~Audrey Lui~
Nakita kong sunod-sunod silang napatingin sa akin.
Noah immediately and possesively snaked his arms around my waist. Medyo nabigla ako sa ginawi niya pero napangiti rin ako.. But actually, I don't really mind. I love his arms around my body. Gustong-gusto ko ang mga yakap niya, ang init ng katawan niya.
Sa totoo lang mas gusto ko pang ang ganoong pakiramdam na binibigay niya sa akin. I felt so love and important to him..
Para bang may aagaw sa akin sa kaniya kaya puspusan ang pang babakod niya sa akin.
And I love that feeling... Mas ramdam ko ang halaga ko at pagmamahal niya sa akin..
Narinig namin muli ang bahagyang tukso sa amin sa ginawing iyon ni Noah..
But this time, ngumisi lamang siya.. Malawak na ngisi.. He's proud too..
Saka ako pinatakan ng masuyong halik sa labi. Nakita ko ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Ate. Imbes na mabahala?
Gumanti pa ako ng mahigpit na yakap kay Noah at binaliwala lamang ang nagbabantang tingin sa amin ng kapatid ko..
Ginulo ng mga halik nito at yakap sa akin ang noo'y konkreto ko nang desisyon.
Ang desisyon kong manatili at huwag bitawan ang aking grupo.
Pero kung hindi ako bibitaw paano si Noah?
Parang hindi ko rin maaatim sa sarili na siya ang bitawan ko..
Naguguluhan na ako sa gagawing desisyon.
Parang binabagyo ang isip kong tinignan si Queen na prenting nakaupo pero napansin ko ang salubong niyang mga kilay habang nakatingin sa nakangising si Miguel. Ang kapatid ni Arielle, asawa ni Uno.
Si Spade na kausap si Clarise at Ate Alesha.
Maya maya lamang ay tinawag na kaming lahat sa hapag. Napakahaba ng lamesa.
Agad akong pinaghila ng upuan ni Noah.
Tumabi agad siya sa akin. Napapagitnaan nila ako ni ate Alesha. Sa kabilang gilid naman ni Noah ay ang pinsan nitong si Althea na panay ang ngiti lamang nito sa akin- sa amin. Katabi naman niya ang asawa niyang si Kiel Fuentavile..
Hindi ako makapaniwala na pawang mga kilalang tao ang nakapaligid sa akin ngayon..
Mga taong kilala sa lipunan at tanyag ang mga pamilyang kinabibilangan.
Ang ganda lamang nilang pagmasdan.Si Klient at Marvin ay wala. Well, baka may ibang lakad ang dalawa kaya wala..
Nang maupo si Queen ay agad hinila ni Miguel ang upuan sa tabi nito at umupo.
Queen annoyedly groaned. Lalong sumama ang tingin niya kay Miguel.. Pero ngisi lang at kinadat ang ginanti ni Miguel sa kan'ya.
Amused akong pinagmamasdan na lamang ang dalawa.
Napukaw lamang ang pansin ko nang masuyong humaplos sa hita ko ang kamay ni Noah.
I wore above the knee off shoulder dress. Nasa akin lamang ang bawat atensyon niya..
Lagi lamang siyang nakadikit at nakaalalay sa'kin. Bagay na gustong-gusto ko.
Humalik siya sa balikat ko. "What do you want to eat, wife ko?" ang masuyo niyang tanong sa'kin. Nasa hita ko pa rin ang palad niyang masuyong humaplos do'n.
Umangat ang mga mata ko nang maramdam kong tila may nakatingin sa'min..

BINABASA MO ANG
Onschatbare Liefde
RomanceAudrey Lui Ramos isang dalagitang laking isla. Nagtataglay ng maamo at napaka-inosenting mukha. At sa mala-anghel na mukha nitong taglay, ay nagtatago ang isang matapang, pranka at buglar na personalidad. Unang kita pa lamang nito kay Naoh, ay nakar...