Minsan ay nagkakatinginan kami.
Panay ang pangingislap ng mga mata niya.
Lagi naman kaming magkasama at magka-usap. Hindi naman ako nahihiya sa kaniya pero maraming pagkakataon pa rin talaga na kayang-kaya niyang pakabugin ang dibdib ko at paserkuhin ang puso ko.
Hapon na rin kami umalis ng bahay kaya naman halos papalubog na rin ang araw nang makarating kami sa resort na sinasabi nito.
Malawak at napakaganda ang paligid. Nakakamangha ang bawat maraanan ng aking mga mata.
Sobrang ganda! Private resort pero may mga cotteges sa paligid. Parang pinasadya para sa magkakaparehang bisita!
Ang mga cotteges ay hindi pangkaraniwan.
Ang bawat laki ay naaayon sa isang pamilya. There was 5 cotteges at pang anim ang pinaka-resort house. Sa pagkakaalam ko ay anim silang malalapit na magkakaibigan na magkaka-edad. Marahil ay para sa kanilang lima ang mga cotteges.. Ang pinaka resort house naman na talagang napakalaki ay sa mismong may-ari!
May ilang kuwarto rin daw iyon. So medyo nakakapagtaka pa rin kung bakit may mga cotteges sa paligid ng mismong resort..
Pagbaba nga ng sasakyan ay samyo ng dalampasigan ang agad na sumalubong sa akin pang-amoy.. This is so refreshing!
Napahinga ako ng malalim at lalo pang simamyo ang amoy ng dagat!
Kakagaling ko lamang ng isla pero 'yong pakiramdam na na-miss ko agad ang sariwang hanging maalat sa aking balat?
The resort seems really secured and been monitored. Hindi pala kami pweding basta na lang gumawa ng himala ni Noah sa paligid..
I saw cctv cameras installed everywhere!
Damn, sayang parang exciting sanang mag-outdoor kapag gabi.
Pero bakit ganito ka-secured ang lugar na ito? Siguro napakayaman ang may-ari ng resort na ito.
I'm quite excited to meet the owners!
I was amazed by this place.
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa pinaka harap ng resort house.
Medyo nakadistansya ang parking kaya malayo-layo rin ang nilakad namin..
Nasa kalagitnaan pa lamang kami ng may lumabas na magkapareha.
Hawak kamay din ang mga ito.
Nakangisi agad 'yong lalake. I know him..
Of course, I remembered his name.. He's Uno.
Uno Cinto Madrigal and this woman maybe his wife. Nabanggit ni Noah na sa kanilang anim ay siya na lang ang walang asawa..
Nang sabihin nga niya iyon tila ramdam kong may pinapahiwatig siya..
I don't know, kung nagpapahiwatig ba talaga siya o, sadyang assuming lamang ako?
So, sila pala ang may-ari ng napakagandang resort na ito. Uno Cinto.. I scan his profile in my head.
Anak siya ng dating senador. Galing siya sa mga pinakamayaman at maimpluwensyang pamilya sa bansa! I read also some old articles about him and his family.
Nice... I'm impressed.
Nang makalapit kami'y napansin ko agad ang kakaibang tingin at ngisi ng babaeng kasama niya.
I know what those eyes mean... Those smirks.
Naningkit ang mga mata ko, naging alisto ang utak ko.
At hindi nga ako nagkamali. Parang naging slow motion ang lahat!
Nagpakawala ito ng malakas na sipa!
Nakaiwas ako ngunit sa lakas ng sipa niya ay naramdaman ko pa ang hanging hatid ng pwersa niya at sinayaw ng bahagya ang buhok ko.
Dumaplis ang paa niya sa aking balikat..
I silently cursed. Bumaba ang mata ko sa dinaplisan ng paa nito sa aking balikat at nakita kong medyo narumihan iyon..
Puti ang suot kong crop top at naka skinny jeans din ako.. Kung itataas ko nga ang braso ay siguradong sisilip ang pusod ko sa labas..
But i don't mind. I have a body to show.. Pero masyadong mahigpit ang kasama ko't ayaw nitong lumalabas ang katawan ko..
Kanina nga pinuna nito ang suot ko at pinapapalitan sa'kin kako ay sisihin nito ang sekretaryang inutusang niyang bumili ng mga damit ko.
"Arielle What are you doing?" sigaw ni Naoh.. Hindi ito makapaniwala sa ginawa ng babae..
She's just smirking, she does don't bothered to throw a glance at Noah.
"Baby ko, Jowa 'yan ng nagbibintang si Noah.. baka-"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang walang abog na sinugod akong muli ng babaeng tinawag nitong Arielle.
Nagpakawala ito ng sunod-sunod na suntok at sipa! Kaliwa't kanan ang atake nito.
Mataas at malalakas ang bawat tira niya. Lumilikha iyon ng tunog sa hangin.

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon