Chapter 47

493 21 0
                                    

~Audrey Lui~

Matulin ang takbo ng aming sasakyan habang nakabuntot kami sa papatakas na sasakyan ng kalaban.

Hindi pupuweding mawala sa paningin namin ang sasakyan na iyon.

Tangay ng kalaban si Ate Alesha habang walang malay.

Ayon kay Spade, bago pa man ako ipagtulakan ni Ate na pumunta kay Noah upang tuparin ang kasunduan sa nangyaring auction ay nakakatanggap na ito ng pagbabanta.

Kasalan ko ang lahat, hindi ako naging maingat.

Nagawa tuloy ng kalaban na matukoy ang pagkakakilalan ko.

Naging matigas ang aking ulo. Hindi ako nakinig sa pangaral at paalala lagi ni Ate sa akin.

Pakiramdam ko tuloy ay naipahamak ko ang buong grupo.

Nasa isang misyon ako kasama si Rocky, I was been caught, but the little girl that been kidnapped by the syndicate is rescued.

She'd been returned safely to her family.

Napasakamay ko ang isang notebook at isang c.d. Naroon ang listahan ng mga nasasangkot sa mga illegal na gawain.

Nasa c.d. rin ang ilang transaction ng grupo sa ilang kilalang tao.

Mga mayayamang kliyente sa ibat ibang panig ng mundo. Mga ilang mayayaman sa bansa kabilang na rin ang ilang politiko.

Mga nasasangkot sa human trafficking, drugs , firearms smuggling.

Malakas ang ibedensyang nakuha ko. I was really concerned. Naroon ang matinding pagnanais kong magapi at maisiwalat sa lahat ang malaking sindikatong ito.

Lalo na't isa sa nasasangkot ay ang kompanya ng pamilya namin na pinamamahalaan ni Violet.

She's using our company for smuggling and other illegal activities. Nasasangkot rin siya sa human trafficking na pinamumunuhan naman ng biological father nito at ng asawa nitong Japanese.
Nalaman iyon ni ate Alesha ngunit masyadong malinis magtrabaho ang mga ito at walang makuhang matibay na ebidensyang derektang mag-uugnay at magdidiin sa mga ito.
Ang ama rin nito ang siyang kumidnap sa amin noon ni ate Alesha.

Walang kamalay-malay sila Daddy at Mommy sa mga pinaggagawa ni Violet.

Malaki ang tiwala ng mga ito sa kaniya dahil sa ito ay tinuring nilang tunay na kadugo.

So, the enemies knew already about the A's.

Ngayon ko lamang napagtanto kung bakit biglang bigla ay pinagtutulakan ako ni ate kay Noah. Gayong noon siya pa mismo ang nagsasabing layuan ko si Noah kung ayaw kong madamay ito sa aming trabaho.

She wants me to be safe. Alam niya na kahit anong mangyari ay hindi ako magagawang pabayaan ni tanda.

She talked to Noah, at bago pa man kami kinasal ay plinano na nilang dalawa ang lahat.

She kept the threat from me and she took over all the responsibilities.

Kinuha ng mga sindikato si Jelai at ate Mary bilang kanilang hostage. Alam iyon lahat ni ate pero imbes na ipaalam sa akin ay pinili nitong sarilinin ang lahat.

Doon niya ako pinilit na pagbigyan ang gusto ni Nakamura na tuparin ang kasunduan kay Noah sa nangyaring auction.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsugod niya sa kuta ng kalaban ng mag isa upang iligtas si Jelai at ate Mary.

Kahit si Queen at Spade ay wala rin daw alam sa planong pagsugod ni ate Alesha.

She'd been gone for two days at wala man lang balita sa kaniya. Ni hindi nito sinasagot ang tawag nila Queen at Spade tulad ng hindi nito pagsagot sa mga tawag ko.

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon